Chapter 10

106 1 0
                                    

ANDREA

I check my self in the mirror. Today is my second day sa bahay ng mga Montales. Okay naman ang tulog ko kagabi dahil parang kwarto ko lang din ito. Reminding me of my pastel color bedroom.

Anyways, sobrang aga kong nagising ngayon dahil 7:30 ang pasok ko. I grab my back pack at lumabas na ng kwarto. Wearing my school uniform ay bumaba na ko saka nagtungo sa dining room.

Yes. Ngayon na kasi ang start ng pagsusuot namin ng school uniform eh. Pagdating ng dining room ay medyo nahiya pa ko nang makitang kumpleto na sila doon. Sabay-sabay pa silang napalingon sakin.

Napakagat ako sa labi ko saka ngumiti.

"Good morning everyone." Nilapitan ko si Tita Cassie and give her a morning kiss. Nagmano naman ako kay Tito. Well, nasanay na kasi ako kina Mama and Papa eh.

"Good morning too, hija. Now i really want to have a daughter." Tito Xander chuckles.

"Dad, gusto mo bang magbakla na ko?" Kuya Xyro said, joking. Natawa naman kami. Nilingon niya ako pagkatapos. "Good morning Ysha!"

"Morning Kuya." I smiled.

Tita Cassie patted my hand kaya napalingon ako sakanya.

"Good morning, honey. Umupo ka na at kumain ng marami."

Tumango ako saka naupo sa tabi ni Kuya Xyro. Sa harapan ko naman ay si Tita na agad nilagyan ng pagkain ang plato ko. I thank her at nagsimulang kumain.

Napasulyap din ako kay Xion who's sitting beside Tita. May hawak itong newspaper habang pasimsim-simsim sa coffee nito.

Napanguso ako. He didn't greet me back. Naka casual attire parin siya. Sabagay transferee kasi.

Ang gwapo talaga, hmmp.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko habang pasulyap-sulyap sakanya. Kapag napapatingin naman siya sakin ay agad akong nag-iiwas.

After that ay hinatid kami ni Tito Xander sa school. Hindi tulad nung una ay nag-bye muna siya kay Tito ngayon bago lumabas ng sasakyan. Pero iniwan niya na naman ako. Nung makita ko siya ay naglalakad na nga siya papunta sa BM building.

Ngumuso nalang ulit ako at naglakad na patungo sa building namin. Fifteen minutes nalang kasi ay start na ng first subject ko.

Buong maghapon ay hindi ko man lang nakita si Euha. Magkaiba kasi kami ng sched at vacant time eh. Lonely tuloy ako nung vacant ko. Hmm, not really pala. Sumabay sakin yung ilang classmates ko sa Pattern Making.

Hanggang dismissal ko ay wala akong nakita ni isa sakanila. Euha, Reese and Xion. Nung umaga ko lang talaga nakita si Xion. Ano kayang sched niya?

Kakababa ko lang ng building namin bitbit ang bungkos ng mga bulaklak. Today two bouquet of flowers ang natanggap ko. Hindi naman sila ganun kalaki kaya keri naman bitbitin. Yung isa kasi ay six stem of red roses lang with gray wrappings. Yung isa naman ay may tatlong sunflower with caspia.

Bakit kaya hindi sila nagbibigay ng carnation sakin? Never pa kong nakatanggap ng carnation. Halos puro Rose, tulip at sunflower ang natatanggap ko.

"Miss bow brooch!"

A familiar voice suddenly called me. And uh, sino pa ba ang tumatawag sakin ng 'Miss bow brooch' maliban kay Reese diba?

Napalingon ako sa likuran ko. And there he is. He's walking towards me while smiling. Nakauniform na din siya. Yung bag niya ay nakasabit lang sa kaliwang balikat niya habang nakapasok naman sa loob ng bulsa niya yung left hand niya.

Ang gwapo ng mokong. Aaminin ko naman na gwapo si Reese pero mas gwapo parin talaga si Xion.

Nang makalapit siya sakin ay agad niyang ginulo ang buhok ko. I glared at him pero ngumiti lang siya saka napatingin sa dala kong mga bulaklak.

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon