ANDREA
Excited akong pumasok kinabukasan. Kaya naman agad akong naligo at nag-ayos. I wear a white long sleeve chiffon blouse with ruffles and a black bow brooch, a plain black skirt and my black ankle strap closed toe wedge. Hindi naman siya gaano kataas. Three inch lang naman yung takong niya at kulay light brown din ito. Hindi ko kasi type kung full black lang siya eh. Kaya pinili ko yung may light brown na takong.
Ngumiti pa ko sa reflection ko sa salamin bago ko kunin ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.
Pagdating ko ng dining room ay si Mama at Manang Lourdes lang ang naabutan ko. I greeted them and kiss their cheeks before sitting.
"Kahit kailan talaga ang ganda ng alaga ko." Nangingiting sabi ni Manang Lourdes at hanggang ngayon ay pinagmamasdan niya parin ako.
I chuckled at napangiti na lang din saka bumaling kay Mama. "Where's Papa?"
"Ahh, nagka emergency kasi sa kompanya kaya maagang umalis." Sagot naman ni Mama at nilagyan ako ng pagkain sa plato. "Do you want me to send you to school, instead?"
I shook my head. "I will just took the bus."
"Are you sure?"
"Yes, mom. Don't worry. Sanay na ako." I assured her with a smile.
"Okay. Just take care."
I nodded and smiled again. Binilisan ko na din ang pagkain ko dahil baka mahuli ako sa bus. When i finished eating i immediately bid goodbyes to them at lumabas na ng bahay.
Malapit lang naman ang gate ng village namin mula dito kaya okay lang maglakad. Nang mapatapat ako sa bahay nila Tita Cassie ay nagulat akong ng biglang bumukas ang gate nila.
Iniluwa nun si Xion. Natigilan ako at napatitig sakanya. Sheet. Ang gwapo talaga niya. He's wearing a dark blue long sleeve polo with a white inner shirt, a black jeans and white sneakers. May suot din itong kulay blue na wristwatch sa kaliwang kamay.
Amoy na Amoy ko din ang mamahalin niyang pabango. Napatingin ito bigla sakin kaya naman natauhan ako at nagiwas ng tingin.
'Ipakita mo lang sakanya how friendly you are.'
Nang magecho na naman sa isip ko ang sinabi ni Euha ay napatingin ulit ako kay Xion. Nakataas na ang isang kilay nito habang nakatitig din sakin.
"H-hi, good morning." Nag-aalinlangan ko pang bati. "Papasok ka na ba?"
"Yeah, and you? Why are you just standing there?"
I was about to answer nang muling bumukas ang gate nila. Pero ang malaking gate na ang bumukas ngayon.
Lumabas ang isang itim na kotse doon at tumigil sa harapan naming dalawa. Bumaba ang bintana sa gilid ng driver seat and it reveals tito Xander face.
"Good morning po, Tito." I greeted him.
"Ikaw pala, hija. Good morning din." Tito Xander said and smiled. "Are you going to school too?"
"Ahh, Opo..."
"Oh, halika na. Sumabay ka na samin, ihahatid ko rin naman 'tong Kuya Xion mo."
Agad akong napailing. "Hindi na po. Magba-bus nalang po ako."
"Come on. Wag ka ng mahiya." Ani pa ni Tito Xander at nilingon si Xion. "Son."
Hindi naman sumagot si Xion but he opened the door on the backseat and look at me. "Hop in."
Napatitig ako sakanya. He raised an eyebrow kaya naman ngumiti nalang ako at sumakay na sa backseat. Sinarado niya naman ito at sa passenger seat sumakay.
"Already settled, Andrea?" Nilingon pa ako ni Tito Xander bago paandarin ang kotse.
"Yes, Tito." I nodded, smiling.
He also smiled at pinaandar na ang sasakyan patungong school. The atmosphere inside the car was awkward. Tahimik kaming lahat. Walang nagsasalita ni isa samin.
Though dahil sa simpleng conversation namin kagabi ni Xion, i felt more comfortable around him. Mas naging confident nako, pero medyo nahihiya parin ako at kinakabahan.Napansin ko ding pasulyap sulyap si Tito Xander saming dalawa ni Xion hanggang siya mismo ang bumasag ng katahimikan.
"Do you usually taking the bus to school, Andrea?"
"Hindi po. Hinahatid din po ako ni Papa sa school bago siya dumaretso sa office. Nagkataon lang po ngayon na may emergency kaya maaga siyang umalis." I answered.
Napatango-tango naman si Tito Xander. "Is that so? How about kapag pauwi ka na? Hinihintay mo rin siyang sunduin ka?"
"I usually walk, Tito. Tutal walking distance lang naman po yung school sa village." That's true. But now i'm inside the car with Xion feeling ko ang tagal tagal ng biyahe namin patungong school. Pero kung tutuusin ten minutes lang naman. Depende pa sa bilis ng sasakyan. At kung lalakarin naman, siguro mga 15-20 minutes naman. Depende rin kung gaano ka kabilis maglakad.
"Why? Wala ba kayong driver para sunduin ka?"
I shook my head and smiled. "I prefer to walk or magcommute, Tito. Para naman po makasanayan ko."
Napangiti din si Tito Xander.
"Hmm. That's good." Napalingon ito sa labas ng bintana pagkatapos ay itinigil na din ang kotse. "We're here."
Napatingin din ako sa labas ng bintana. Nasa Daehan University na nga kami.
Without uttering a word, lumabas na ng sasakyan si Xion. Ako naman ay napatingin kay Tito Xander.
"We're going now, Tito. Take care po. Drive safely."
He nodded and smiled. "Yes, hija. I will." I smiled back at lumabas na din ng sasakyan. Napalingon ako kay Xion na naglalakad na palayo. Bumalik ang tingin ko kay Tito Xander ng bumusina ito. I waved my hand. Hinintay ko muna siyang makaalis bago pumasok sa loob ng university.
I looked around to find Xion pero napasimangot ako ng mawala siya sa paningin ko kaya naman naglakad nako patungo sa building namin.
Bawat madaanan ko ay napapatingin sakin. Especially boys. Pero hindi ko nalang ito pinapansin dahil nasanay narin naman na ako. But until now, i still don't get it bakit kailangan pa nila akong tignan?
Nakakailang kasi minsan, lalo na mapapansin mo pagkatapos ka nilang tignan magbubulungan sila. And i have this feeling na ako ang pinag-uusapan nila. And i also hoping that it's not negative though.
"Hi, Andrea. Good morning."
"Wow, you look so stunning as always."
"Good morning, miss beautiful."
"Hello, Good morning." Ngumingiti at bumabati nalang din ako pabalik sa mga bumabati sakin kahit hindi ko naman sila kilala. "Good morning."
Ganun lang ang scenario hanggang sa makarating ako sa classroom namin for our first subject. My classmates immediately eyed me.
Hindi ko na sila pinansin at agad na naupo sa usual spot ko. Wala naman kaming assigned seats kaya nagtataka talaga ako kung bakit walang umuupo sa gusto kong pwesto.
Oh, well. As usual may bouquet of flowers na naman sa ibabaw ng desk ko. May tatlong piraso iyon ng pink tulips tapos ay tatlong white rose. May kasama din itong lavenders.
May nakita akong note sa loob ng bouquet kaya naman binasa ko ito.
'Beautiful flowers for a beautiful lady.'
From: Logan
Napangiti nalang ako saka nailing. Logan? Wala akong kilalang Logan. Hindi ko alam kung iisa lang ba ang laging naglalagay ng bulaklak sa ibabaw ng desk ko, O iba-iba sila? Kasi yung kahapon wala naman nakalagay na pangalan or note. Basta flowers lang.
Hays. I don't know how to deal with them. Hindi ko naman sila mapasalamatan dahil yung iba hindi naman nagpapakilala.
Seriously, i really want to thank them. Kahit yun lang ang magawa ko. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko masusuklian ang mga efforts nila.
Dahil iisang lalaki lang ang laman ng isip ko.
BINABASA MO ANG
My Dream Guy
RomanceYshara Andrea Henares has a huge crush on Xion Montales since she was twelve years old. Xion is the youngest son of her Mama's best friend that's why they basically became childhood friends. Not long after, Andrea realize that she's actually fallin...