Chapter 19: Andrea's Debut (Part 2)

84 1 0
                                    

ANDREA

Hindi ko na natanong si Papa dahil ang sumunod ay si Tito Xander.

He also smiled at me saka sinimulan akong isayaw. "Happy birthday, Andrea. You're very gorgeous tonight."

"Thank you, Tito."

Nagsayaw lang kami ni Tito for a minute tapos ay si Kuya Xyro na.

"I'm really speechless, Ysha." Namamanghang sabi ni Kuya Xyro habang pinagmamasdan ako. "You're really gorgeous, dashing and breathtakingly beautiful."

"Syempre, ako pa." Nginisihan ko siya.

"Kung kapatid lang talaga kita. Hindi na kita ilalabas ng bahay. I don't want any other boys to see you dahil siguradong pagkakaguluhan ka nila."

"Very protective brother huh?"

"Of course." Siya naman ang ngumisi. He stopped and also kissed my forehead. "Happy birthday, Ysha. I'm wishing you all the best! Nandun na ang gift ko ah?"

Tinuro niya pa ang table kung nasaan ang regalo. Tumango naman ako at tumawa.

Nagpaalam na siya at sumunod naman ang iba kong pinsan. They all greeted me. Ang iba pang sumunod ay mga kaklase ko naman. I don't know their names really pero namumukhaan ko sila.

After my fifteenth dance ay lumapit si Luke na kagat kagat pa ang stem ng rose.

"Anong pakulo yan?" Tinaasan ko pa siya ng isang kilay pero tinawanan niya lang ako at inabot sakin ang rosas. Kunwari naman akong nandiri. "Yuck. May laway pa."

"Hoy, wala naman. Ang arte nito." Natatawang sambit niya sabay hawak sa kamay ko at beywang.

"Just kidding." Natawa din ako. "Wag ka masyadong lumapit sakin ah?"

"Bakit naman?" Takang tanong niya.

Sinulyapan ko kung saan si Euha at nakanguso ang loka loka. "Baka may magselos."

"Sino naman?"

"Your girl."

"I don't have a girl." Ngisi niya. Meron, si Euha. "Anyways, happy birthday. You're so very beautiful today that i went speechless."

"Sabi ko na eh. Hahaha!" Mas lalo akong natawa. "But anyway, thanks."

"You're very much welcome."

After that ay nagpalaam na din siya. I saw Reese walking towards me. Tinapik pa ni Luke ang balikat niya ng magkasalubong sila.

"Sasapakin kita kapag hindi ka nagsalita ngayon." Inambahan ko siya nang akmang hahawakan niya ko sa beywang.

He laughed then smirked at me. "Hindi na po." Inabot niya sakin ang rose at hinawakan ang kamay at beywang ko. "Nakaka speechless naman kasi yang ganda mo."

"I know right." Binawi ko pa ang kamay ko mula sakanya saka nagflip hair.

"Hindi kita kokontrahin ngayon dahil birthday mo."

I glared at him. "Ang sama neto!"

"Hahaha! Joke lang eh. Pero promise ang ganda mo talaga ngayon."

"Ngayon lang?"

"Syempre araw-araw."

"Good." Tinapik ko pa ang balikat niya saka siya nginitian ng matamis.

Nagsayaw pa kami ng ilang segundo bago niya ko iwan. Pagalis niya ay sobrang kaba ang naramdaman ko.

Reese is my seventeenth dance. At sobrang kaba ko ngayon habang hinihintay ang paglapit ni Xion!

Napalunok ako ng matanaw ko na siyang palapit sakin. He's looking straight at my eyes while slowly walking towards me.

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon