Like the flow of the Manta falls, I felt contentment coursing through my veins. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya na nandyan lang pag kaharap ko ang kahit anong anyong tubig ngunit ngayon ko lang natantong paborito ko talaga ang talon na ito.
"Wave!" rinig kong tawag ni mama sa akin. "Halika na, puntahan na natin ang bahay ng tita mo! nakakahiya at hinihintay na tayo."
"Yes po!" sagot ko habang palapit kay mama. Nandito kami ngayon sa Bahiran, ang province kung saan lumaki si mama. Madaling araw palang kaya't tahimik ang buong lugar kaya napaka-ganda ng timing.
I looked back and took a picture of the falls for the last time using my camera bago ko sinubukang tumakbo papunta kay mama at tita. Kakarating lang namin sa terminal at sinundo agad kami ng kababata ni mama na si Tita Grace. Alam ni Tita na paborito ko ang falls na ito kaya dinaanan muna namin bago kami bumyahe papuntang bahay nila.
Ilang minuto palang ang nagdaan ay papasok na ang sinasakyan namin sa isang malaki at pulang gate. nakasulat sa malalaki at kulay silver ang salitang 'Fabiano' rito at natanto ko agad na bahay na nila Tita ito.
Hindi kalayuan sa gate ay ang kanilang mansiyon na moderno ang disenyo. Sa kanan nito ay isang malawak na garden, kitang-kita mo ang mga nakakaenganyong bulaklak at ang malaking gazebo di kalayuan sa mansiyon ngunit manghang-mangha ako dahil sa kaliwang bahagi ng mansiyon ay matatanaw mo bahagya ang talon na aming pinuntahan kanina.
Dali-dali kong kinuhanan ito ng litrato at nang nakababa sa sasakyan ay nilapitan ko ang bahaging ito at kumuha ulit ng litrato. Tinawag ako ni mama kaya't pumasok na rin ako ilang minuto ang nakalipas.
Malaki ang bahay nila tita, mas malaki kumpara sa bahay na tinitirahan nila noong nakapunta ako dito sa Bahiran ilang taon na rin ang nakalipas. Nagbakasyon lang kami ng isang buwan rito ngunit sobrang bata ko pa para maalala nang maayos ang mga tao at lugar.
"Waveee!" excited na tawag ng isang magandang babae na sa tingin ko ay si Lexa, anak ni Tita Grace na kaedad ko. Si Tita Grace at ang pamilya niya lang ang lubos na naalala ko ngunit hindi ko na masyadong namumukhaan. Gandang-ganda ako kay Lexa, kulay brown ang buhok nito at curls ang nasa ibabang bahagi. She looked thin and slender and an inch taller than me. Maamo ang mukha nito dahil sa manipis at perfect na labi, matangos at maliit na ilong, asian-like eyebrows, at maliit na face shape, at tila ba hindi makabasag pinggan ngunit mas tumitingkad ang ganda nito dahil sa tila maarte at mapaglarong mga mata.
"Lexa?!" excited ko ring sagot. Pareho kaming nakangisi at tumitili habang sinasalubong ang isa't isa ng yakap.
Kahit na hindi ko masyadong naaalala ang mukha nito'y alam ko kung gaano kami ka close noon. Mag hapon kaming naglalaro at minsan pa'y pinapagalitan kami nina mama ngunit tinatawanan lang namin to. Pareho kasi kaming mga pasaway kaya't nagkasundo talaga kami. Umiyak si Lexa nang paalis na kami papuntang Switzerland para doon tumira.
"Namiss kita! Ang ganda mo na!" panunukso nito. Tumawa naman ako at bigla niya akong hinila papuntang pool side nila. Sinita siya ni Tita kasi papakainin pa raw kami ng breakfast bago mamasyal. "Mamaya na ma! maghahanda pa naman kayo! Susunod na lang kami ni Wave!" at tuluyan na akong nahila.
Malaki ang indoor pool nila at napapalibutan ito ng mga magagandang halaman. Hinila ako ni Lexa sa isang malaking hammock na nasa ilalim ng dalawang malalaking puno at naupo kami roon. Kasya naman kami pareho dahil pareho kaming manipis ang katawan.
"Wave! Ang ganda mo na talaga! Noong bata pa tayo eh hindi ka naman gumagamit ng suklay tsaka powder!" ani nito.
"Oy grabe ka naman! Marunong kaya! tsaka ikaw itong mas gumanda!" sagot ko naman nang nakangisi. Totoo naman kasi na bata palang kami ay sobrang ganda na ni Lexa ngunit iba ang tingkad ng ganda niya ngayon kaya hindi ko agad siya nakilala.
BINABASA MO ANG
Cascading Waters
RomanceStarted: April 06, 2020 Completed: July 06, 2020 Trigger warning: Sexual Assault Waverly came back to Bahiran to chase her dreams and build a new life but that new beginning came with a price. Like the cascading waters, she unintentionally fell for...