Chapter XVIII

67 3 1
                                    

Before everything registered in my mind, I saw Tamara look at Lexa. She looked shock but immediately recovered from the shock and waved at Lexa.

Hindi siya gaanong malayo sa kinatatayuan namin kaya naman ay mabilis niya kaming nalapitan. She hugged Lexa in a really friendly way making me think na talagang close sila. Lexa hugged her back but not as tightly bago bumitaw.

"Wow! Look at you, Lexa! You look so pretty! I've been around for days but ngayon lang tayo nagkita!" excited na tili ni Tamara.

Lexa, not Tara.

I saw Lexa look at me a bit bago pekeng ngumiti kay Tamara. She looked tensed, nanibago ako because Lexa always seem confident. Kung sa bagay, she's with her kuya's ex and current girlfriend.

"Thank you, Tamara! How are you?" Lexa managed.

"Better. Anyways, where's Axel? kanina ko pa siya hinahanap eh," tanong ni Tamara, seryoso pa ring nakatingin kay Lexa at tila hindi ako nahalata.

Axel.

"Oh! U-uhm, I'm not s-sure. Hindi pa kami nagkita ni kuya today," sagot naman ni Lexa bago ako tinapunan ng tingin. Napansin ito ni Tamara kaya tiningnan niya rin ako at ginawaran ng pala-kaibigang ngiti bago binalik kay Lexa ang tingin.

"Ahh, yeah! Sorry about that! I always tell him to come early kasi," nahihiyang sabi ni Tamara.

Bigla kong naramdaman ang biglang pagbigat at pag bilis ng pintig ng puso ko. Hindi dahil sa saya kung hindi ay dahil sa kaba... at sakit. They've seen each other and... she's the reason why he's always early? Bakit... hindi niya nabanggit?

Hinawakan agad ni Lexa ng mahigpit ang kamay ko at pinisil ito, somehow giving me assurance about something. Hindi na ako makangiti kaya tinitigan ko nalang siya. Pansin niya rin siguro sa mga mata ko at umaktong aalis na.

"Uh, we should probably go. Bye, Tamara!"

Mukhang nagulat roon si Tamara kaya naman ay pinigilan niya si Lexa. Napahinto agad kaming dalawa sa planong pag alis sana.

"Oh, you're in a hurry?" tanong niya sabay palipat lipat ang tingin sa amin ni Lexa. Nang may matanto si Tamara ay napa bilog ang bibig niya at tinitigan ako, "Uhm, Hi! I'm so sorry for being rude. You are?"

Kahit parang pinagsasaksak ng kutsilyo ang puso ko, I gave her a smile. Axel's right, she's kind but I don't think I am. Hindi man ako ang tipong naghahanap ng away but I know my place and I know what's mine. Inabot ko ang kamay ko bago muling nagsalita.

"Mira. Mira Waverly Martin, Axel's girlfriend."

Napansin ko ang tingin ni Lexa sa akin pero hindi ko na siya binalingan. I looked at Tamara straight in the eyes kahit para nang tinatapakan ang puso ko. This is Axel's first love right in front of me and she's very beautiful.

"Oh! Hi, I'm Tamara Kyla Pelaez. It's nice to finally meet you, Mira."

She looked alarmed but very classy. She gave me a smile pero pansin ko ang kaibahan sa ngiting iginawad niya kay Lexa kanina.

"Excuse us," I said bago hinatak si Lexa palayo.

"Grabe! You handled the situation like a queen, Waveyy!" natatawang sabi ni Lexa at pinalakpakan ako.

Tulala ako, hindi pa rin masyadong maproseso. Kaming dalawa lang ni Lexa ngayon, pauwi ng bahay to get our things bago pumunta sa spring. Susunod lang kami sa mga kaibigan namin.

I just met Axel's first love and ex-girlfriend. Kahit nasasaktan ay parang na guilty rin ako sa mataray na trato ko but she wouldn't expect me to be friendly, right? Lalo na dahil hindi sinabi ni Axel sa aking nagkita muli sila.

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon