Chapter 45

71 0 0
                                    

A/N: HELLO EVERYONE!! Gusto ko lang pong sabihin na this is already the last chapter :(

EPILOGUE IS NEXT!!!

ANDREA

Kinabukasan at sa mga sumunod pang araw ay hindi nga pumasok si Xion. Hindi rin talaga siya umalis ng hospital at kwarto ni Kuya Xyro. Para narin siyang nakaconfined doon.

Pinagdadala nalang siya ng damit ni Tita Cassie. Kahit kasi sila ay walang magawa. Pinagpaalam nalang nila si Xion sa school. Valid naman yung reason niya dahil kailangan niya din magpahinga after that accident.

Well, the truth is parang hindi naman siya nakakapagpahinga ng maayos. Ang sabi ni Tita ay lagi lang daw itong tulala. Maikli ang tulog at konti ang kinakain. Minsan nga daw ay hindi siya kumakain.

Gusto ko man siyang kausapin ay hindi mo siya makakausap ng maayos. Kung kakausapin mo siya, para ka lang kumakausap sa hangin. Hindi siya sumasagot. Feeling ko nga may trauma siya eh.

At dahil nga hindi pumapasok si Xion ay balik ako sa dating gawi. Tulad ng dati ay hinahatid ako ni Papa tuwing umaga, ang pinagkaiba lang ay dumadaretso ako sa hospital pagkatapos ng klase ko.

It's been almost two weeks since that accident. At Oo. Hanggang ngayon ay hindi parin nagigising si Kuya Xyro. But i heard that he's getting better.

*KRIIIIIIING!!*

Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas ng classroom. Naabutan ko naman sa labas si Euha na kanina pa naghihintay sakin. Nagextend kasi yung Prof namin kaya saktong twelve na kami pinalabas.

"Hi beshie." Bati niya sakin.

"Hello." Nginitian ko siya. "Sasama ka ba sakin sa hospital ngayon?"

"Oo. Gusto ko ulit dalawin si Kuya Xyro eh, pati na din si Xion."

"Osige. Pero bago yun tulungan mo muna ako sa gymnasium ah?" Sabi ko. Kumunot ang noo niya.

"Gymnasium? Wag mong sabihing manonood ka pa ng P.E ng mga BM?" Her eyes widen.

"Hindi ah." Natawa ako. Kung normal na araw lang ito, siguradong yun nga ang gagawin namin ni Euha. "Manghihiram lang ako ng notes kay Calyne para kay Xion."

That's right. Simula ng hindi pumasok si Xion ay nanghihiram ako ng notes kay Calyne para copyahin iyon. Si Calyne lang kasi ang kaklase ni Xion sa lahat ng subject eh. Kinapalan ko na talaga ang mukha kong manghiram sakanya, buti nga din pumayag siya.

Inuuwi ko yung mga notes sa bahay pagkatapos ay isusulat ko sa notebook ni Xion. Hiniram ko kasi kay Tita yung mga gamit ni Xion at kapag nasa bahay na ko ay doon ako nagsusulat. Para naman hindi mahuli si Xion sa klase nila.

Nagulat ako ng magtakip siya ng bibig at kunwaring maiiyak. "Ang sarap mo namang maging girlfriend. Ako nalang kaya jowain mo? Char."

"Haha! Loka!" Nagtawanan kami at pagdating namin sa gymnasium ay naghihintay pala sakin si Calyne sa entrance. Ngumiti siya pagkakita samin.

"Hi. Eto na pala yung mga notes na isinulat namin ngayong araw." Inabot niya sakin yung tatlong notebook niya.

"Uy, salamat talaga ah? Sa Monday ko nalang ibabalik. Okay lang ba?"

"No problem." She smiled again. "Basta ikamusta mo nalang ako kay Kuya Xyro at Xion ah?"

"Sure." Nginitian ko din siya. "Osige na, mauna na kami. Pupunta pa kami sa hospital eh. Salamat ulit dito."

Tumango siya saka kumaway samin. "Ingat kayo."

Kumaway din kami sakanya bago kami dumaretso ni Euha sa parking lot. May driver kasi siya kaya sasabay na ako sakanya sa hospital. Kumain saka bumili muna kami ng mga prutas at bulaklak before we headed to the hospital.

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon