Chapter 33

83 0 0
                                    

ANDREA

"Hay." I sighed.

"Pang anim na beses na yan."

"Ha?" Nilingon ko si Euha na busy kumain ng fries.

"Sabi ko pang anim na beses mo na yan. Kanina ka pa bumubuntong hininga. Ang tamlay mo din. May sakit ka ba?" I shook my head but she still checked my temperature. That's right. Hindi ko pa nasabi kay Euha yung tungkol kahapon. Pagkapunta ko kasi sa kwarto ko ay nakatulugan ko na ang pag-iyak. Hindi rin ako nakakain ng dinner. "Wala ka namang sakit. So, did something happened?"

Napalabi ako. "Buo na ang desisyon ko. Magmomove-on na ko kay Xion."

"Ha?!" Gulat niyang sambit. Her forehead creased. "What? Why? Bakit ka magmomove-on?"

"Hindi ba, ikaw narin ang nagsabi na bakit pa ako naghihintay kung wala naman akong kasiguraduhan."

"Oo nga pero base sa mga kwento mo, may progress naman?" Naguguluhan niyang sabi. "Ang sweet sweet niyo pa nga lang nitong mga nakaraan."

"Yun nga din ang akala ko." Mas lalong humaba ang nguso ko saka ko siya seryosong tinignan. "Ikaw? Kailan mo balak magmove on kay Luke? Kailan mo ba masasabi na kailangan mo na talagang magmove on?"

"Kailan? Hmm..." Humawak pa siya sa baba niya at umaktong nagiisip. Then bigla din siyang nagseryoso. "Kapag alam kong may mahal at masaya na siya sa iba."

"Exactly."

"Anong exactly-" Natigilan siya. "Oh my! Don't tell me!"

"Yes." I nodded saka ko kinuwento sakanya ang buong nangyari kahapon. Mula doon sa inaya ako ni Xion na sabay kaming maglunch, doon sa may library hanggang sa tinanong ko siya kung may special someone na ba siya.

"Hindi kaya, nago-overthink ka lang?" She said, doubting. Pareho na kaming naglalakad ngayon palabas ng canteen. "Malay mo ikaw ang tinutukoy niya? Tapos yung kay Calyne naman, baka friends lang sila ganun?"

I sighed and shrugged my shoulders. Napahawak ako sa ulo ko dahil parang bigla itong sumakit. "I don't know. Hindi ko na din alam pero mahirap mag-assume. Mas masasaktan lang ako lalo na kapag hindi ko nameet yung expectations ko."

"Sabagay." Napatango-tango siya. "Pero sure ka na ba talaga? Bibitaw ka na talaga?"

"Yes. Do you know why?" I asked.

"Hmm, Oo. Hindi ba sabi mo dahil may iba na siyang mahal."

"Hindi lang iyon ang dahilan ko." Sagot ko. She look at me confused. I smiled and show her my clenched fist. Hinigpitan ko ito hanggang sa masaktan na talaga ako. "See? It hurts because sometimes holding on does more damage than letting go. Alam ko sa sarili ko na kapag nagpatuloy pa ako, lalo lang akong masasaktan."

"Ohh... That's true." She pouted and touched my hand.

"Oh look it's Xion!"

Sabay kaming napalingon ni Euha sa nagsalita nang marinig ang pangalan ni Xion. It's the girl walking near us. May kasama pa itong dalawang babae na sa tingin ko ay mga kaibigan niya.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita kung anong tinitignan nila, pati si Euha ay natigilan din sa tabi ko.

"Now, gets ko na talaga kung anong sinasabi mo. Naiintindihan ko na kung bakit." She murmured.

"Kasama na naman niya si Calyne."

"Oo nga. Lately they are always together."

"True. Sila na kaya?"

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon