ANDREA
This is the first time.
Heto ang unang beses na makaramdam ako ng ganitong sakit. Ewan ko ba, para kasing piniga yung puso ko eh.
Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka? Kahit sa maliit na bagay lang nasasaktan ka?
Napapabuntong hininga nalang akong lumabas ng library. Dapat pala hindi nalang ako pumunta doon.
Wala sa sariling naglakad nalang ako papunta sa susunod kong klase. Kalahating oras pa bago magsimula ito kaya naman wala pang tao sa loob ng classroom pagdating ko.
Umupo ako sa may pinakaunahan, sa tabi ng bintana. Nagpangalumbaba ako saka tumingin sa labas.
Ngayong magisa lang ako ang daming pumapasok sa isip ko.
Since i first saw Xion he already caught my attention- well, i forgot. It's the second time when i saw him six years ago.
It takes time bago ko narealized kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para kay Xion. And the funny thing is narealized ko lang iyon nung umalis na sila ng bansa.
I'm just so young back then but i already know kung anong pagkakaiba ng crush, like and love. Oo, before i met Xion nagkaroon na ko ng mga crush.
Alam ko ang pagkakaiba nun sa nararamdaman ko kay Xion. Hindi lang ako humahanga sakanya. I already like him. At hindi ko inaasahan na lalalim pa iyon to the point na mahalin ko na talaga siya.
Xion is my first love. Ngayon ko palang naranasan magmahal, in a romantic way. That's why i'm still new to this.
After i met Xion ay hindi ko na talaga siya maalis sa isip at sistema ko. At kahit hindi ko siya nakikita ay saulo ko parin ang itsura niya. Siguro ganun nga talaga katindi ang pagkagusto ko sakanya. I even fantasized about him.
Simula noon ay umasa ako. Umasa ako sa bawat araw na nagdaan. I waited for him. Hinintay ko siya na baka sakali, magustuhan niya din ako.
Pero hindi ko parin inaalis yung possibility na may mahal na siyang iba.
Just like what Euha said back then.
"Why are you still waiting for him anyways? No offense but sigurado ka bang babalik pa siya at sigurado kang magugustuhan ka din niya? What if may iba pala siyang mahal?"
I considered that. Hindi impossible. Xion is like a full package. At sa gwapo niyang iyon hindi pwedeng, hindi siya magkagirlfriend.
At tama siya. Bakit ko nga ba siya hinintay? Bakit nga ba ako umaasa na magugustuhan niya din ako balang araw?
I didn't know why i'm still waiting for the day na alam ko namang hindi darating. Even now. I still have hopes.
Para lang tuloy akong tanga. Para lang akong naghihintay sa isang hangin. Wala rin naman akong pinanghahawakan.
It's just that, my feelings is so stubborn. Kahit na alam kong naghihintay ako sa wala, ayaw parin tumigil.
I guess i need to be ready. There's a big possibility that Xion is already in love with someone else. Mukhang kapatid lang talaga ang turing niya sakin.
Sabagay sino ba naman ako para magustuhan niya diba? And i'm younger than him. Maybe he likes girls around his age, like Calyne.
The thought that Xion might like Calyne makes me sad. Then i remember what i saw in the library a while ago.
Xion is smiling while talking to Calyne.
Is he that happy? Does he really like Calyne?
Napanguso ako ng maramdaman na naman ang pagbigat ng pakiramdam ko at pagkirot ng puso ko.
I sighed. Tama na nga. Masyado na akong nago-overthink.
Natapos ang buong maghapon ko na lumulutang ang isip ko. Hindi ko na nga alam kong anong pinagsasabi ng mga Prof namin sa harapan eh. Hayaan na, minsan lang naman ako ganito.
Kinuha ko na ang mga gamit ko saka lumabas ng classroom. At dahil wala talaga ako sa sarili ko ay hindi na ko nagabala pang dumaan sa locker room. Dumaretso agad ako papalabas ng University.
Nang maramdam ko kung gaano kasakit sa balat ang sikat ng araw ay hinanap ko ang payong sa bag ko pero kung minamalas ka nga naman ay nakalimutan ko pa yata sa bahay. Sa ganitong panahon ay hindi ako magtatagal sa sikat ng araw. Baka kapag naglakad pa ako, magcollapse nalang ako bigla sa daan.
Nakakainis naman eh. Ang malas naman yata ng araw na'to. Nakanguso akong nagpunta sa gilid ng gate saka naghintay ng taxi.
Tinaas ko ang kamay ko nang makitang may paparating na taxi ngunit nagulat nalang ako ng may humawak sa kamay ko at ibinaba iyon.
Nang lingunin ko ito ay mas nagulat pa ko ng makita si Xion. "X-Xion?"
"I'm sorry about earlier. I will make it up to you." Ngumiti siya sakin saka hinila ako. Nakaamang naman akong nagpahila lang sakanya, ang paningin ay nasa kamay kong hawak hawak niya.
Yes! Ang kamay ko mismo ang hawak niya, hindi ang wrist ko. At heto din ang unang beses na nahawakan ko ang kamay niya.
Ganito palang ang feeling. Ang laki at ang lambot ng kamay niya. Bigla tuloy akong naconscious sa kamay ko. Kung kanina ay wala ako sa sarili at mabigat ang pakiramdam ko, ngayon naman ay biglang nawala ang lahat ng iyon.
"Good afternoon ma'am, sir."
Nabalik lang ako sa wisyo nang marinig ko ang pagbati ng guard samin. When i look up saka ko lang napagtanto kung nasaan kami.
This is the café na lagi naming pinupuntahan ni Euha. The Musicafé.
The guard open the door for us. Nakaramdam ako ng gutom ng sumalubong samin ang amoy ng aroma ng coffee sa loob ng café. Saka ko lang naalala na hindi nga pala ako kumain kanina.
Dumaretso agad kami sa counter para umorder. Binitawan ni Xion ang kamay ko saka tumingin sa menu. Napanguso naman ako.
Hmp. Nage-enjoy pa ako eh.
"What do you want?" Nilingon niya ako.
"Ahh." Napatingin ako dun sa lalaki na nasa counter. Tumingin din siya sakin matapos kuhanan ng order yung babaeng nasa harapan namin. He smiled at me ng makilala niya ko.
"Good afternoon ma'am. The usual caramel macchiato and cheesecake?" He asked, smiling. Jacob. Yun ang pangalan na nakalagay sa nameplate niya.
"Yes, please." Nginitian ko din siya. But i glance at Xion when he grabbed my arm and pulled me closer towards him.
"Oh, You often comes here?" He gave me a look.
"Ah, yes. Every friday with Euha."
"I see." Tumingin na siya sa may counter para sabihin ang order namin.
Napangiti nalang ako ng magorder siya ng macarons. It's really his favorite huh?
BINABASA MO ANG
My Dream Guy
RomansaYshara Andrea Henares has a huge crush on Xion Montales since she was twelve years old. Xion is the youngest son of her Mama's best friend that's why they basically became childhood friends. Not long after, Andrea realize that she's actually fallin...