"Pangeeet, ulo mo nalang nakikita ko imbes na yung blackboard!"
Isa lang yan sa napakaraming pang-aasar na natanggap ko mula sayo.
Mga pang-aasar na gustong-gusto kong marinig lagi sayo.
Oo kunware naiinis ako pero ang totoo kinikilig ako. Oo gusto kita. Oo mahal kita. Pero oo hindi mo yun alam. At oo umaasa ako na ganun ka din sa akin.
"The more you hate,the more you love. That's why I hate you because I love you."
Yan ang nag-iisang sinabi mong talagang nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Napakasaya ko nang marinig ko yan mula sayo. Natupad ang hiling ko. Hiling na sana mahal mo rin ako kagaya ng nararamdaman ko sayo.
Naging tayo pagkatapos nun.Yeah we're so inlove with each other to the point na umabot na tayo ng isang taon.
"1 year is not enough to show how much I love you. So let's make it forever"
Sa lahat ng mga pangakong binigay mo sa akin,iyan ang pinakatumatak hindi lang sa isip ko pati na rin sa puso ko.
Because of those words, I trusted you so much.
"Please let me explain."
Nang marinig ko yan sayo,parang gumuho ang mundo ko.
Okay na okay tayo eh. Mahal na mahal natin ang isa't isa.
Hindi ko alam kung makikinig pa ba ako sa lahat ng sasabihin mo pagkatapos kong makita na may kasama kang ibang babae.
Sabi mo walang kayo. Sabi mo kaibigan mo lang siya kaya ito ako naniwala sayo at hanggang ngayon nandito ako na nagpapaloko pa rin sayo.
"Akala ko ba ako lang."
Yan ang mga unang katagang lumabas sa labi ko ng makita ko ulit kayong magkasama.
Bakit kasi ngayon ko lang narealize na ang tanga ko at ang g*go mo.
Nasaktan ako,natural.
Kasi ikaw yung unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Ikaw yung unang lalaking minahal ko.
Ikaw yung unang lalaking nagpasaya sakin ng husto at nagpaiyak rin sa akin ng todo sa dulo.
"Sana masaya ka na,na hindi na ako. Sana masaya ka na kasama siya. Salamat kasi kahit papano naramdaman ko kung paano mahalin at maging masaya. Hinding hindi ko makakalimutan lahat ng mga bagay na ginawa mo sakin at gusto kong malaman mo na ikaw pa rin ang nasa puso ko."
----" Umiiyak ka na naman ba? Ang bakla mo tol!"
"Ganun pala talaga no. Kung kailan wala na yung isang tao sa tabi mo, dun mo lang malalaman kung gaano siya kahalaga para sayo."
"Bakit hindi mo puntahan ngayon?"
Handa na ba ako? Handa na ba ulit ako na makita ka? Pagkatapos ng mga ginawa ko sayo sana matanggap mo pa rin ako.
Huminga muna ako ng malalim bago sabihin ang lahat ng bagay na matagal ko nang tinagatago sa puso ko.
"Kumusta na Aera? Ang tagal kong pinag-isipan kung kailan ulit magpapakita sayo,pero ito na nandito na ulit ako. Gusto ko lang sabihin na totoo lahat ng pinakita ko sayo. Na minahal kita at hanggang ngayon mahal pa rin kita. Pero wala na kasi tanga ako. Hinayaan kong mawala sakin yung nag-iisang babaeng nagparealize sa akin kung gaano ako kahalaga.Pasensya na kung wala ako sa tabi mo nung mga panahong kailangan mo ako. Yung mga panahong kailangan mo ng masasandalan at mapagkukunan ng lakas. Yung mga panahong gusto mo ng sumuko. Yung mga panahong pakiramdam mong wala ng nagmamahal sayo. Pero lagi mong tatandaan na .... na nandito pa rin naman ako. Ikaw pa rin yung mahal ko kahit na hindi ko na sayo yun mapaparadam kasi wala ka na sa tabi ko."
Kasabay ng pagpatak ng luha ko ,ang pagbagsak ng ulan dahilan para mamatay ang mga kandilang sinindi ko para sayo.
Nalulungkot ka,kaya ba umulan ng ganito? Pasensya na. Sana kung nasaan ka ngayon ,mapatawad mo na ako. Mahal pa rin kita.
---WORK OF FICTION
YOU ARE READING
When the Pen Bleeds
RandomCompilation of one shot stories and poems that keep bugging me. Most of these were also posted in my fb account