FOUR- LEAF CLOVER

1 0 0
                                    

Ako y'ong tipo ng babae na mahilig maniwala sa mga swerte. Like sino ba naman ang tao na hindi gustong mamuhay ng naaayon sa lahat at walang malas na nagaganap sa pang-araw araw nila hindi ba?

" Oh si Madam Avi nandiyan na."

" Pahula nga po kung anong dapat kong iwasan ngayon para hindi ako malasin."

" Ano 'yang suot mong purselas Madam? Sabihin mo naman sa amin kung saan mo nabili 'yan para naman makabili rin kami at maging swerte."

Ilan lang 'yan sa mga panunukso ng mga kaklase ko sa tuwing papasok ako sa klase. Ako ang tinaguriang Madam Avi ng mga kaklase ko dahil daw kung ano-anong abubot ang nasa katawan ko para mailayo lang ang malas. Madalas ko rin kasi silang sinasaway kapag may mga bagay na alam kong pwedeng makaapekto sa pagiging swerte nila sa araw na 'yon lalo na pagdating sa pag-ibig.

But if you would ask me if I get insulted with all those words that they kept on blabbering, the answer is a big no.

I can't blame them if they don't believe in luck just like me. At isa pa, I do have my boyfriend who supports me for what I'm believing. Naniniwala rin ako na dahil sa mga bagay na pampaswerte sa pag-ibig ang naging dahilang kung bakit nagkaroon ako ng lalaking kagaya niya.

He even handed me the most amazing lucky charm that I ever had.

" Avi. I have something for you and I know you would love this." Vic said and showed me a four-leaf clover that was enclosed in a heart shape resin necklace.

" Is this real?" I asked, astounded.

He laughed. " Of course it is. Remember when my family went to Ireland? Nakita ko 'yan kaya pinasadya kong ilagay sa resin para ibigay sayo." paliwanag niya habang isinusuot sa leeg ang kwintas.

Hinawakan ko naman ito at tiningnan.

The four-leaf clover. It is very rare to find one of these because out of 10,000 three-leaf clovers, only one four-leaf would appear. They said that having this will bring you luck, hope, faith and love.

Sa lahat ng lucky charms na meron ako, iyon ang naging paborito ko. It was my favorite because the day after he gave that necklace to me, I found myself being so lucky in everything.

Nakakuha ako ng mataas na marka sa mga exams. Hindi ako nadapa sa harap ng mga estudyante sa canteen. Hindi ako pinagalitan ng nanay ko ng late na akong umuwi dahil sa group project namin at higit sa lahat, I still found myself being too much inlove with Vic at gan'on din siya sa akin.

Anniversary namin n'on kaya halos lahat ginawa ko para maging perfect ang araw namin. Bago umalis ng bahay sinigurado kong suot ko ang pulang bracelet na nagsisimbolo daw ng wagas na pagmamahal at iba pang mga alahas na may kahulugan, pati damit ko ay iniayon ko sa horoscope at syempre ang four-leaf clover na kwintas na bigay ng kikitain ko ngayon.

Paglabas ko ng bahay, bumungad sa akin ang maaliwalas na panahon. It was not too sunny and it wasn't raining. I guess, it was a good start.

Pagsakay ko sa tricycle hanggang sa makarating sa mall kung saan kami magkikita ay naging maayos ang takbo.

Paakyat na sana ako sa second floor n'on ng makasalubong ko ang bestfriend kong abot tenga ang ngiti. Siguro swerte rin siya sa araw na ito dahil sinusunod niya ang mga sinsabi ko sa kaniya.

" Steph. So far so good ba?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.

She was about to walked away when I noticed that she's wearing a necklace – just like mine. " Nice necklace Steph. W-Where did you get that?" Tanong ko at mabilis na pinasok sa loob ng damit ko ang kwintas ko para hindi niya makita na pareho kami. Wala kasi siya ng araw na binigay sa akin ni Vic yung akin kaya hindi niya alam ang tungkol dito.

Napatigil naman siya sa tanong ko. " I-Ito? Just someone. Lucky charm daw 'to at galing pa mismo sa Ireland." She briskly said and left me before I could say anything more.

Inisip ko na baka kay Vic din galing y'on pero agad ko rin 'tong inalis sa isipan ko. Bakit naman bibigyan ng boyfriend ko ng gan'on si Steph? At saka isa pa, imposible y'on dahil sobrang swerte ko ngayon. Hindi ako pwedeng malasin sa pinakamahalagang araw namin.

As I went upstairs and entered the restaurant, my eyes quickly caught Vic's presence. He was in the corner patiently waiting for me.

" Happy Anniversary Vic!" I exclaimed and he greeted me back as well.

" Avi, I'll go to the restroom first." Tumango naman ako.

I sat silently while holding the necklace when  Vic's phone popped up a message in messenger. Sinilip ko naman y'on at laking gulat ko nang makita ko kung sino ang nagchat sa kaniya.

It was Steph – my bestfriend – saying that she met me and even asked her where did she got the necklace pero buti na lang daw ay naitawid niya at sobrang ganda daw talaga ng binigay niya.

I felt how my blood rise because of anger. That jerk.

" Should I call the waiter to serve our food?"

Binigyan ko siya ng isang mapait na ngiti at saka tumayo sa pagkakaupo. " N-No. I gotta go Vic."

Mukha naman siyang nagtaka dahil sa sinabi ko. Knowing that it was our first anniversary, I should not be leaving to celebrate with him. " Why? May nangyari ba? It's our anniversary isn't it?" He asked with confusion.

" Y-Yeah it's our anniversary and I-I'm breaking up with you. T-Talagang sobrang swerte mo nga naman para magkaroon ng dalawang girlfriend Vic no? Was it because you found two four-leaf clovers and you gave one to me and the other one to my b-bestfriend?" Bago pa tumulo ang mga luha ko at bago siya magsalitang muli, lumabas na kaagad ako ng restaurant at dirediretsong umalis palabas ng mall.

Napansin ko na lang na nasa isang shed na ako ng terminal malapit sa mall na pinuntahan ko at hinayaang ilabas ang lahat ng luha ko. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng mga drivers at pasaherong nag-aabang ng bus at jeep because what I only know right now was I got fooled by my ex-boyfriend.

Tinanggal ko ang kwintas na nasa leeg ko.

Akala ko ito ang pinakaswerte sa akin pero mali ako. Mali ako dahil hindi naman pala totoo ang mga malas at swerte na 'yan. Dahil kahit anong gawin ko, iiwan at lolokohin rin lang naman pala ako sa dulo ng taong mahal ko.

Kung nagtatanong kayo kung saan ko dinala ang kwintas na inakala kong swerte sa buhay ko? Ayon, binaon ko na sa lupa kasama ng mga ibang bagay na konektado tungkol sa paano ko maitataboy ang mga hindi magagandang pangyayari.

The four-leaf clover that was considered to be a great lucky charm for those who have it seems to be not lucky for me – AT ALL.

In fact, I don't believe in luck anymore. Napagtanto ko na walang kinalaman ang lahat ng paniniwala ko sa kung anong mangyayari sa pang-araw -araw ko. Kung magaganap, then let it be.

Accept and move forward.

WORK OF FICTION

When the Pen BleedsWhere stories live. Discover now