Chapter XL

72 4 2
                                    

This is the longest chapter I have written yet. I hope you enjoy the last chapter before the epilogue! :)

-------------------------------

"You are?" Axel asked.

Kung kanina ay nanghihina ako, ngayon ay muntik na talaga akong bumagsak. Parang dinaganan ang puso ko at nag unahang bumagsak ang mga luha ko. Natahimik ang buong silid at napatulala lang ako.

"Kuya! Ano ba!" reklamo ni Lexa.

"Axel?!" sigaw ni Tita.

"Gago, paanong 'you are?' eh siya nga una mong hinanap!" inis na sabi ni Dave.

Huh?

Naguluhan ako kaya inisa-isa ko ang mga taong nandoon. Nakakunot ang mga noo nila tita at tito.

Ganoon rin ang mga kaibigan ni Axel ngunit galit na galit ang mukha ni Lexa. Sunod ko namang natitigan ang mukha ni Axel.

Nakatitig lang ito sa akin at ang wala rin akong nakitang pagkalito. Dahan-dahan ay umangat ang gilid ng mga labi nito at ngumiti. Inangat niya ang dalawang kamay na tila naghihintay ng yakap.

"Come here," sabi niya.

Mas lalo akong naluha nang matanto ang nangyari. Bumalik ang buong lakas ko at pinakawalan na ako ni Tyler.

Inatake ko ng malaking akap si Axel at ilang minutong humagulhol sa braso niya. Nagtawanan rin ang mga tao sa silid.

"Ikaw talagang bata ka!" si Tita.

Kahit inis ay hindi ko magawang bumitaw sa yakap dahil mas nangibabaw ang saya ko na gising na siya.

I don't know what to do kung matagalan pa bago siya nagising. Hinagod lang ni Axel ang likod ko at paminsan-minsa'y pinapatakan ng halik ang noo ko.

"Can you guys give us a minute?" I heard Axel.

"Sure, son. You'll get discharged tomorrow so we'll settle your bills," sagot ni Tito.

Narinig ko ang mga yapak nila paalis ng silid. Natahimik ang buong silid matapos sinarado ang pinto. Mararahang singhot ko nalang ang natatanging ingay sa kwarto.

I hugged him tightly whilst crying on his shoulders. Narinig ko ang marahang pag buntong-hininga niya.

"Shh, stop crying."

Dahil sa sinabi niya ay natauhan ako sa kagaguhan niya kanina. Lumayo ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Hinampas ko siya sa dibdib ng dalawang besos bago niya nahuli ang kamay ko habang natatawa.

"You... asshole! I thought... I thought..."

Hindi ko matuloy tuloy ang gusto kong sabihin dahil sa pagsinghot at muli ay umiyak nanaman.

Hindi ko alam kung mas natakot ako na hindi siya magigising agad o ang magising siya ngunit nakalimutan na ako. Mas naiyak pa ako nang naalala ang unang panaginip ko matapos ang lahat.

He looked startled by my louder cry. He cupped my face using both of his hands.

Nanginginig pa rin ako sa pag iyak nang pinunasan niya ang luha ko at marahang ngumiti.

"I'm sorry," malumanay niyang sambit.

Natigil ako sa paghikbi nang makitang seryoso ito. Tumango lang ako at iniwas ang tingin sa kaniya.

"I'm sorry. I know you've been worried sick and I pulled that prank on you."

Hinigit niya ang palapulsuhan ko para malapit ang katawan ko at niyakap ako ng mahigpit. We stayed like that silently for a few minutes. Hinalikan niya ang noo ko.

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon