ANDREA
Kinabukasan, Tuesday. At parehong-pareho kami ng schedule ni Xion ngayon. 7:00-3:00pm.
Makakasabay ko kaya siya pauwi? Naglalakad din ba siya or sumasakay ng taxi, jeep, or bus?
I don't really know. Pero excited nakong umuwi.
"Okay, Class. Don't forget your assignment. Hand me your sketch pad tomorrow. Class dismissed."
Yes! Agad kong niligpit ang mga gamit ko pagka-alis ng Prof namin sa illustration.
Paglabas ko ng room ay tinext ko na si Euha na mauuna na ko. Nakangiting bumaba ako ng building namin at palingon-lingon sa paligid habang naglalakad. I'm looking for Xion obviously. Pero nakarating nako sa gate hindi ko parin siya nakita.
I sighed in defeat. Mukhang hindi ko siya makakasabay. Nakakahiya naman kasi kung hihintayin ko pa siya.
Binuksan ko nalang ang payong na dala ko at sinimulan ng maglakad. Medyo mainit kasi. Kinuha ko din ang earphones at ipod ko saka nagpatugtog habang naglalakd. Tinodo ko ito sa full volume.
Saktong lumabas sa shuffle ang 'Say You Won't Let Go' by James Arthur.
Sa totoo lang gusto ko talaga ang kantang 'to. Ang ganda kasi ng lyrics at mensahe ng kanta. Parang bang dinidescribe niya yung pagmamahal ng isang lalaki dun sa babae. Ang sweet nga ng lyrics eh. Halata mong mahal na mahal nung lalaki yung babae.
Hays. I really want a guy to sing this song for me. Yung biglaan nalang na para bang destiny. That's my wish. Pero alam ko ding impossible.
*Beep!* *Beep!*
"Andrea!"
"Then you smiled over your shoulder
For a minute, I was stone-cold sober."Sinabayan ko pa ito. Pero nagulat nalang ako ng biglang may humila sakin. Napaikot ako. Nalaglag ang payong at hawak kong ipod kaya na disconnect ito sa earphones ko. Nawalan ako ng balanse pero mabilis niya akong nahawakan sa beywang.
Napakurap-kurap ako ng bumungad ang gwapong mukha ni Xion. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Nakatunghay siya sakin habang nakapalupot ang isang braso niya sa beywang ko. Medyo nakabend naman ang katawan ko, ready ng sumalampak sa kalsada.
"I knew I loved you then. But you'd never know."
*Lub! Dub!* *Lub! Dub!*
Dinig na dinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko kasabay ng kanta. Naalis kasi ang earphones ko kaya naman lumakas ang music.
"Cause I played it cool when I was scared of letting go. I know I needed you. But I never showed."
Napalunok ako habang titig na titig sa mga mata niya. Ganun din siya. Shocks talaga. Ang ganda ng timing ng kanta.
"But I wanna stay with you until we're grey and old. Just say you won't let go.
Just say you won't let go.""I won't let go." Biglang ngisi niya at pinitik ang noo ko kaya natauhan ako.
Inayos niya ang tayo ko. Nakangusong humawak naman ako sa noo ko. Yumuko siya para pulutin yung payong at ipod ko. Binalik niya iyon sakin.
"Next time don't walk on the road with earphones on your ears. You're being careless. You almost hit by a car, Andrea. Kung wala lang ako sa likod mo malamang natuluyan ka na."
Nakatanga lang ako sakanya habang pinagsasabihan niya ko. Omo, this is the first time na mahaba ang sinabi niya. Kadalasan kasi one sentence lang. Ngayon yata three? Or more? Saka this is also the first time na tinawag niya ko sa pangalan ko!
"Nakikinig ka ba?"
Kita ko ang pagsasalubong ng kilay niya kaya tumango agad ako.
"Good. Now, walk."
Tinulak niya pa ako ng bahagya para maunang maglakad. Wala naman sa sariling sumunod ako habang nag-iisip.
Nagulat talaga ako sa nangyari. Muntik na kong masagasaan but Xion saved me! Oh my! he's my knight in shining armor! Hindi! Mali! Mali! Knight in shining uniform pala! Hihihihi. Saka kanina pa ba siya nakasunod sakin? Malapit narin kasi ako sa village namin eh.
Nilingon ko siya. Seryoso lang itong naglalakad habang nakapamulsa. Napansin kong namumula siya at dun ko lang naalala na mainit pala tapos ako lang yung nakapayong! Nako naman Andeng!
Kawawa naman baby ko.
Hinintay ko siya saka sinubukang sabayan ang mga lakad niya. Pero hindi naging madali iyon dahil sa laki ng mga hakbang niya. Ang haba naman kasi ng bias ng lalaking 'to. Tapos ang tangkad pa. Hanggang balikat niya nga lang ako eh.
I stretched my arm para mapayungan din siya ang kaso nahihirapan ako. Natatamaan ko kasi ang ulo niya. Bakit ba naman kasi ang tangkad niya eh!
Nilingon niya ko.
"What are you doing?"
"Pinapayungan ka. Namumula ka na kasi saka pinagpapawisan." Ngumuso ako.
"Tch." Kinuha niya sa kamay ko ang payong at pinayungan kaming dalawa. Napatingala naman ako sakanya saka napangiti. Nagbaba siya ng tingin sakin kasabay ng hangin. Mas lumapad ang ngiti ko. "Why are you smiling?"
Umiling lang ako saka tumingin na sa dinadaanan namin. Katapos nun ay wala na kaming imikan hanggang makarating kami sa bahay nila.
"I'm home."
Nagkasabay pa kami sa pagsasalita ni Xion kaya nilingon ko siya pero umupo na ito sa sofa at nagtanggal ng sapatos.
"Oh! Just wait for me. Nagluluto ako ng meryenda." Sumilip mula sa kusina si Tita. Tumango ako.
Umakyat naman muna ako sa kwarto para magpalit. Kinuha ko din ang gamit ko para sa garden ako gagawa ng assignment.
"Tita sa garden lang po ako." Paalam ko.
"Sure!"
Nang marinig ko ang sagot ni Tita ay lumabas na ko sa may garden. Hindi ko na nakita si Xion sa living room kaya umakyat na siguro siya sa kwarto niya.
Naupo ako sa may gazebo at pinatong ang mga gamit ko sa table. At dahil mas mababa ang table sa couch ay kinuha ko nalang ang pencil at sketch pad ko saka sumandal sa couch.
Pinagdo-drawing kasi kami ng at least five example ng damit na pwedeng maging trend. Own idea dapat saka makikita yung creativity.
Sinimulan ko ng magsketch ng may maisip na. Hays, sana lang mataas ang score ko dito. Creativity ang tinitignan eh kaya hmm. Alam ko na.
Nang makatapos ako ng dalawa ay dumating naman si Tita na pinagdalhan ako ng meryenda. Nagstay siya sa tabi ko ng ilang minuto habang pinapanood ako.
Nagpaalam din si Tita pagkatapos kong magsketch dahil may gagawin pa daw siya. Tumango naman ako at kinulayan ang ginawa ko.
After finishing my assignment ay sinandal ko ang ulo ko sa headrest ng couch dahil sumakit ang batok ko.
Pinikit ko ang mga mata ko at hindi ko na naman namalayan na nakaidlip ako. Lagi nalang ako nakakaidlip. Pagod kase eh.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na kong tulog nang maramdaman kong may dumamping malambot na bagay sa labi ko pero dahil sa antok ko ay hindi ko nalang iyon pinansin.
Nang magising ay nagulat ako ng makitang nasa kwarto nako. Napatitig pa ko sa kisame bago napabalikwas ng bangon at hinanap ang mga gamit ko.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ang mga ito sa study table ko.
Sinong nag-akyat sakin dito?
BINABASA MO ANG
My Dream Guy
RomanceYshara Andrea Henares has a huge crush on Xion Montales since she was twelve years old. Xion is the youngest son of her Mama's best friend that's why they basically became childhood friends. Not long after, Andrea realize that she's actually fallin...