Chapter VII

97 6 2
                                    

Everything happened so fast.

Hindi ko napansin na sinusuklian ko na rin pala ang halik. Kahit alam ko sa sarili na hindi tama dahil masisira ang pagkakaibigan namin, hindi ko mapigilan ang sariling tugunan ang mga mararahan ngunit may pagka agresibong halik niya.

"Shit" I heard him curse after my first response.

He's holding my waist tightly now. Hindi ko rin napigilang ilapat ang mga kamay sa dibdib niya.

Nagiinit na ako ngunit hindi ko mapigilang maging rational sa lahat nang nangyayari. This is wrong.

Kahit alam ko iyon ay hindi ko parin magawang ihinto ang lahat ng nangyayari. Nang naramdaman ko ang kamay niyang hinahaplos na ang tiyan ko at naramdaman ko ang paglapit nito sa dibdib ko ay tsaka ko palang siya natulak.

We're both horny but this isn't how it's supposed to be. We're friends and... I don't want to lose him. Dating him will only mean greater risks of losing him.

I know i've been feeling weird around him and it might mean that I like him but Axel is a playboy at ayoko maging isa sa mga babae niyang iniiwan lang matapos makuha ang gusto niya. I don't want to lose him and if that means staying friends then i'm willing to keep these feelings to myself.

Dumaan ang gulat sa mga mata niya ngunit napalitan rin ito ng panghihina. Natutop ko nalang ang bibig ko, hindi alam ang nararamdaman o ang sasabihin.

"I'm sorry... was I going too fast?" nagaalalang tanong niya, hinahanap ang mga mata ko.

I looked away and with all the strength I have left, tumayo ako at nagmadaling umalis sa kuweba.

Nakarating ako sa cottage nang hindi tumitigil. Umaga na ngunit wala pa ring tao sa Manta Falls. Mabilisan akong nagsuot ng loose shirt at nag ligpit na ng mga gamit ko.

Hindi ko alam kung sinundan ako ni Axel o hindi pero dahil mukhang tahimik naman ay parang hindi nga.

Lumabas ako sa exit ng Manta Falls matapos i-ligpit ang mga gamit ko. Hindi ko naisip ang gagawin dahil siguradong maaabutan ako ni Axel kung lalakarin ko papuntang bahay nila galing dito. Buti nalang at pagkalabas ko ay may motor na dumaan.

"Mira!" sigaw ni Luke na mukhang sa bahay ng mga Fabiano rin ang punta.

"Luke! Uhm.. pwedeng sumakay?" tanong ko, nahihiya ngunit wala nang choice.

Ngumiti lang ito at nilahad sa akin ang kamay niya. "Tara! Sa Fabiano rin ako pupunta."

Nang nakasampa na sa motor ay diretso na ang paandar at patakbo ni Luke. Napalingon ako bahagya sa entrance kung saan naka park ang kotse ni Axel at nakita ko siyang nakatitig sa amin.

Hindi rin ito nag tagal dahil matapos ang ilang segundo ay natabunan na siya ng mga nadaanang halaman.

Mabuti nalang at hindi naman masyadong nagtanong si Luke. Nagpasalamat nalang ako at nag sorry dahil nabasa ng bahagya ang motor niya.

"Ano ka ba, okay lang." ngiti nito at mukhang may sasabihin pa sana ngunit narinig namin ang ingay galing sa isang sasakyan at natanaw ko ang kotse ni Axel.

"Ah, sige! Sorry talaga. Pasok na ako. Salamat ulit, Luke!" sabi ko sabay mabilis na tumakbo papuntang kwarto ko.

Nagbihis lang ako at nahiga na sa kama ko.

Naisip ko ang buong pagyayari at hindi ko mapigilang mahiya sa sarili. I shouldn't have let my emotions get through the way. Kung sana ay hindi ko nalang rin siya tinitigan pabalik ay baka hindi humantong sa ganoon.

Cascading WatersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon