ANDREA
"Baby naman..."
"Hmm?"
Nagugulat kong nilingon si Xion. Nakataas ang isang kilay nito sakin.
"What?"
"A-anong what?" Nauutal kong tanong.
He just smirked and shook his head. "Nevermind."
Napakurap kurap ako nang magiwas siya ng tingin. Nagpatuloy siya sa pagkain habang nakaalalay kay Aero ang isa niyang kamay.
Hindi naman sa naga-assume ako pero sigurado ako! Sumagot siya sa pagtawag ko ng 'baby'!
"Magshopping tayo after this!" Biglang sabi ni Tita. "Isama natin ang mga bata."
"That's a good idea!" Sangayon ni Mama.
"Sorry, mom. Pass muna ko." Si Kuya Xyro. Uminom siya sa basong hawak bago ulit nagsalita. "Marami pa kong tatapusing paper works."
"Me too." Si Tito Xander.
"Lagi nalang kayo puro trabaho." Ngumuso si Tita pero ngumiti din pagkatapos. "Pero okay lang! Kasama ko naman ang mga bata." Nilingon kami ni Tita. "Sumama kayong dalawa ha?"
"Yes, Tita." Sagot ko.
"Ikaw, Xion. Sumama ka." Tinuro pa ni Tita Cassie si Xion. "Wala ka naman gagawin sa bahay kung hindi magbasa. It's time to unwind, honey. Pagbigyan mo na si Mommy ha?"
Sumimangot naman si Xion at napipilitang tumango. Napangiti ako. Mommy's boy talaga.
After ng breakfast namin ay umuwi muna sina Tita Cassie para magbihis. Si Aero naman ang unang pinaliguan at binihisan ko. Nang matapos siya ay binigay ko muna siya kay Papa para makaligo na din ako at si Aira.
Pinauna ko muna din maligo si Aira bago ako. Pinasuot ko sakanya iyong kulay gray na chiffon frill halter neck dress with butterfly prints and paired it with a black doll shoes.
"Patuyuin mo yung buhok mo, Aira." Sabi ko sakanya. "Maliligo na ko."
"Opo, ate."
Nginitian ko pa siya bago pumasok sa banyo. It takes twenty minutes for me to shower. Agad akong nagbihis pagkatapos. I wear a three inches above the knee navy blue chiffon dress. May kulay white na bishop sleeves din ito.
Paglabas ko ng banyo ay kinuha ko ang black lace up chunky heel ankle boots ko at sinuot na ito pagkatapos ay nagpunta ako sa may tukador at binlow-dry ang buhok ko.
I brush my hair after. Naglagay din ako ng pearl hair clip sa magkabilang side ng buhok ko pero hindi ko sinali ang bangs ko. I apply some pressed powder and lip balm then charan! I'm done.
"Wow, ate. Ang ganda mo talaga kahit walang make up." Namamanghang sabi ni Aira na kanina pa ko pinapanood.
"Thank you, baby girl." I smiled. "Dito ka. Let me do your hair."
Excited naman siyang lumapit sakin. I braided her hair at nilagyan din ng hair clip. To complete her look, nilagyan ko siya ng choker sa leeg.
"Ayan. Tapos na." I pinch her cheeks bago ako lumapit sa kama para kunin ang sling bag ko. "Tara na."
Sabay na kaming bumaba ni Aira at nadatnan naming nandun na sila Tita Cassie sa living room. Kami nalang ni Aira ang hinihintay.
"Ang ganda niyo naman!" Puna ni Tita Cassie samin pagkatapos ay nilingon niya ko. "Dapat pala sayo nalang ako nagpaayos, Andrea."
"Next time, Tita." I smiled at her. Dumapo naman ang tingin ko kay Xion. Nagulat pa ko ng makitang nakatingin din siya sakin.
Ang gwapo talaga nito kahit kailan. Ilang beses ko na ba siyang sinabihan ng gwapo? He's wearing a dark blue denim jacket with a inner white shirt then black jeans and white sneakers.
"Kaninong sasakyan gagamitin natin?" Tanong ni Mama na buhat buhat si Aero.
"Since Xander and Ynnos can't join us, Xion will drive. Yung samin nalang gamitin natin."
Sumangayon na kami kay Tita since nasa labas naman na ang sasakyan nila. Nilabas na pala ni Xion kanina eh.
I was about to opened the back door when Tita Cassie stopped me from doing so.
"Sa front seat ka sumakay, sweetie." Nginitian ako ng makahulugan ni Tita. Yeah, right. I should grab this chance now.
I also smiled at Tita saka na ko humarap sa pintuan ng front seat. Bubuksan ko na sana iyon ng maunahan ako ni Xion.
Nagtataka ko siyang tinignan but he just give me the 'sumakay ka na' look. Ohhh, he just opened the door for me. Akala ko dun siya sasakay, eh siya yung magda-drive.
Sumakay naman na ko. Sinarado niya ang pinto at umikot sa kabila.
"Fasten your seatbelt." He said and glance at me.
"Ah, yeah." Sinunod ko siya. Nang makita niya naman na ayos na ay inistart niya na ang engine at nagdrive sa pinakamalapit na Mall.
Pasulyap sulyap ako sakanya habang seryoso naman siyang nagmamaneho. Mahigpit ang hawak niya sa steering wheel, lumilitaw pa nga ang mga ugat niya sa braso.
I bit my bottom lip. Ngayon ko lang siya nakitang nagdrive. Marunong pala siya? Pero bakit hinahatid parin siya ni Tito Xander papasok ng school?
"Kuhanin mo nga itong si Aero, Andrea. Nangalay na ko eh. Hindi siya magaan ah." Natatawang sabi pa ni Mama pagkapasok namin sa loob ng mall.
Agad ko naman kinuha si Aero sakanya na palingon lingon lang sa paligid. Totoo naman ang sinasabi ni Mama. Hindi magaan si Aero. Matakaw kasi 'to eh.
Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao sa bawat madaanan namin. Mostly mga babae. Alam ko na. Si Xion ang tinitignan nila.
Kahit saan talaga siya pumunta agaw atensyon siya. Head turner kumbaga. Sino ba naman ang hindi makakapansin sakanya, sa tangkad niyang yan? Tapos gwapo pa. Nags-standout talaga siya.
Nauuna samin maglakad si Mama at Tita Cassie na hawak hawak si Aira. Hinayaan ko naman. Alam ko kasing sabik talaga si Tita Cassie sa anak na babae. Kasabay ko naman maglakad si Xion sa likod nila. Daretso lang ang tingin niya sa dinadaan habang nakapamulsa pa.
"Omo, ang gwapo naman niya."
"Oo nga eh. Ano kayang pangalan niya? Single pa kaya siya?"
"Kyaaah! Ang gwapo talaga eh."
Napapabuntong hininga nalang ako sa mga naririnig kong usapan ng mga babaeng nadadaanan namin. Obvious namang si Xion ang tinutukoy nila.
Saka hindi ba nila ako nakikita? Like Hello? I'm here! Hindi niya nga lang ako girlfriend. Sabagay pano naman nila ako mapapansin, malayo ang distanya namin ni Xion sa isa't isa. Hindi pa nag-uusap. Para lang kaming hindi magkakilala na nagkasabay sa paglalakad.
Kung may karapatan lang talaga ako eh. Kanina ko pa tinusok ang mga mata nila. Ang akin ay akin lang! Bawal ishare! Kaso wala eh. Hindi siya akin.
I sighed again. Sa pagkakataong yun alam kong napalakas ang pagbuntong hininga ko dahil nilingon ako ni Xion.
"What's wrong? Are you already tired?" Salubong ang kilay na tanong niya. Huminto siya kaya naman napahinto din ako.
"Ah, hindi." Iling ko naman.
"Let me carry Aero." Hindi pa ko nakakasagot pero kinuha niya na si Aero sakin. I heard some loud gasp from the people na pinagtitinginan kami.
"Hala, omg?! Girlfriend niya ba yun? At may baby na sila? Huhuhuhu."
"Oo nga huhuhuhu. Ang ganda pa naman ng girlfriend niya! Wala tayong malalait te!"
"True! Masakit man aminin pero bagay talaga sila!" Pagluluksa ng mga babaeng pinagpapantasyahan si Xion.
Lihim akong napangiti. Back out girls. Akin lang siya. Belat!
BINABASA MO ANG
My Dream Guy
RomanceYshara Andrea Henares has a huge crush on Xion Montales since she was twelve years old. Xion is the youngest son of her Mama's best friend that's why they basically became childhood friends. Not long after, Andrea realize that she's actually fallin...