ANDREA
"Hays, i'm so envy of you." Sabay sulyap ni Euha sa bungkos ng rosas sa tabi ko.
I just smiled and shook my head. I sipped on my frappe before answering her.
"I wish they would stop na nga eh. They are just wasting their money and efforts."
"Can you just appreciate them? Buti nga ikaw ang dami mong admirers eh." She pouted.
"I appreciate them. I meant that. I really really do. But you know naman na I already like someone else."
"Yeah, I know." Aniya at pinaglaruan ang straw ng frappe niya. "Pero it's been five years, Andrea. Hindi ka parin nakakamove on?"
"Ewan ko nga rin eh." I sighed then look at my wristwatch. "I think kailangan ko ng umuwi baka mapagalitan na naman ako nito kay mother earth."
Our class for today ended early dahil may meeting ang mga Prof kaya naman tumambay muna kami sa isang cafe na malapit sa school namin. Dito kami madalas tumatambay ni Euha kapag wala kaming magawa.
Niligpit ko ang mga gamit ko saka nako tumayo.
"Okay, beshie. Thanks sa time. Ingat ka." Ani Euha na kumaway pa bago ako nakalabas ng cafe.
Pagkalabas ko ay nagstay ako sa may gilid ng cafe upang maghintay ng taxi.
Usually kasi naglalakad lang ako kapag pauwi dahil walking distance lang naman yung bahay namin saka yung school. Pero dahil tinatamad nako ay magtataxi nalang ako.
Kapag umaga naman ay hinahatid ako ng Papa ko. Dinadaan niya muna ako sa school bago siya papasok sa office.
Hindi naman kami ganun kayaman pero masasabi ko namang may kaya kami, enough para makapagaral ako sa isang sikat na unibersidad dito sa lugar namin. Saka may sarili naman kaming company. Sinasanay ko lang maging independent yung sarili ko kaya as much as possible ay nagcocommute lang ako.
I'm just an only child pero hindi ako spoiled brat. Pinalaki ako ng parents ko na hindi maarte at mapili sa pagkain. At kahit na ganun, i'm already contented and happy.
Tinaas ko ang kamay ko ng may makitang paparating na taxi. Huminto naman ito sa harap ko. Sumakay na ko at nagpahatid sa bahay namin.
"I'm home!" Sambit ko pagkauwi ng bahay.
Tinanggal ko ang sapatos ko saka itinabi sa shoe rock.
"You're here."
Natigilan ako ng makita si Mama, Papa at si Manang lourdes na naglilinis sa living room.
"Ano pong meron? Bakit kayo naglilinis ng ganitong oras?" Tanong ko pagkalapit sakanila. I kissed Mama on the cheeks saka nagmano kay Papa.
"May darating kasi tayong bisita mamaya." Sagot ni Mama habang nagvavacuum.
"Bisita? Sino naman po?"
"Yung bestfriend ko. Lilipat na kasi sila diyan sa kabilang bahay kaya inimbitahan ko sila na dito nalang magdinner sa atin." Ani Mama. "Osige na. Magbihis ka na doon at magluluto pa kami."
Hindi na ako sumagot. Bitbit ang bungkos ng rosas ay umakyat nalang ako sa taas para magbihis at umidlip saglit.
Kaya pala may nakita akong malaking truck kanina sa katabi naming bahay. May mga lalaki din doon na nagbababa ng mga gamit.
Pagkadating ko sa kwarto ko ay hinubad ko na ang suot kong dress saka nagsuot ng isang cotton short at isang oversized shirt pagkatapos ay nahiga na ko sa kama ko.
At dahil narin sa pagod ay nakatulog agad ako. Nang magising naman ako ay madilim na sa labas. Napabalikwas ako ng bangon ng makitang quarter to seven na.
BINABASA MO ANG
My Dream Guy
RomanceYshara Andrea Henares has a huge crush on Xion Montales since she was twelve years old. Xion is the youngest son of her Mama's best friend that's why they basically became childhood friends. Not long after, Andrea realize that she's actually fallin...