Chapter 4

107 3 0
                                    

ANDREA

"Beshieee!"

She was about to hug me but she suddenly froze and look at me from head to toe.

Kumunot ang noo ko. "What?"

"Geez. I don't want to touch you." Her eyes sparkle. Mas lalong kumunot ang noo ko. "You look expensive in that outfit. You look like a royalty."

"Tch." Ngumiwi ako sakanya. "Whatever you say."

Ngumiti lang ito at yumakap sa braso ko. "Let's go, it's time to lamon lamon."

I chuckle at sabay na kaming naglakad patungong canteen. I'm glad that halos magkapareho kami ng schedule ni Euha. Well, except from Monday and Thursday. Every Monday kasi maaga akong umuuwi. Hanggang  2:30 lang ang pasok ko. While Euha may dalawang subject pa siya kaya bandang four o'clock na siya nakakauwi. Kapag Thursday naman baligtad kami. Siya ang maagang umuuwi, ako naman ang four.

Tapos magkaiba din kami ng oras ng vacant time ng Monday at Thursday.

Pagdating sa canteen ay nagorder lang kami ng pagkain tapos ay naupo na sa isang bakanteng table at nagkwentuhan. I told her about sa little conversation namin ni Xion kagabi at yung kaninang umaga.

"Do you see what i see?"

Paglabas namin ng canteen ay natigilan ako ng makita si Xion kaya napahinto din si Euha.

"Saan?" She asked. Tinuro ko naman ang fountain sa gitna ng quadrangle kung saan malapit si Xion. Naglalakad ito patungo sa BM building. And i can see a bunch of girls tailing him. "Woah, Xion is really handsome. This is the first time i saw him. And oh my gosh! Now i know kung bakit baliw na baliw ka sakanya!"

I just pouted at her and sighed. "Tsk. What's up with those girls? Para mamang ngayon lang nila nakita si Xion."

Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Duh, ngayon lang naman talaga nila nakita si Xion. You said that kakatransfer niya lang diba?"

Mas lalo akong napanguso.

"Oo nga pala. Let me replace that." Asar kong sambit. "Parang ngayon lang sila nakakita ng gwapong lalaki."

"Hmm, tama ka diyan. Beshie."

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Tch. First day niya palang, pinagkakaguluhan na siya agad ng mga babae.

After nun ay nagpaalam na din kami ni Euha sa isa't isa dahil pareho pa kaming may mga klase. May tatlong subject nalang din ako bago ang uwian.

"I'm home!"

"Nandyan ka na pala. Halika na dito at magmeryenda." Sumilip si Mama mula sa dining room. May hawak pa itong sandok. "Nagluto ako ng paborito mong Carbonara."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Mabilis kong hinubad ang sapatos ko saka pabalibag na inilagay ang bag ko sa sofa.

Patakbo akong nagpunta sa dining room at naupo sa mesa. Gulat pa akong tinignan ni Mama.

"Careful naman anak." Sita ni Mama. Nagpeace sign lang ako sakanya saka nagumpisang lumamon.

"Hmm! You really cook so well Ma!" Nagthumbs up pako sakanya.

Ngumiti lang si Mama saka hinaplos ang buhok ko. Inipon niya pa ang mga ito at tinali para hindi sumama sa kinakain ko.

"After you eat, ihatid mo ito kina Tita Cassie mo." Inilagay niya sa harapan ko ang isang malaking tupperwear na may lamang carbonara saka siya umupo sa harapan ko. "At kahit dun ka muna. Doon din kasi tayo magd-dinner ngayon."

I just nodded.

Nagpangalumbaba siya at pinagmasdan akong kumain kaya naman hindi ko maiwasang magtaka.

Binaba ko ang tinidor ko saka siya sinulyapan. "Why are you staring at me like that Ma? You're creeping me out."

She smiled sweetly at me. "Xyro is handsome and a good guy, isn't he? I don't mind if he becomes my son-in-law."

*cough!* *cough!*

Bigla akong nabulunan sa sinabi ni Mama. Agad niya namang inabot ang tubig sakin kaya dali-dali akong uminom doon.

"Mama!" Singhal ko ng makabawi. "He's my Kuya."

Ngumiti lang ito saka na umalis sa harapan ko.

Napailing-iling nalang ako sa Mama ko.

Nang matapos akong kumain ay sinuot ko ulit ang sapatos ko saka ako pumunta sa katabing bahay.

Pinindot ko ang door bell at ilang minuto lang ay nagbukas ito at bumungad sakin si Tita Cassie.

"Hi, Tita. Good afternoon." Nakangiting bati ko saka tinaas ang dala kong tupperwear. "Pinapabigay po ni Mama."

"Carbonara ba yan?" She asked. Tumango naman ako. Hinawakan niya ko sa kamay saka ginaya papasok sa loob. "Halika tuloy ka. Hintayin mo nalang sina Mama mo. Dito rin naman kayo magd-dinner diba? Kumain ka na ba?"

"Ahh, opo. Kakatapos ko lang."

"Sayang. Nagbake pa naman ako ng cupcakes." Nakangusong ani Tita Cassie saka yumakap sa braso ko. Napangiti naman ako sakanya. "Di bale na lang. Dessert na lang natin yun mamaya."

"Hmm." Tumango ako.

"Ang ganda mo talaga, hija. Para kang manika." Tinignan pa ko ni Tita Cassie mula paa hanggang ulo. I just smiled. "Alam mo ba? Gustong-gusto ko talagang magka-anak ng babae. Pero binigyan ako ng dalawang brusko. But i still thank God for giving them to me."

"Then why did you stop trying tita?" Curious na tanong ko.

Tinignan niya ko pagkatapos ay ngumiti. "Hindi na ko pwedeng manganak hija. Nagpasarado nako."

"Ganun po ba?" Tumango ito sakin saka pinaupo ako sa sofa nila.

"Osya. Ililipat ko muna itong carbonara. Diyan ka muna. I'll be back. Marami pa akong ikukwento sayo." Tita Cassie said pagkatapos ay nagtungo na ito sa kusina nila. Naiwan naman akong magisa at inilibot nalang ang tingin sa buong living room nila.

It's so quiet here. It looks like na mag-isa lang si Tita Cassie.

Hindi pa ba nakakauwi si Xion? I look at my wristwatch. 4:30 na din.

Maya-maya lang din ay bumalik na si Tita Cassie na may dala pang orange juice. Inilapag niya ito sa center table at naupo sa tabi ko. Then nagstart na siyang magkwento sakin.

"Since high school ay magkaibigan na kami ni Amanda. Then ng magtapos kami ng college ay nauna akong nagkaasawa sakanya. Still then kahit na may kanya-kanya na kaming pamilya ay nagkikita at nagba-bonding parin kami. Dito talaga ang buhay namin sa Pilipinas. Dito pinanganak sina Xyro at Xion. Nandito din ang business namin. Pero ng magkasakit ang parents ng Tito Xander mo ay lumipat kami ng England dahil walang magaasikaso sakanila. Only child lang kasi ang Tito Xander mo. And for the meantime ang kapatid ko muna ang naghandle ng business namin."

"Hindi kami nakabisita dito sa loob ng five years dahil mas naging malala ang sakit ng parents ng Tito Xander mo. And last year, naunang nawala ang mother-in-law ko. And just three months ago sumunod ang father-in-law ko. It takes time bago nakarecover ang Tito Xander mo. And finally last week nakapagdesisyon na din siyang bumalik kami dito sa bansa. And i suggest na bumili ng bahay sa tabi ng bahay niyo."

Napatango-tango naman ako at patuloy lang na nakikinig sa pagkukwento niya ng ibahin niya ang topic.

"Oo nga pala. You told me na, sasabihin mo sakin kung sino iyong crush mo diba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa biglang sinabi ni Tita pagkatapos ay napaiwas ako ng tingin.

"Ah, o-opo."

"Then sino? Sino?" Excited niyang tanong.

I bit my lower lip. "S-si Xion po."

"I'm home."

My eyes widen. Oh, no. I'm doomed.

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon