Chapter 41

71 0 0
                                    

ANDREA

Saturday...

"Wear something white and black." Yan ang sabi ni Xion sakin kagabi bago siya natulog. Nagusap pa kasi kami sa may balkonahe eh. At kahit na maaga niya akong pinapatulog, hindi agad ako nakatulog dahil sa excitement.

Pero maaga akong nagising. Naunahan ko pa nga iyong alarm clock ko eh. In fact ready na ko. Nakaligo na ako at nakapagbihis. Nagaayos nalang ako ngayon sa harapan ng tukador.

Sa totoo lang hindi ako mahilig maglagay ng kung ano-ano sa buhok kaya hinayaan ko lang siyang nakalugay. Kinulot ko lang siya sa bandang ibaba pagkatapos nirollers ko naman yung bangs ko.

Nagapply din ako ng light make-up para fresh yung looks ko. Nang matapos ay napangiti ako sa reflection ko sa salamin. Oh, diba. Ang ganda. Original visual yan. Char!

"Andrea! Nandito na si Xion!" Rinig kong tawag sakin ni Mama.

"Opo, Ma. Nandyan na!"

Kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto. Pagkababa ko sa sala ay nandoon na si Xion. Like me ay nakasuot din siya ng white and black. Kaya pala pinagsusuot niya ko ng ganito.

Napatitig ako sakanya. Ganun din siya sakin.

He's wearing a white hoodie and black jeans habang ako ay black denim jumper at white inner shirt ang suot. Tapos pareho kaming nakawhite sneakers.

Pero gosh! Ang gwapo gwapo talaga ni Xion!! Is he even a human?! Mas mukha siyang anime character para sakin ehhh.

"Bagay na bagay talaga kayong dalawa. E-enjoy niyo ang date niyo ah?" Ani Mama na nakaputol sa titigan naming dalawa. Nginitian namin siya.

"Opo, Ma."

"Opo, Tita."

"Osige na. Umalis na kayo para marami kayong oras gumala."

"Sige po, Ma. See you later." Nagpalaam muna din kami kay Papa bago kami lumabas ng bahay ni Xion. And as usual pinagbuksan niya muna ako ng pintuan saka siya umikot sa driver seat para sumakay.

Before he started the engine ay nanghingi muna siya ng morning kiss sakin. Adik talaga. Nabigyan tuloy siya ng lipstick sa labi. Pinunasan ko naman siya ng tissue pero ngumisi lang siya.

"So, anong una nating gagawin?" Tanong ni Xion nang makapasok kami sa loob ng mall.

"Bili muna tayo ng ticket sa sine tapos magshopping tayo!" Suggestion ko.

"It looks like you have a plan already?"

"Of course! Pinaghandaan ko yata 'to. Kagabi pa." Tinaas baba ko pa ang kilay ko.

He chuckled. "It can't be helped. Then let's follow your plan."

Ngumiti lang ako saka hawak kamay kaming nagtungo sa third floor ng mall para bumili ng ticket sa sine. Horror movie ang napili namin na magsisimula mamayang eleven-thirty. Eh 10am palang kaya magpapalipas oras muna kami sa pagsha-shopping.

"Kung ganito kaya gawin natin?" Hinarap ko siya. Curious naman siyang nagbaba ng tingin sakin. "Akong mamimili ng damit mo tapos ikaw ang sakin. Ayos ba?"

"Sure, that's a good idea." Nakangising aniya. Uh-oh. Wrong move yata ang nagawa ko. Ayaw ko yung way ng pagkakangisi niya. Nakakakilabot. Parang may gagawin siyang kalokohan. Binigyan ko siya ng nagdududang tingin pero ngumiti lang siya. "Let's meet in the fitting room?"

"Sige." Pinaningkitan ko pa siya ng mata bago kami naghiwalay ng direksyon. Pumunta ako sa male section para pumili ng damit para kay Xion.

Alright! Gagawin ko siyang koreano ngayon. Mukha naman siyang koreano kaya siguradong bagay sakanya yung pipiliin ko hihi.

After nang ilang minutong paghahanap, napili ko iyong pullover sweater. Kulay maroon ito sa may bandang ibaba tapos gray naman sa taas na may stripes na maroon at white. Round neck din siya pero may kwelyo parin siyang kulay white. Basta imagine-nin niyo nalang haha.

Pumunta na ako sa may fitting room at pagdating ko ay nadoon na nga si Xion. Ang bilis naman niyang makapili?

"Nakapili ka na din?" I asked him.

"Hmm, here." Nagulat ako nang ipakita niya akin ang pinili niya. Because it's also a sweater! Kulay maroon din ito na stripes! "I suggest that you should start wearing warm clothes because it's getting colder these days."

That's true. Sobrang lamig na nga ng panahon ngayon lalo na kapag madaling araw saka sa umaga. But anways pinakita ko din sakanya yung pinili ko.

"Mukhang pareho tayo ng taste ah?" Natatawang sabi ko. "Isukat mo na, isusukat ko na din yan."

Tumango ito saka kami nagexchange ng hawak na damit pagkatapos ay pumasok na ko sa kaliwang fitting room. Sa kanan naman siya. Nang maisuot ko ang sweater ay doon ko lang naalala na hindi ako nakakuha ng jeans. Buti nalang may cycling shorts ako.

Ayaw ko naman lumabas ng nakaganito para ipakita kay Xion baka kasi may ibang tao. Kaya nagmirror selfie nalang ako para kahit papaano makita niya na sakto lang yung sweater.

Nagbihis na ulit ako at pinuntahan si Xion. Sakto namang kalalabas niya lang ng fitting room suot yung sweater and gosh! Bagay na bagay sakanya! Ang gwapo niya!

"Wow. It looks good on you." Komento ko. Nag thumbs-up pa ako sakanya.

He just smirked but suddenly his forehead creases. "Nagsukat ka na? Ba't mo tinanggal agad?"

"Wala akong jeans eh." Nguso ko. Kinuha ko nalang ang phone ko at pinakita ang picture sakanya. "Eto nalang, nagpicture ako. Anong masasabi mo?"

"It looks good on you too."

"Weh? Eni-echos mo lang yata ako eh?"

"Of course not. I'm saying the truth." Depensa niya. "In fact kahit na anong suotin mo bagay sayo."

"Talaga?" Sunod sunod naman siyang tumango. Napangiti ako. "Osige na nga naniniwala na ko. Magbihis ka na, bayaran na natin 'to. Baka magsimula na yung movie."

"Roger, ma'am." Natawa ako sakanya nang sumaludo siya sakin. Ang cute cute niya, grr.

Nang matapos kaming magshopping ay dumaretso na kami sa sinehan. May twenty minutes pa bago magsimula ang movie pero mas mabuti ng maaga. Bumili muna kami ng popcorn at coke bago kami tuluyang pumasok sa loob. Yung malaki na yung binili namin para share nalang daw kami.

Sa pinakataas ang pwesto namin para maganda yung view. Kung sa harapan kasi parang maduduling ka sa laki at lapit ng screen eh.

"Selfie muna tayo." Sabi ko kay Xion. Pumayag naman siya. Nakaopen pa yung mga ilaw sa loob kaya okay pang magpicture.

Pagkatapos naming kumuha ng ilang take ay saktong pinatay na ang mga ilaw sa loob. In-IG story ko naman yung picture namin ni Xion with matching 'Date with my baby' na nakasulat. Minention ko din si Xion. May IG yan eh. Hindi nga lang niya masyadong ginagamit.

Yumakap ako sa braso niya and rested my head on his shoulder. "Check your Instagram."

Tumingin muna siya sakin bago niya kalikutin ang phone niya. Nakisilip naman ako sa ginagawa niya at nakita ko siyang nilagay din sa story niya yung minention ko.

Ngumiti siya sakin pagkatapos at inakbayan ako. I also smiled and lean closer to him. Gusto ko kasi siyang amuyin ng amuyin eh, shh lang kayo.

Maya-maya lang ay nagstart na yung movie kaya naging tahimik kaming dalawa. Ganun parin yung pwesto namin. Nakaakbay siya sakin tapos nakahilig ako sa balikat niya.

Sa totoo lang hindi naman ako natatakot manood ng horror movies minsan lang talaga nakakagulat yung may bigla nalang lilitaw na multo ganun tapos yung sounds effect pa. Kaya napapasiksik ako bigla kay Xion eh. Si Xion naman walang reaction, parang nanonood lang siya ng normal na palabas.

"Did you enjoy the movie?" Xion asked after naming makalabas ng sinehan.

"Hmm. Sobrang ganda nung story niya." Sagot ko at napatingin sa wristwatch na suot. "Kain na tayo? Nagugutom na ko. Twelve-thirty na din eh. Puro popcorn lang kasi nakain natin sa loob."

"Nagugutom na din ako. Where do you want to eat?"

Napangiti ako. "Sa Jollibee!"


My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon