ANDREA
Pagkatapos naming kumain ng dinner nila Mama ay agad akong naligo at nagbihis ng pantulog. My usual shorts and oversized shirt.
Umupo ako sa harapan ng tukador ko habang nagpapatuyo ng buhok.
Hayys. Nakakastress naman ng bangs ang college student.
Binitiwan ko na ang blow-dryer saka sinimulang suklayin ang buhok ko.
*Knock!* *Knock!*
Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok. Agad na bumukas iyon at iniluwa si Mama na may dalang isang baso ng gatas.
Nilagay niya ang baso sa may bedside table ko pagkatapos ay lumapit sakin.
"Let me."
Kinuha niya ang suklay sa kamay ko. Hinayaan ko lang si Mama. Siya na ang nagsuklay sakin habang nakatitig naman ako sa repleksyon ko sa salamin.
"You know, you are my daughter." Mama said out of nowhere. "Wala kang maitatago sakin."
Kumunot ang noo ko. Nagtama ang mga mata namin ni Mama sa salamin.
"What do you mean, Ma?"
Ngumiti si Mama.
"You like Xion right?" Natigilan ako. Hindi nakasagot. "Come on, sweetie. There's nothing wrong with it."
Saglit pa akong natahimik bago dahan-dahang tumango.
"Dalaga na talaga ang baby ko." Mama chuckled at pinagpatuloy lang ang pagsuklay sa buhok ko. "Malapit na ang birthday mo. You want him as your escort?"
Ngumuso ako. "Baka ayaw niya, Ma. Nakakahiya."
"Hindi yan. Akong bahala." Binitawan na ni Mama ang suklay saka ako hinalikan sa left temple ko. "Osya na. Matulog ka na katapos ha?"
Ngumiti ako. "Opo."
Tinapik muna ni Mama ang balikat ko bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko. Tumayo naman na ako at naupo sa kama ko.
Inubos ko muna ang gatas pagkatapos ay nilagay ko na sa side table ang phone ko saka humiga at nagkumot. Ilang saglit pa kong tumitig sa kisame bago nakatulog.
"Goodmorning sunshine!"
Maaga akong nagising kaya napagdesisyunan kong magjogging muna.
Well, let's start my saturday with a exercise.
Nagsuot ako ng addidas trefoil leggings saka sports bra na pinatungan ko ng pink na crop top. Then white rubber shoes.
I tied my hair into a pony tail but leaving my bangs alone.
Lumabas nako ng kwarto ko at nagpaalam kina Mama bago ako umalis ng bahay.
"Good morning Tita!"
Kinawayan ko pa si Tita Cassie ng maabutan ko itong nagdidilig ng mga halaman sa labas ng bahay nila.
Kumaway naman ito pabalik.
I'm so energetic and good mood today. I don't know why.
Nagikot-ikot lang ako ng dalawang beses sa buong village namin saka nako nagjogging pabalik sa bahay namin.
Isang kanto nalang ang layo ko sa bahay namin ng biglang may nakita akong asong papalapit sakin. Hindi naman ako takot. Ang cute lang kasi niya. It's a brown pomeranian puppy.
Tumigil ito sa harapan ko at umikot ikot sakin. Natawa naman ako saka nagsquat. Hinaplos ko ang ulo niya.
"Hey there, little puppy. Are you lost? Where is your master?" Kausap ko dito pero dinilaan niya lang ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
My Dream Guy
RomanceYshara Andrea Henares has a huge crush on Xion Montales since she was twelve years old. Xion is the youngest son of her Mama's best friend that's why they basically became childhood friends. Not long after, Andrea realize that she's actually fallin...