HANGGANG DITO NA LANG TAYO

1 0 0
                                    

Nagsimula ang ating pagkakaibigan
Ng ikaw ay napadaan sa aming tindahan.
Bakas sa iyong mukha ang kapaguran
Pero hindi ka nagdalawang isip na ako'y ngitian.

Hindi ko sukat akalain
Na simula ng araw na iyon
Ikaw ay mapapasaakin
At ako ri'y iyong aangkinin.

Abot langit ang aking saya
Sa tuwing tayo ay magkasama.
Pagod ay iniinda
Ikaw lang ay masamahan saan man magpunta.

Ngunit walang permanente sa mundo hindi ba?
Kaya pasensya na kung bigla akong nag-iba.
Patawarin mo sana ako dahil hindi ko na kaya.
Ang ating mga pinagsamahan ay mananatili na lang alaala.

Sa aking paglisan
Tanggap kong ako rin ay iyong mapapalitan.
Dahil siguradong bukas
May bago ka na namang tsinelas.
---

Sana nga lang Havaianas. Tula ulit mwehe. All poems and stories that were posted here can be seen in my writing account in FB. Add niyo ko hahaha

When the Pen BleedsWhere stories live. Discover now