ANDREA
Nang makitang patapos na siya ay nagready ako ng dalawang plato sa dining table.
Kinuha ko din ang fresh orange juice sa fridge at dalawang baso. Inayos ko iyon sa mesa. Sinalinan ko muna ng juice ang mga baso saka naupo.
Parang gusto ko ng matutong magluto. Magbake lang kasi ang alam ko. Ano kayang favorite food ni Xion? Tatanong ko na ba kay Tita?
Inilapag na ni Xion ang carbonara sa mesa at naupo sa harapan ko.
Nginitian ko siya. "Thank you."
He just nodded at tinuon ang mga mata sakin.
"Eat."
Tumango ako saka kagat labing naglagay ng carbonara sa plato ko. Medyo naiilang naman ako kasi nakatitig siya sakin.
Hinihintay niya bang tikman ko?
Inikot ko ito sa tinidor saka tinikman. After few seconds na nilalasahan ko ito ay naglighten up ang mukha ko.
I smiled sweetly at him saka nagthumbs up. "It's delicious!"
I saw how the corners of his lips form a smile. Natigilan ako at napatitig sakanya. Omo! Did he just smile? It's really a smile! A genuine one!
Pero saglit lang iyon dahil napalitan agad ng ngisi. Nagbaba siya ng tingin at kumuha na din ng carbonara.
Omo. This is the first time i saw him smiled. Bukod dun sa picture nung bata kami. Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti. Pero kahit ano namang expressions niya ay gwapo parin siya. Kahit nga blanko lang ang mukha niya eh. Basta gwapo siya period!
Nang sulyapan niya ako at taasan ng kilay ay doon palang ako nagpatuloy sa pagkain ko.
Wala kaming imikan habang kumakain. And guess what, naubos namin yung carbonara. Ay, ako lang pala. Nakarami kasi ako eh. Siya isang plate lang.
"Ako ng maghuhugas." Presinta ko. Nakakahiya naman kasi kung siya pa yung maghuhugas. Siya na nga yung nagluto diba.
"Okay." Tumango siya.
Kinuha ko na ang mga pinagkainan namin at dinala sa sink. Pati yung pinaglutuan niya ay huhugasan ko na din.
Lumingon ako sa likuran ko. Nakita ko siyang lumabas ng dining room. Nagkibit-balikat nalang ako saka nagsimulang sabunin yung mga baso.
And while washing the plates i started humming a song. Wala eh. Ang saya ko lang kasi. Saka nakasanay na din.
"What if we rewrite the stars?
Say you were made to be mine." I started singing ng magchorus na."Nothing could keep us apart
You'd be the one I was meant to find
It's up to you, and it's up to me
No one can say what we get to be
So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world could be ours
Tonight......."Nang matapos akong maghugas ng mga plato ay lumabas na ko ng kitchen. Naabutan ko sa sala si Xion. Hind parin ito nagbibihis. Nakaupo lang ito sa sofa. Nakasandal sa headrest at nakapikit ang mga mata. Parang yung pwesto ko lang kanina.
Kumunot ang noo ko ng hindi ko na makita yung mga bulaklak sa sofa.
"Where's my flowers?"
"I don't know." Sagot nito habang nakapikit parin.
"Huh?" Mas naguluhan ako. "Nandito lang yun kanina eh."
He opened his eyes. Nagsalubong din ang mga kilay niya.
"There's no flowers here when i came back." Masungit na sabi niya.
I pouted. Nakakapagtaka naman? Bigla nalang nawala yung mga bulaklak. Pinasok ko ba sa kwarto? Sa pagkakaalam ko, hindi naman.
Para makasiguro ay umakyat ako sa taas. Pagpasok ko sa kwarto ko ay napabuntong hininga nalang ako ng makitang wala naman doon.
Napaupo nalang ako sa kama. Nakita rin naman ni Xion kanina yung mga bulaklak ah? Hinawakan niya pa nga. Tapos ngayon ang sabi niya wala na daw pagbalik niya ng sala. That's weird.
Hays. Hayaan na nga. Bakit ko ba pinoproblema yung mga bulaklak na yun.
Nahiga ako sa kama ko at dahil busog ako ay hindi ko na namalayang nakaidlip ako. Nagising naman ako before seven at nadatnan na nagluluto ng dinner si Tita Cassie. Nakauwi na pala siya.
Nagdinner kami pagdating nila Kuya Xyro at Tito. As usual, tahimik lang ako. Sumasagot lang pag may tinatanong. Nang matapos naman ay nagpaalam ako bago umakyat ng kwarto.
Maya-maya lang ay pumasok si Tita sa kwarto ko na may dalang pangskin care. Magba-bonding daw kami.
Pareho kaming nakaupo ni Tita sa kama at nakasandal sa headboard. May face mask saka pipino ang mga mukha namin.
"You know, this is the first time na gawin ko 'to ng may kasama. Mostly kasi ako lang mag-isa. Gusto ko nga din lagyan sina Xyro at Xion kaso naalala ko ayaw nung mga yun." Kwento ni Tita. "Iba parin talaga kapag may anak kang babae."
"Tama po, Tita. Dahil ang mga babae lang talaga ang nagkakaintindihan sa mga ganitong bagay." I chuckles.
"Hahahaha. Tama." Naramdaman kong hinawakan ni Tita ang kamay ko. Hindi ko naman kasi siya makita. May pipino sa mata ko. "Do you want to know Xion more?"
"Sure, Tita!" Excited kong sabi.
"Xion is a mommy's boy. Hindi ko alam pero mas nakadepende siya sakin kesa sa daddy niya. Na kabaligtaran naman ni Xyro, dahil ang madalas na nagkakasundo ay ang Tito at Kuya Xyro mo. Naalala ko dati, hindi talaga umaalis sa tabi ko si Xion. Lagi siyang nakasunod sakin na parang bang nakaglue na siya. Inaaway niya pa nga ang daddy niya." Natatawang sabi ni Tita.
Napangiti naman ako. Ang cute lang siguro ni Xion nun. Mommy's boy talaga.
"Medyo nabawasan lang yun ng magthirteen years old siya. Mas naging matured na kasi si Xion nun. Naging tahimik at seryoso. Pero sakin parin talaga siya nagsasabi ng mga problema niya. Sakin lang din niya ipinapakita iyong soft side niya. Manang-mana siya sa daddy niya. I can see Xander more on him. Dahil ganyan na ganyan ang daddy niya nung una ko siyang makilala."
Napatango-tango naman ako kahit hindi ako nakikita ni Tita.
"Pero Tita, may nagustuhan na bang babae si Xion?" I asked. Kanina pa ko kating-kati na tanungin yan eh.
"Wala. Wala naman kasi siyang naikwento sakin na may nagugustuhan na siyang babae eh. Kasi kung meron ikukwento at ikukwento niya sakin."
"Ganun po ba? Eh girlfriend?"
"Wala din siyang ipinakilalang girlfriend samin. Kung meron man, hindi ko alam." Muli kong naramdaman ang paghawak ni Tita sa kamay ko. "Pero don't worry, sa tingin ko wala naman. Masyado kasing mailap sa mga babae si Xion eh."
"Sana nga po, Tita." Napapangusong sagot ko. Natawa naman si Tita sakin.
"Sasabihin ko naman sayo yung mga basic info ni Xion."
"Sige po, Tita."
"Xion is very sporty and smart. He's very smart kahit nung bata pa siya kaya nga medyo natakot pa kami ng Tito mo nun. And he cooks very well. Sa kakadikit kasi sakin ni Xion natutunan na niya din magluto without teaching him. Natuto lang siya sa kapapanood sakin. He loves reading books too. His favorite color is gray and black. Ang favorite naman niyang ulam ay sinigang. He loves seafoods too. But he really dislikes spicy foods."
Lahat ng mga sinabi ni Tita ay tinandaan ko. Pero kahit yata hindi ko gawin yun kasi automatic na tumatatak sa isip ko.
Sinabi din sakin ni Tita ang schedule ni Xion kaya ninote ko naman yun sa cellphone ko. In just an hour alam kong mame-memorize ko din 'to.
"Uh, i forgot." Biglang sabi ni Tita at napangisi. Kumunot naman ang noo ko. "Xion most favorite food is macaron."
Macaron? Hmmm. Very interesting.
BINABASA MO ANG
My Dream Guy
RomansaYshara Andrea Henares has a huge crush on Xion Montales since she was twelve years old. Xion is the youngest son of her Mama's best friend that's why they basically became childhood friends. Not long after, Andrea realize that she's actually fallin...