Chapter 42

68 0 0
                                    

ANDREA

"Aalis din tayo bukas."

Napaangat ang tingin ko kay Xion. Uminom muna ako ng iced tea bago magsalita. Nasa Jollibee na kasi kami ngayon. Kumakain. "Ha? Saan tayo pupunta?"

"Magsisimba."

Okay. Nagulat ako doon ah. Hindi ko alam na religious pala si Xion pero napangiti din ako dahil doon. Ako kasi hindi man ako palasimba pero syempre kinikilala ko parin yung panginoon. Nagdadasal naman ako palagi bago matulog saka kapag kakain.

"I want to thank God for having you." Seryosong dagdag niya pa. Para namang hinaplos ang puso ko. My smile became gentle.

"I want to thank him too for having you. At dahil tinupad niya din yung dream ko." Nakangiti at seryosong saad ko. Lord. Maraming salamat po talaga sa lahat lahat. I love you po.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa at pinisil iyon. Nagkatinginan kami at napangiti sa isa't isa.

After that ay pinapatuloy na namin ang pagkain tapos ay nagpahinga lang kami at nagtungo naman sa arcade. Naglaro kami ng naglaro doon hanggang sa maubos namin ang mga token na binili ni Xion. Sa sobrang dami nun ay 4pm na kami natapos.

Nagyaya naman ng umalis si Xion dahil manonood pa daw kami ng sunset. Dinala niya ko sa seaside at doon namin pinanood ang sunset.

Nagphotoshoot pa kami doon haha. Kinuhanan niya ako ng picture habang nakaharap ako sa dagat at sunset. Tapos wala akong masabi sa kuha niya! Ang ganda! Nahiya naman ako sa mga picture na kinuhanan ko sakanya.

Nagform din kami ng heart sa buhangin gamit ang shadow namin saka iyon kinuhanan ng picture.

Magse-seven na ng makauwi kami ng bahay. Syempre agad ko namang pinost sa Instagram iyong mga picture namin ni Xion. At sa sobrang pagod ko sa araw na ito, pagkatapos kong kumain ng dinner ay agad akong nakatulog.

Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising. Maaga kasi yung mass. Sumama na din sina Mama at Tita. Tuwang tuwa pa nga sila ng malaman na magsisimba kami eh.

"Hay, natapos din yung klase." Nagunat pa ako habang naglalakad kami pababa ng building. Agad namang tinakpan ni Xion ang tiyan ko dahil medyo tumaas iyong blouse ko. "Opps." Natatawang binaba ko ang mga kamay ko.

"Be careful." Aniya pa.

"Opo."

Nagpatuloy kami sa paglalakad at pagkababa namin ng building ay nakita namin si Calyne. Tatawagin ko na sana siya nang mapansing kong parang may mali sakanya. Sobrang bagal niyang maglakad tapos nakahawak pa siya sa ulo niya.

"Sa tingin mo ayos lang ba si Calyne?" Nagaalalang sabi ko kay Xion. Nang lingunin ko siya ay kunot noo din siyang nakatingin kay Calyne. "Let's check her."

Tumango ito kaya sabay naming nilapitan si Calyne na napatigil sa may bench.

"Calyne? Ayos ka la- hala!" Nagpanic ako nang bigla siyang matumba. Buti nalang nasalo siya ni Xion.

"Hey, Calyne?" Niyugyog pa ito ni Xion pero mukhang wala na siyang malay. Xion touch her forehead at napatingin ako sa mukha niya nang marinig kong siyang magmura. He looks so worried. "She has a fever. Let's bring her in the clinic."

Hindi na ko nakapagsalita nang buhatin niya si Calyne at nilampasan ako para dalhin siya sa clinic. Naiwan naman akong nakatanga sa pwesto ko.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nakatanaw kay Xion na buhat buhat si Calyne. Napahawak ako sa may bandang dibdib ko. Bakit ganun? Nasasaktan ako?

Nang mapansin kong malayo layo na sila sakin ay doon lang ako natauhan. Kinuha ko ang bag ni Calyne na naiwan sa sahig saka sumunod sakanila.

Dahil sa sobrang pag-aalala niya kay Calyne ay hindi man lang niya napansin na wala na ako sa tabi niya.

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon