Chapter 27

96 1 0
                                    

ANDREA

"Mamili lang kayo ng gusto niyo. Akong magbabayad." Ani Tita pagpasok namin sa isang boutique.

Dumaretso sila sa kids section kasama si Aira. Nilingon ko naman si Xion na naupo sa isang couch malapit sa fitting room. Nasakanya parin si Aero.

Iniwan ko muna sila doon at nagpunta sa female section para mamili ng kahit isang dress man lang. Ang dami ko na kasing mga dress at damit. Karamihan nga sa mga iyon ay bago pa at hindi ko pa sinusuot kaya naman okay lang kahit isa muna ang bilhin ko.

Namimili ako ng dress ng biglang may isang lalaking tumabi sakin at kumuha ng kulay purple na dress.

Napaangat ako ng tingin sakanya para tignan siya sa mukha. Ang tangkad niya eh. At oh my gosh! Ang gwapo!

Nagbaba naman siya ng tingin sakin at nginitian ako. Hindi ko na tuloy alam kung anong reaction ko. Basta ang alam ko nakatulala ako sa kagwapuhan niya.

He snap his finger in front of me. Napakurap-kurap ako at natauhan saka siya unti-unting nginitian.

"Ay, hehehe. Bakit?" Awkward na tanong ko. Pinakita niya naman sakin iyong dress na kinuha niya.

"Ito sisteret! Bagay sa beauty mo!"

NGA NGA.

Literal na napanganga ako ng marinig ang arte at tinis ng boses niya.

"I-ikaw-" Utal-utal ko pa sanang tanong pero inunahan niya nako.

"Oo! Kalurke ka gorl! Akala mo isa akong fafa noh?" Umirap pa siya at maarteng pinaypay ang sarili gamit ang kamay niya. "Diyan ka nagkakamali. Hindi tayo talo, hindi ako tomboy!"

Hindi ako nakasagot. Nakanganga parin ako hanggang ngayon.

"Kalurke talaga. Baka kung anong pumasok sa bibig mo." Natawa siya at sinarado ang bibig ko. Inilagay niya sa kamay ko ang hawak niyang dress. "Oh, ayan! Sukatin mo yan ah? Thank me later."

Sa pagkasabi niya ng thank me later ay buong-buo na ang boses niya at panlalaki. Sinabayan niya pa iyon ng makalaglag panty na ngiti and he even wink at me!

Nakaamang ko siyang pinanood maglakad palayo habang kumekembot pa. Shock parin ako! Hindi makapaniwala sa nangyari!

Paanong ang isang gwapong katulad niya ay bakla?! Nakakaloka! Nagkatrauma yata ako bigla!

Nang dumaan siya sa harap ng mga sales lady ay biglang umayos ang tindig niya. Lalaking-lalaki na siyang maglakad.

Just wow. Tinatago niya pala ang kabaklaan niya. Kaya kahit sinong makakita sakanya ay hindi siya mapapagkamalang bakla eh! Pwera nalang kapag pumalantik na ang mga daliri niya at lumambot ang lakad niya!

Geez. I shivered. What i just witnessed? Nakakaloka talaga.

Napailing-iling nalang ako at tinignan ang dress na hawak. In fairness ang ganda ng taste niya.

Naglakad ako papunta sa fitting room. Nadaanan ko pa si Xion sa may couch na nakikipaglaro kay Aero.

Pumasok ako sa loob at sinukat iyong dress. And oh my! It really suits me!

Napangiti ako saka lumabas para ipakita kay Xion. Naagaw ko naman ang atensyon niya.

"Hmm, do i look okay?" I bit my lower lip. He stared at me.

"Mimi!" Aero clapped his hands and giggle. I smiled saka umikot.

"Do i look okay, baby?"

"Hmm. You look good in that." Xion answered and give me a smile. Napaamang ako. Omo! He smiled! He just smiled at me!

Pero mukhang hindi lang yata ako nakakita nun kasi narinig ko din ang mga mahinang tili ng ibang costumer at sales lady.

Napalitan ng ngiti ang pagkagulat ko. Nginitian ko pa ulit si Xion bago pumasok ulit sa fitting room para magpalit na.

Tita Cassie said that siya na ang magbabayad pero dumaretso parin ako sa counter at binayaran iyong dress bago naupo sa tabi ni Xion habang hinihintay sina Mama.

"Mom said she's the one who's going to pay." Kunot noong wika ni Xion.

"It's okay. I can pay for my self." I gave him an assuring smiled at bumaling kay Aero.

Kinuha ko si Aero sakanya saka pinanggigilan. Tawa naman ito ng tawa.

Thirty minutes pa yata kaming naghintay doon bago matapos sina Mama. Hindi naman ako masyadong nainip, ewan ko lang sa katabi ko.

Pumunta kami sa isang restaurant pagkatapos para kumain syempre. Lunch time narin kasi.

Buti nalang may baby high chair dito kaya inupo ko dun sa Aero at itinabi sakin. Binigyan ko siya ng fries sa magkabilang kamay habang sinusubuan ko din siya ng kanin.

Uminom ako ng tubig saka kinuha ang phone ko. Tinutok ko iyon kay Aero at kinuhanan siya ng picture.

"Aero, smile." I told him. Sumunod naman siya, tinaas niya pa ang kamay na may hawak na fries. Napahagikhik ako saka tinignan ang mga kinuha ko.

Napaangat lang ako ng tingin ng tawagin ni Tita ang dumaan na waiter. "Can you take a picture of us, please?"

"Sure ma'am." Ngumiti ang waiter saka kinuha ang phone ni Tita. Umayos naman kami saka nagpose sa camera. "One, two, three..."

*Shutters*

After naming kumain ay medyo naglibot libot pa kami bago umuwi. Knock out din yung dalawa dahil narin sa pagod. Naglaro pa kasi sila sa playground eh.

Nilapag ko ang bag ko sa may cabinet at napansin ang isang box doon. Oo nga pala. Hindi ko pa 'to nabubuksan.

Kinuha ko ang box at umupo sa may carpet na sahig. Binuksan ko iyon at nakita ang mga pictures nung birthday ko. Before christmas ay nabigay na'to nung photographer nung birthday ko pero ngayon ko palang binuksan.

Isa-isa kong tinignan ang mga pictures at hiniwalay ang mga pictures namin ni Xion. Balak ko kasing gawain itong scrapbook.

Kinuha ko din yung ibang pictures ni Xion na kinuhanan ko. Nung nagluluto siya, nung buhat niya yung bag ko at nung buhat niya si Aero. Pinadeveloped ko na kasi yung mga yun.

Pinakaunang nilagay ko sa scrapbook ay yung picture naming dalawa nung bata kami. Yung bigay ni Tita Cassie. Tapos sunod sunod ko ng nilagay. From then and now.

I designed them at binigyan pa ng caption ang bawat pictures. Talaga namang nagpuyat ako para tapusin ang scrapbook. I really want to remember and cherish every moment.

Nagtira ako ng isang picture. Yung magkayakap kami ni Xion habang nagsasayaw. May tatlong copies pa naman yun kaya okay lang.

Finrame ko iyon at nilagay sa bedside table ko katabi pa ng ibang picture frames.

Tinitigan ko iyon saka napangiti. I will cherish this forever.

A/N: New Character? *winks*

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon