ANDREA
Pagdating sa bahay ay wala naman kaming imikan ni Xion. Well, lagi namang ganun. Minsan niya lang ako kausapin. Sanay na ko.
Nagising ako ng sobrang aga kinabukasan. Tutal ay saturday, magja-jogging ulit ako. Ganito lang lagi ang ginagawa ko kapag maaga akong nagigising ng saturdays. Pero minsan kasi tinatanghali ako ng gising.
I wore my usual get up kapag nagja-jogging. My Addidas trefoil leggings, sports bra at white rubber shoes. Pero ngayon hindi ko pinatungan ng crop top ang sports bra ko.
Paglabas ko ng kwarto ay nakasabay ko si Tita sa hagdan. Nagulat ito ng makita ako.
"Good morning, tita!"
"Good morning." Ngumiti ito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Ang sexy naman ng anak ko."
"Syempre naman po." Tumawa ako. "Jogging muna ko, Tita."
"Osya sige. Balik ka kaagad. Magluluto na ko ng breakfast natin."
Hinalikan ko muna sa pisngi si Tita bago ako tumango at lumabas ng bahay.
Tulad ng dati ay umikot lang ako ng dalawang beses sa buong Village. Hindi ko nakita si Reese kaya naman hindi na ko nagtagal. Umuwi agad ako.
Pagpasok ko sa loob ay saktong pababa ng hagdan si Xion. Mukhang kagigising lang nito. Magulo pa kasi ang buhok niya at medyo nakalihis ang damit na halatang kakasuot lang niya.
"Good morning!" Masiglang bati ko pero tuloy tuloy lang itong naglakad ng parang walang narinig. Akala ko tuluyan na niya akong lalampasan ng biglang mapabalik ang tingin niya sakin.
"Wait. Did you just went out wearing that?" Huminto ang mata nito sa suot kong sports bra.
"Yeah. What's wrong with that?" Nagtataka kong tanong.
"Tch." He just glared at me saka na ko tinalikuran. Napakunot ang noo ko. Anong problema nun?
Sinamaan ko pa ng tingin ang likod niya saka na ko umakyat sa taas para maligo at magpalit.
Nang bumaba ulit ako ay kumakain na si Tita at Xion. Wala parin sina Kuya Xyro at Tito.
"Halika na dito, Andrea. Kain na."
I smiled and nodded at Tita saka na ko naupo kaharap si Xion.
"Bukas na ang uwi ng Mama at Papa mo. How about magpawelcome party tayo for them?"
"Nako, Tita. Kahit wag na po. Baka maabala pa namin kayo. Nakakahiya." Pagtanggi ko naman.
"Hindi, ano ka ba. Okay lang sakin. Para lang tayong magla-lunch ng sama-sama."
Alam kong ipipilit talaga ni Tita kaya i sighed in defeat at tumango nalang sakanya. Napapalakpak namin ito sa tuwa.
Pinag-usapan pa namin ang gagawin namin bukas ni Tita hanggang sa matapos kaming magbreakfast. Pumunta naman ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko saka ako nagtungo sa pool area. Naupo ako sa round table sa gilid ng pool saka kinalikot ang phone ko.
Maganda ang panahon ngayon. Hindi mainit. Nagtatago kasi ang araw sa makakapal na ulap. Hindi rin naman makulimlim.
Napabungisngis ako ng makita ang home screen wallpaper ko. Iyon yung picture ni Xion na kinuhanan ko nung nagluluto siya. Gusto ko nga sana sa lockscreen ilagay eh ang kaso lang baka makita nila.
Inopen ko nalang ang WiFi ng phone ko at chineck ang mga social media accounts ko. Matagal tagal narin kasi akong hindi nago-online eh.
Una kong binuksan ang fb account ko. Sunod sunod tuloy ang pagbeep ng phone ko dahil sa notifications.
BINABASA MO ANG
My Dream Guy
Storie d'amoreYshara Andrea Henares has a huge crush on Xion Montales since she was twelve years old. Xion is the youngest son of her Mama's best friend that's why they basically became childhood friends. Not long after, Andrea realize that she's actually fallin...