Chapter 17

85 3 1
                                    

ANDREA

'You are a vulnerable person that needs a special care. And i'm willing to take care of you. But please, take care of yourself too.'

Paulit-ulit ko pa itong binasa saka nagpangalumbaba sa study table ko at napatitig sa tatlong white carnation.

Bago ako umuwi kanina ay dumaan muna ako sa locker ko. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit pa ako pumunta doon, eh wala naman akong ilalagay doon.

Pero dahil siguro sa mga bulaklak na'to. Meron kasi sakin na excited makita kung carnation parin ba ang ibibigay sakin. At carnation nga. Kulay white naman ngayon. Pero tatlong stem parin.

Napabuntong hininga ako at muling binasa na naman ang note. Kinikilig kasi ako.

'Andrea. Take care of yourself.'

Ahhhh!! Nailing ko ang ulo ko ng magreplay na naman sa utak ko ang huling sinabi ni Xion kanina.

'But please, take care of yourself too.'

'Andrea. Take care of yourself.'

Nababaliw na ba ko?!

*Knock!* *Knock!*

Napalingon ako sa may pintuan pero alam kong hindi nanggagaling doon ang katok. Alam ko kung anong tunog ng katok sa pinto. Pero yung kumakatok parang sa tunog ng salamin.

Kaya naman napatingin ako sa may sliding door sa terrace. At nagulat ako ng makitang may tao nga doon!

Sisigaw na sana ako ng magnanakaw ng mamukhaan ko ang nandoon. Alam niyang nakita ko na siya dahil sumimangot siya at pinagkrus ang mga kamay.

Tumayo ako at unti-unting lumapit doon. Naninigurado kung siya nga iyon.

"Xion?" Binuksan ko ang sliding door. Walang salitang pumasok siya sa loob ng kwarto ko kahit na wala akong sinasabi. Napanguso ako at sinundan siya. "What are you doing here? At paano ka napunta doon sa terrace ko?"

Hindi siya sumagot. Nilibot niya ang tingin sa kwarto ko at naupo sa kama ko. Wow. Feel at home na feel at home siya. Pero okay lang. Buti pala hindi ako makalat.

"It's still the same." He muttered. Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Dumapo ang tingin niya sa study table ko kung saan ko nilagay ang mga carnation. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nakita ko siyang ngumiti.

"Ha?" Umiling ito. Naglakad ako patungo sa study table at naupo ulit doon. "Ano ngang ginagawa mo dito at paano ka napunta doon?"

"I jumped. From mine to yours." He shrugged.

"Nang ganyan ang suot?" Bumaba ang tingin ko sa suot niya pero agad ding nagiwas. Nakaboxers lang kasi siya na kulay gray na checkered at white t-shirt. Okay lang sana yun eh. Kaso nakakailang, may nakaumbok kasi dun sa harapan ng boxers niya.

Ahhh!! Yung utak ko na naman nagiging berde!

"Ganyan ka ba talaga matulog?" Dagdag ko. Pilit kong iniiwasan na mapatingin doon sa baba niya.

He smirked and shook his head. Nagulat ako ng hawakan niya ang neckline ng damit niya at hilain iyon pataas! And now he's half naked, only on his boxers! in front of me!

"I sleep half naked. Sometimes fully naked." Napaamang ako sakanya. Ngumisi lang ulit siya sakin at kumuha ng isang unan ko. Niyakap niya iyon at humiga! "Goodnight, i'm sleeping now."

Sa sobrang shock ko ay nakanganga lang ako sakanya. And it takes time bago ko naproseso kung anong nangyari!

Oh, no! Matutulog ba talaga siya dito?! Anong gagawin ko?

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon