Chapter XXIX

47 3 0
                                    

Iniwas ko ang tingin ko at uminom na lang ng tubig kahit paubos na ito. Kahit noong kumakain na kami ay nakangisi pa rin si Axel at pasulyap-sulyap sa akin. Kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.

"What?" he said, defensive but still chuckling with a smug look on his face.

"Stop smirking!" reklamo ko. Padabog kong binaba ang kubyertos. I'm glaring at him so much already.

He chuckled more. "Alright, i'm sorry! It's not my fault I caught you staring at my body!"

"I-I'm not! I was looking at your clothes--" depensa ko, hiyang hiya na.

"It's alright, Wave. You can admit it. I won't judge. Your boyfriend should ask me for tips para naman hindi ka na tumititig sa ex mo," nanunukso niyang sabi.

This asshole!

"I said I wasn't!"

"Alright. Alright."

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tinawanan niya lang ako at akala ko ay doon na natapos ang panunukso niya.

"What's your boyfriend's facebook? Maybe I can send him youtube links of my workout--"

"Axel!" reklamo ko.

"What?! I'm helping you and your boyfriend!" giit niya. Pansin kong kanina niya pa in-emphasize ang huling salita.

"I think Tyler can manage working out hard to achieve that kind of body without your help and will you stop with the boyfriend thing?! He's not my boyfriend and he has a name!" I said, already a few notes to shouting.

Galing sa tawa ay napanguso siya. Tinatago niya ang ngisi at gulat niya pero nagpatuloy na sa pagkain. Hinayaan ko siya at nagpatuloy na rin sa pagkain.

"So... aside from the fact that you said my body is a "kind" which I'd like to think is your indirect approach of saying "hot"..."

Sinamaan ko siya ng tingin at nagmura sa loob looban dahil natanto kong iyon nga din ang sinasabi ko.

"You're not taken?" he asked, nakatitig sa akin gamit ang natutuwang mga mata.

He really believed I was, huh? I think he deserves to know after what he did for me last night kaya inirapan ko lang siya.

"Who ever said I was?"

Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi na siya nilingon kahit ramdam kong nakangisi pa rin ito habang nagsasalita.

"Right... No one did..."

I did stay in the Fabiano's mansion. Mama and papa called to checked on me. For some reason, my interactions with Axel after that lunch were much friendlier and better.

Hindi ko rin alam kung dahil ba ito sa nangyari sa bahay namin o dahil sa pang aasar niya sa akin ng ilang araw patungkol sa lunch. I find it annoying but funny so I let it be.

I've been busy baking the last few days at hindi ko malaman kung patay gutom ba si Axel at umaabot ang bango ng bine-bake ko sa kwarto niya o sadyang magaling lang ang timing ng pag baba niya at palagi niya akong naabutang mag bake.

"Woah, baking again. What's for today?" tanong niya, tumataas-baba ang kilay.

Iniirapan ko lang siya at hindi sinasagot dahil alam kong iinisin lang rin ako nito. Today, i'm baking a carrot cake.

Tinatawanan niya lang ang mga irap ko at kinakausap ako patungkol sa iba't ibang bagay hanggang sa maluto ang bine-bake ko.

"Wala ka bang trabaho or something? Nanggugulo ka nalang palagi ah!" reklamo ko. Tinawanan niya ako.

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon