MAPALAD AKO

3 0 0
                                    

Biglang naaligaga sa balitang narinig at nakita.
Hindi rin natuwa dahil sa sinabing bawal na munang lumabas at magkita-kita.
Paano na ang aking pagsasaya't mga gala?

Hindi pwedeng lumabas?
Sige lang, ako na lang ay tatakas.

Halos malinis na kalsada aking natanaw.
Pero may isa na sa akin ay pumukaw.
Mga mamamayang nagkalat dahil walang tirahan at mga salat.

Sa aking pag-uwi
Isang aral din ang naiuwi.
Ako pa rin ay mapalad dahil may tirahan na iba'y hinahangad.
Ako pa rin ay nagpapasalamat dahil pangangailangan nami'y sapat.

Maghihintay na lang ako
Hanggang sa matapos ang krisis na ito.

Sana nga lang ay 'wag maubusan ng mga taong may mabuting kalooban
At handang tumulong sa ating mga kababayang kulang ang kakayahan.
--
It's very sad to think that there are still some who keeps on ranting about this situation that we're having right now. Like hey y'all, let us just be grateful and thank God because we are still surviving amidst this crisis. Let us just be grateful because we have a shelter to stay in and our stomachs are still full.

As we are still here stucked in our own houses, let us just continue to pray for everyone. Let our fears turn into faith 'cause God works in every challenges that we're facing.
---

Another poem hehe. So basically, kahit ano nalang na naiisip ko biglang isulat na maiksi lang will be placed here haha. God Bless!- tcbm



When the Pen BleedsWhere stories live. Discover now