Chapter 13

89 1 0
                                    

ANDREA

Nang magdinner kami ay hindi na ko nagtanong kung sinong nag-akyat sakin sa kwarto. Nakakahiya naman kasi noh.

Pasulyap-sulyap ako kay Xion pero ni isang beses ay hindi man lang niya ko tinapunan ng tingin. Pagkatapos ng dinner ay tumulong akong maghugas ng plato kay Tita. Nung una nga ay tumanggi pa siya pero nagpumilit talaga ako.

Bago matulog ay nagskincare routine ulit kami ni Tita at nagkwentuhan.

"Son, i need to talk to you first." Pababa na sana si Xion pero pinigilan siya ni Tito. Nilingon ako ni Tito na para bang sinasabing need muna nila ng privacy. Ngumiti naman ako saka tumango.

"Ahh una na po ako. Bye, tito. Ingat."

Tito also smiled and nodded to me. Nilingon ko naman din si Xion pero hindi ito nakatingin sakin kaya naman lumabas na ko ng sasakyan.

I look at the car one last time bago ako naglakad patungo sa room namin. And of course, they are greeting me again. Kaya naman binati ko na sila pabalik. Pagkapasok ko ng classroom ay ganun din. Panay goodmorning din sakin ang mga kaklse ko.

Naupo na ko sa pwesto ko at nakita na naman ang bungkos ng mga bulaklak. Buti nga kahapon wala silang binigay eh.

Binasa ko lang ang nakasulat sa note at napabuntong hininga ng wala na naman iyong pangalan. Nagpangalumbaba ako at saktong tumama ang paningin ko sa sketch pad ng katabi ko.

My eyes widen. Yung sketch pad ko pala!

Napatingin ako sa bag ko. No. Hindi iyon magkakasya dito. Yung shoulder bag lang kasi yung dala ko. Inalala ko kung saan ko nalagay ang sketch pad ko. And shocks! Naiwan ko sa kotse!

Tumayo agad ako para lumabas. Sana hindi pa umalis si Tito. Lagot ako kapag wala yun. First subject ko pa naman ngayon ang illustration.

Kagat labing lumabas ako ng classroom pero nagulat ako ng sumalubong sakin si Xion.

Napatitig siya sakin. Ay hindi, sa labi ko siya nakatitig. Bigla naman akong nailang.

"Uhhh, anong ginagawa mo dito?" Kinakabahan kong tanong. Yung kotse kasi! Pero nandito siya sa harapan ko, so ibig sabihin nakaalis na si Tito? Mas lalo kong nakagat ang labi ko. "No...."

"I told you. Stop doing that." Huh? Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang tinutukoy niya. He sighed and handed me the sketch pad. Nawala ang kaba ko at biglang napangiti. "You forgot this."

"Oh my gosh, thank you!" Kinuha ko ang sketch pad sakanya at niyakap ito. Akala ko makakakuha na ko ng singko eh! Ngumiti ako ng malapad sakanya.

Tumitig lang siya sakin at tumango. Nagpaalam na din siya pagkatapos dahil may klase pa din siya. Nakangiti naman akong tumango at kumaway sakanya.

Doon ko lang napansin ang mga kaklase kong nakadungaw sa bintana at ilang mga tumambay sa hallway na nakatingin pala kay Xion.

Hinayaan ko na sila at pumasok na ulit sa classroom. Well, wednesday ay ang pinakahate kong araw. Five kasi ang labas ko. Saka sobrang nakakapagod ang araw na ito dahil may surface ornamentation at pattern making kami every Wednesday. Tapos tigda-dalawang oras pa.

Sumakit din ang kamay at likod ko kaya naman nagunat-unat ako paglabas ng classroom. Pati paa ko sumakit! Dalawang oras ba naman kaming nakatayo!

Imbes na maghagdan tuloy ay nagelevator nalang ako. Pagbaba ko ng building ay may biglang umakbay sakin. Paglingon ko si Reese. Agad itong ngumiti sakin.

"Uuwi ka na?"

"Hmm." Tumango ako at sabay na kaming maglakad palabas ng school.

"Napakalate naman. Five ba talaga dismissal mo kapag wednesday?"

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon