chapter 4
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
9 in the evening. nakabalik na sina jung yerin and hwang eunbi (sowon) sa bahay ni hwang eunbi. dumiretso si jung yerin sa loob ng kwarto niya para magpalit ng damit. pagkatapos niyang magpalit bigla namang nagbukas yung pinto ng kwarto niya.
" miss sowon? may kailangan po ba kayo ma'am? ". tanong ni jung yerin kay hwang eunbi (sowon). " ah. yeah. can you come to my room.. just for a minute? ". sabi naman ni hwang eunbi (sowon) kay jung yerin.
hindi na nagdalawang-isip pa si jung yerin at agad siyang sumama kay hwang eunbi (sowon) papunta sa loob ng kwarto nito. pagpasok niya sa loob napanganga siya nung makita niya ang lawak ng kwarto ni hwang eunbi.
" waah. a-ang laki po pala ng kwarto niyo, ma'am ". sabi ni jung yerin. " no. this is not my room. this hwang eunbi's room ". sabi naman ni hwang eunbi (sowon). dahan-dahan na naglakad si hwang eunbi (sowon) palapit kay jung yerin. nanigas bigla si jung yerin nung lumapit bigla sa kanya si hwang eunbi (sowon).
" m-ma'am? ". sabi ni jung yerin. " siguro.. iniisip mo ngayon kung bakit kita biglaang pinapunta dito? don't worry i'm not like yerin. i'm sowon. safe ka pagdating sa akin. can you help me unzipped the back of my dress ". sabi naman ni hwang eunbi (sowon) kay jung yerin. " a-ah. s-sure.. ma'am ". nahihiya namang sinabi ni jung yerin kay hwang eunbi (sowon).
pagkatapos nun tumalikod si hwang eunbi (sowon) kay jung yerin at tinaas nito ang buhok niya. sinimulan naman na ni jung yerin ang pagunzipped sa suot-suot na dress ni hwang eunbi (sowon).
" miss sowon. you're so awesome earlier at your meeting ". sabi ni jung yerin habang binababa niya ang zipper ng dress na suot-suot ni hwang eunbi (sowon). " really? well.. thank you ". sabi naman ni hwang eunbi (sowon). " i-i need to be strong. i need to protect hwang eunbi's business. for sure.. malulungkot nang sobra sobra si eunbi kapag nabankrupt yung business na sinimulan ng mga magulang niya ". dugtong naman ni hwang eunbi (sowon). " so.. ikaw po pala ma'am ang tagaprotect ng business ni ms. hwang eunbi ". sabi naman ni jung yerin at natapos na niya ang pag-unzipped sa dress na suot-suot ni hwang eunbi (sowon). nagulat naman siya nung biglang humarap sa kanya si hwang eunbi (sowon).
" no. i'm not the only who's protecting the business. yerin, eunha, yuju, sinb and yewon also. we are protecting the business. we want to protect.. hwang eunbi ". seryosong sinabi ni hwang eunbi (sowon) kay jung yerin.
hindi na nagawang makaimik ni jung yerin. dali-dali namang pumasok sa loob ng bathroom si hwang eunbi (sowon). inikot ni jung yerin ang paningin niya sa paligid hanggang siya makakita siya ng isang picture frame.
BINABASA MO ANG
True Romance | SinRin
Fanfiction"multi-personality, who cares? my love for you is 100% true" - tag-lish story #GFRIEND #SINB #YERIN #SINRIN - @hwangeunbb - [COMPLETED]