Chapter 34

92 0 0
                                    

ANDREA

Magse-seven na ng makauwi ako. Napahaba pa kasi ang kwentuhan namin nila Euha at ate Mae eh. Tapos naglibot pa kami sa Mall.

Nagmessage narin ako kay Mama kanina na malelate ako ng uwi para hindi siya magalala.

"I'm home." I said as i open the front door.

"Welcome home, sweetie. Sakto ang dating mo. Magdi-dinner na tayo kasama sina Tita Cassie mo."

I froze on my spot nang sumalabong sakin sina Tita Cassie. Nasa living room silang lahat.

"Ahh, opo." Tuluyan akong pumasok at sinarado ang pintuan. I kissed Mama and Papa on their cheeks pati na si Tita Cassie.

"Mamaya ka na magpalit. Kumain na muna tayo." Tumayo na sina Mama kaya wala akong nagawa kung hindi ilapag ang mga gamit ko sa sofa. Iniwasan ko din ang tumingin kay Xion.

"Hey, there. Ysha. I missed you." Umakbay si Kuya Xyro sakin habang papasok kami sa dining room. "Magkatabi lang ang mga bahay natin pero i rarely see you."

"Busy ka kasi Kuya."

"Well, that's true."

"Sa sobrang busy mo Kuya baka hindi ka na magkagirlfriend niyan ah. Baka maunahan pa kitang magasawa." Tumawa ako. That's right self. Ipakita mo lang na okay ka.

"Hoy, may nililigawan na kaya ako." Depensa niya.

"Talaga? Marunong ka pala nun Kuya?"

"Syempre naman noh. Anong akala mo sakin?"

"Ahh, kala ko hindi ka marunong eh." I continue to tease him. I miss this. I miss talking to him freely. Ngayon kasi wala na talaga siyang time eh.

Umupo ako sa pagitan ni Kuya Xyro at Tita Cassie para makausap ko pa ng matagal si Kuya.

"Don't underestimate us. Kilala yata ang mga Montales sa larangang 'yan." Ngisi ni Kuya. "Diba dad? Bro?"

"Oo kaya kahit sinong babae nakukuha niyo." Sambit ni Tita Cassie. Napailing iling pa ito. "Hay nako. Pati yata sainyo sasakit ang ulo ko pagdating sa mga babae."

"But once a Montales fell in love it's for lifetime, darling." Ani naman ni Tito Xander. "Isang beses lang kayang magmahal ng isang Montales."

"You got it, dad!" Kuya Xyro cheered saka ito tumingin kay Xion. "Do you agree, bro?"

"Yeah." Napasulyap ako sakanya ng sumagot siya. He's smiling. He happily agreed. So that means naniniwala din siya na kapag nagmahal siya hindi na niya kayang magmahal ng iba.

Ang swerte ng babaeng mahal niya. I envy her.

"I think that's true." Ngumiti si Tita Cassie. Even her. She agreed. "Oh my boys."

Nauwi sa tawanan ang dinner na iyon. Sina Mama nalang din ang nagkwentuhan. Binabalikan ang nakaraan nila.

Tahimik naman ako sa pagitan nila Kuya Xyro at Tita. Pagkatapos kasi nung nalaman ko parang bigla akong nawalan ng gana kaya konti lang ang nakain ko. Kung tutuisin nga ako talaga ang nagopen ng topic na iyon pero hindi ko naman alam na mauuwi sa ganun.

Napasulyap ako kay Xion pero ganun nalang ang gulat ko nang makasalubong ko ang matalim niyang tingin. Agad akong umiwas ng tingin at uminom ng tubig.

Bakit ganun siya makatingin? Galit ba siya?

Pagkatapos kong uminom ay tumayo na ko. Napunta tuloy sakin ang atensyon ng lahat. "Excuse me. Mauuna na po ako sa taas."

"Why? Nandito pa sina Tita Cassie mo, oh." Sagot ni Mama.

"Sorry, Mama. Sorry Tita. Bigla po kasing sumama yung pakiramdam ko kaya gusto ko ng magpahinga." Pagdadahilan ko.

"Ganun ba? Sige, ayos lang hija. Magpahinga ka ng mabuti ha?"

"Opo." I even slightly bow before leaving the dining room. Nakahinga ako ng maluwag paglabas ko.

Paakyat na sana ako ng hagdan ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Agad akong kinabahan ng marinig ko ang pamilyar niyang boses at ang pabango niya.

"Andrea." Napalingon ako sakanya. Bakit niya ko sinundan? "Are you avoiding me?"

He was about to touch my arm pero iniwas ko iyon. His jaw clenched.

"Damn it, baby. Please talk to me." Malumay at malambing niyang saad.

Umiling lang ako kahit ang bilis bilis na ng tibok ng puso ko, nagmamatigas. I don't get him. He's really confusing me.

"H-hindi ah!" Napalakas kong sabi. "Pasensya na. Masama talaga ang pakiramdam ko eh. Kailangan ko ng magpahinga."

Hindi ko na siya hinintay sumagot. Agad akong umakyat sa taas. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay doon ko lang napansin na nanginginig ako.

Why? I heard him right, diba? Tinawag niya ako ng 'baby' but no. That can't be. Why would he? That's right. It's impossible. Namali lang ang pagkadinig ko.

Pero.... argh!

How much do you need to confuse me before you get satisfied?

*Kriiiinnng!!* *Kriiiinnng!!*

Ano ba yan ang ingay!

Papatayin ko na sana ang alarm clock ko pero nang makita ko ang oras ay napabalikwas ako ng bangon. Oh my gosh! My date pa nga pala ako!

Agad akong bumangon saka nagtungo ng banyo para maligo. I did my daily routine saka nagsuot ng isang dress. Kulay navy blue ito pero may lace siya sa may upper part ng dibdib hanggang sa sleeves.

Nagapply lang ako ng light make-up saka hinayaan na nakalugay ang mahaba kong buhok. After applying some perfume ay sinuot ko na ang kulay cream kong wedge shoes saka na lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko ay naabutan ko sa sala si Manang na nagwawalis.

"Oh, ke aga aga nakabihis ka? Saan ka pupunta?" Manang asked me.

I give her a teasing smile. "Hmm... I have a date with my friend."

"Talaga?" I nodded. "Hindi ka ba magaalmusal muna?"

"Hindi na manang. Kakain rin naman kami." Sagot ko. "Sige na po. Una na ko. See you later manang."

"Osige. Magiingat ka."

"Yes, i will." Sumaludo pa ako sakanya bago tuluyang umalis. Naabutan ko naman si Mama sa may pathway ng bahay. Nagdidilig ng halaman. I kissed her cheek as i greet her. "Good morning my beautiful mother."

"Good morning, mukhang good mood ka ah?" She look at me from head to toe. "Where are you going? Kumain ka na ba?"

"Guess what?" Tinaas baba ko ang mga kilay ko.

"What?"

"I have a date!"

"Really?" Mama give me a smirk. "That's new."

Napanguso naman ako saka tumingin sa relos ko. "Sige na Mama. Baka mainip na sa kahihintay yung kadate ko."

"Okay. Good luck."

Nagmadali na kong umalis pagkatapos makita ang oras. Ang sabi kasi ni ate Mae ay bandang 10am daw ang meet up namin. Hihintayin daw ako ng kaibigan niya sa may musicafé. It's already 9:55! Kaya sana walang traffic.

I wonder who will be my date. Pumayag lang naman ako sa date na'to kasi gusto kong matulungan sina ate Mae at para makapag unwind nadin. Saka wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya mabuting pumayag ako.

My phone beeped and i got a message from ate Mae. She said that her friend is wearing a black turtle neck long sleeve shirt, sitting near the entrance.

Pagdating sa café ay late na ko ng five minutes. Agad kong hinanap yung kadate ko. Hindi naman siya mahirap hanapin dahil konti palang ang tao sa loob. Tapos siya lang din ang nakasuot ng turtle neck shirt.

Lumapit ako sa table niya saka hinila ang upuan sa harapan niya.

"Pasensya na nalate ako-" I look at him and my eyes widen. "Ikaw?!"

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon