Chapter 16

87 1 0
                                    

ANDREA

"I invited Luke on my birthday party." I told Euha habang kumakain kami ng lunch sa canteen.

"Talaga?!" Tumango ako. "Oh my gosh! May dahilan na ko para lalong magpaganda!"

"Kasama din siya sa 18 roses ko."

"Okay lang."

"Siya ang escort ko."

"Okay la-Ano?!" Her eyes widen. Tumawa naman ako.

"Joke lang." Ngumiti ako ng makahulugan. "Si Xion ang escort ko."

Mas lalong namilog ang mga mata niya. Nasapo niya pa ang sariling bibig.

"Kyaah! For real?!"

"Uh-huh."

"Oh my gosh! I'm so happy for you beshie!"

"Thank you." I smirked. "May hindi pa ako nakukwento sayo."

"Ano? Ano?"

Lumapit ako ng bahagya sakanya kaya gumaya din siya. Kinwento ko ang nangyari nung Saturday matapos naming magvideo call. Kilig na kilig naman ang lokaret. Sinabi ko din sakanya yung tungkol kahapon. Dun kay Ace.

"Bago yan ah?"

Kumunot ang noo ko. "Anong bago?"

"Ngayon ka palang nagkainterest sa mga admirers mo." Aniya saka uminom sa iced tea niya.

"Hindi naman. Nacu-curious lang talaga ako kung sino yung Ace na yun." Napanguso ako. "Kasi alam niya kung anong gusto kong mga bulaklak."

"Baka nagkataon lang na carnation ang napili niya? Tapos malay mo sa susunod na magbigay siya ibang uri na ng flower."

Napaisip ako dahil sa sinabi ni Euha. Oo nga noh? Baka nagkataon lang. Para makasigurado ay nagpunta kami sa locker ni Euha pagkatapos namin kumain.

Pagbukas ko ng locker ko ay napangisi nalang ako kay Euha ng makita na naman ang bouquet ng mga carnation. Tatlong stem parin yun na may kasamang baby's breath pero kulay red na sila ngayon. Kung kahapon ay pink ngayon naman ay red.

Napamaang naman si Euha at siya na mismo ang kumuha ng mga bulaklak. May nakalagay na naman na note doon kaya sabay naming binasa.

'Good morning Amica mea. Here's some red carnation for you.'

Nagkatinginan kami ni Euha. I gave her a knowing look saka ko muling nilingon ang maliit na note. May nakalagay na naman doon na 'From: Ace'.

Nagkataon lang ba talaga? Para kasing ayaw kong maniwala na nagkataon lang na carnation ang napili niyang ibigay sakin. Saka nasearch ko na kagabi ang meaning ng Amica mea na yan. It's a Latin word that means My Love.

Ang cheesy pero aaminin kong kinikilig ako. Kung sino man yang Ace na yan. Gusto ko talaga siyang makilala.

But let's see kung carnation parin ang ibibigay niya sa mga susunod pa.

"ATTENTION!"

Pare-pareho kaming napapitlag ng hampasin ng Prof namin ang table niya. Sa sobrang lakas nun ay nagising ang diwa ng mga natutulog at inaantok kong kaklase. Hindi ko rin sila masisisi. Nakakaantok naman talaga ang pagdidiscuss ng Prof namin. Palibhasa kasi may edad na.

"Who allowed you to sleep in my class?! Get out!" Sigaw nito. Galit na galit. "All of you! Pumunta kayo sa field then run! 5 laps!"

Hindi na nagreklamo ang mga kaklase ko dahil ayaw na nilang dagdagan ang galit ng Prof namin at baka madagdagan din ang parusa namin.

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon