Chapter 5

96 1 0
                                    

ANDREA

"I'm home."

Sabay kaming napalingon ni Tita Cassie sa main door. Kapapasok lang ni Xion.

Oh, no. Sofa kainin mo na ko, please. Narinig ba niya? Narinig niya?

Our eyes met. Medyo natigilan pa siya ng makita ako pero dumaretso naman ito ng pasok at lumapit kay Tita Cassie.

I sighed. Thank goodness. Mukhang hindi niya naman narinig.

"Good afternoon, mom." He kissed Tita Cassie on the forehead.

"Oh." Napasulyap si Tita sakin bago tinapik sa braso si Xion. "Nagbake ako ng cupcakes. Kumain ka."

"Yes, mom. Akyat lang ako sa taas."

Tumango lang si Tita Cassie. Sumulyap naman din sakin si Xion bago siya umakyat sa hagdan nila.

"Tita, Hindi niya naman po narinig diba?" Agad kong hinarap si Tita ng mawala sa paningin namin si Xion. "Hindi mo naman po sasabihin sakanya diba? diba?"

Tita shook her head and smiled. "He didn't and i won't."

"Thank goodness."

"But i'm glad that he's your crush." Ngumisi si Tita. "Kailan pa?"

"Uh, since i first saw him?"

Napangiti si Tita.

"Hmm. Xion is really kind, sweet and caring. He act like he doesn't care. But he sure does. Hindi lang siya showy sa feelings niya. Mana sa Daddy niya. He looks strong outside but inside he's such a softie and a crybaby kung alam mo lang. Pero i admit that may pagkamasungit talaga siya."

"Ohh." Napangiti din ako. May nalaman akong bago tungkol sakanya.

"Wait a minute. May kukunin lang ako."

Tumango ako kay Tita. Umalis naman ito at umakyat saglit sa taas. Pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang album.

Binuksan niya ang unang album at nakita ko doon ang iba't ibang pictures mula nung dalaga siya. Pinakita din sakin ni Tita ang mga pictures nila ni Mama.

"Tignan mo. Kamukhang kamukha mo talaga ang Mama mo." Turo ni Tita sa picture nila ni Mama na nakaschool uniform pa.

Napahagikhik naman ako. Ang gaganda naman nila.

Habang nililipat ni Tita ang page ng album ay napalingon ako sa may hagdan ng makarinig ako ng mga yapak.

Nakita kong pababa ng hagdan si Xion. Binaba ko ulit ang tingin ko sa album ng akma siyang titingin sa direksyon namin ni Tita.

"Eto pa. Look at your Mom here." Turo naman ni Tita sa picture ni Mama na naka pink na gown. "Prom namin dito."

Namangha naman ako dahil sobrang ganda ni Mama dito.

"Sino pong partner niya dito?"

"May kaklase kasi kaming lalaki na may gusto sa Mama mo nun kaya siya ang partner niya. Pero may gusto na din noon ang Papa mo sakanya kaya selos na selos siya. Saka magkaibigan narin naman sila nun dito." Natawa si Tita Cassie. "Pero ng dahil dun, napaamin ang Papa mo sa Mama mo at dun sila nagstart na magdate."

Napangisi ako. "Ang torpe naman pala ni Papa."

Tita Cassie chuckle at yung isang album naman ang kinuha nito.

"Puro pictures naman nila Xyro at Xion 'to."

Nang dahil sa sinabi ni Tita ay naging excited ako. Ako narin mismo ang nagbukas nito.

Puro baby pictures ang unang bumungad sakin. A handsome baby boy with a shiny smile.

Mukhang alam ko na kung sino ito.

"Is this Kuya Xyro, Tita?"

"Yes." Sagot naman ni Tita. "Baby palang si Xyro, palangiti na talaga siya. Unlike Xion, iyakin."

Nilipat ko pa ang pages at unti-unti kong nakikita ang paglaki ni Kuya Xyro. Hanggang sa may isang picture na nasa tabi siya ng isang baby. Siguro mga two years old palang si Kuya dito.

Nakahiga iyong baby na mukhang bagong panganak palang at nasa tabi nito sa Kuya Xyro.

"That's Xion." Agad na sabi ni Tita.

Napatango naman ako at tinignan pa ang ibang pictures. Meron doon na umiiyak si Xion at meron din namang nakangiti.

Napapangiti nalang ako tuwing nakikita ang mga pictures nila ni Kuya Xyro lalo na nung mga nasa bandang six years old na siya. Nakasimangot kasi siya. Halatang ayaw magpapicture. Ni isang beses hindi ko pa siya nakitang nakangiti. Nung baby lang siya.

Pero may isang picture ang nakakuha ng atensyon ko. Nakangiti na dito si Xion with a little girl beside him. The little girl was wearing a pink dress with a black bow brooch and a pink doll shoes. May headband din ito sa ulo na may malaking ribbon. She's smiling widely while hugging a pink teddy bear.

I was wondering first kung sino iyong batang babae pero ng makita ko ang kulay black na bow brooch din sa teddy bear na may letter Y and P ay narealize ko na ako yun. It was my teddy bear, Pinky!

"Is this me, Tita?" Turo ko pa dun sa batang babae. Naninigurado.

"Yes. It's you, my dear. Yan talaga ang unang pagkikita niyo ni Xion. But since na mga bata palang kayo nun, hindi niyo na matandaan." Tita Cassie giggles. Kaya pala 'May pa nice to see you again' si Kuya Xyro ng unang ko silang makita. He still remember. I thought it was our first meeting. Hindi pala. Tumingin din si Tita sa damit ko at tinuro ang bow brooch ko. "At bata ka palang obsses ka na talaga sa mga bow brooch mo. Since then yan na ang naging symbolo mo."

"Oo nga po eh." I also look at my bow brooch pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa picture. "Tita, Can i have this po?"

"Oh, sure." Ngumiti si Tita at isinara ang album. Tumayo siya at hinawakan ang braso ko. "Tara may papakita ako sayo."

Hinayaan ko lang na hilain ako ni Tita hanggang sa makarating kami sa garden nila. Medyo madilim dilim na din ang paligid pero may ilaw naman dito kaya okay lang. It's almost six pm na din kasi.

Nadaanan namin ang gazebo at nagulat pa ko ng makitang nandun na si Xion. He's reading some books.

Tumigil kami sa harapan ng mga bulaklak. Just a few steps away from the gazebo. May iba't ibang klase ng bulaklak at halaman dito.

"I'm glad that the real owner of this house likes flowers so much. Kaya naman sobrang daming bulaklak dito."

After observing the flowers ay nilingon ako ni Tita.

"What is your favorite flower, Andrea?"

Napangiti ako at pinagmasdan ang mga bulaklak. "Carnation and Baby's breath, Tita."

"Really? And why is that?"

"Bukod po sa magaganda sila, i also love them because of their meanings. I like baby's breath because it is a flower that symbolizes everlasting love, pureness, and innocence. And I like every color of carnation except for color yellow."

"You like flowers very much eh?" I nodded to Tita. "Eh, ano naman ang meaning ng bawat kulay ng carnation?"

"A red carnation symbolizes love, pride and admiration. While pink symbolizes the love of a woman or a mother. Ang White po naman ay sumisimbolo ng innocence and pure love. I hate yellow because it's symbolizes disdain, rejection or disappointment."

Mukhang enjoy na enjoy si Tita sa pakikinig sakin because she's smiling from ear to ear.

"But i like purple the most. Though it also has a negative meaning." Dagdag ko pa.

"What is the meaning of purple then?"

Napasulyap ako kay Xion na hanggang ngayon ay nagbabasa parin. Binalik ko ang tingin kay Tita saka siya nginitian ng matamis.

"A Purple carnation symbolizes capriciousness, whimsy and unpredictability."

Unpredictability. Just like Xion. He's unpredictable.

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon