XVIII. HINDI HADLANG

1 0 0
                                    

Muli kong sinuklay ang aking itim na buhok at inayos ang kasuotan bago dumiretso sa paaralan.

" Naomi. Are you serious? Kung ako sayo hindi na ako papasok. Tingnan mo naman yang uniform mo ang dilaw dilaw na."

Nanatili na lang akong tahimik at binigyan sila ng tipid na ngiti. Sanay na ako sa mga kaklase ko. Simula pa lang noon ako na ang tampulan ng mga masasakit na salita nila dahil sa buhay na meron ako.

Akala ko tapos na sila pero mas lumapit pa sila sa akin at saka kinuha ang bag kong hindi na gaanong itim dahil sa kupas na kulay nito. Nakatahi na lang din ang strap non kaya masasabi mong napakaluma na. Wala kasing pambili ang magulang ko kaya pinilit ko nalang na ayusin para magamit ko pa.

" Tapos ito pa, sigurado ka sa bag mo? Parang ilang henerasyon na dumaan dito ha." Dagdag pa ni Helena at saka sila nagpalitan ng malalakas na tawa.

Pilit kong inaabot sa kanila ang bag ko pero pinagpapasa-pasahan nila ito. Akmang bubuksan pa sana nila ito ngunit laking pasasalamat ko ng biglang pumasok sa silid ang aming tagapayo dala-dala ang aming mga sertipiko dahilan para magsibalik sila sa kani-kanilang upuan.

Ibinaba ni ma'am Andrade ang kanyang mga gamit sa mesang nasa harap ng klase at saka binigyan kami ng isang malaking ngiti.

" Alam nyo naman na ngayon ko ibibigay ang mga cards niyo kasama ng mga sertipiko sa mga nakakuha ng awards para sa huling kwarter ngayong taon diba? Kung ano ang award na makukuha niyo ngayon ay ganon na rin sa Graduation niyo sa isang araw. "

Nagsitanguan naman ang lahat sa sinabi ng aming guro. Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko. Ang iba ay mukhang aligaga dahil siguro sa kaba na nararamdaman nila. Samantalang ang iba naman ay tila wala lang paki kahit ano pang grado ang makuha nila.

Nagsimula na si ma'am sa pagbigay ng mga cards at certificates. Nanatili lang akong nakayuko dahil sa kabang nararamdaman ko.

Bilang isang estudyante na lumaking salat at walang marangyang buhay. Napakahalaga sa akin ng edukasyon dahil alam kong ito lang ang magiging daan para matulungan ko ang pamilya ko at para mapagamot ang nanay kong may sakit. Kaya lagi talaga akong nagpupursigi na mag-aral. Kahit na ang kandila lang ang nagsisilbing liwanag ko sa tuwing sasapit na ang gabi, hindi ako tumigil matapos lang sa pagrerebyu ng mga naisulat ko sa klase.

" Ms. Pineda." Marahan kong iniangat ang aking ulo at saka naglakad papunta sa harapan para kunin ang papel na naglalaman ng resulta ng paghihirap ko ng dalawang taon sa SHS.

Ngumiti si ma'am sa akin. " Palakpakan nyo si Ms. Pineda dahil siya ang may pinakamataas na grado sa lahat ng mag-aaral na STEM dito sa ating paaralan. Binabati kita Naomi. Pagbutihan pa sa kolehiyo ha "

Para bang nananaginip lang ako dahil sa narinig ko. Kahit na mga mapanghusgang mata ang binigay sa akin ng mga mapangkutya kong kaklase dahil sa sinabi ni ma'am, hindi ko na pinansin iyon dahil galak ang nangingibaw sa buong pagkatao ko. Ibig sabihin, isa na namang bagay ang napatunayan ko kahit na napakaliit lang ng tingin ng mga taong nasa paligid ko. Alam kong matutuwa sa akin sila nanay at tatay pagkauwi ko.

" Hindi ako tumigil magsumikap ng araw na iyon. Dahil alam ko sa sarili kong wala sa estado ng buhay para magtagumpay ka kundi nasa pagsusumikap mo. Napakadaming paghihirap ang nangyare sa buhay ko bukod sa mga katatawanang ibinato sa akin ng mga kaklase ko. Pero ang lahat ng iyon ay hindi naging hadlang para makamit ang bagay na meron ako ngayon. Kasabay ng pagpupursigi ko ay ang lagi kong paghingi ko ng gabay sa Itaas. Kaya nga ng dahil sa Kaniya, nandito ako sa harap niyo ngayon."

Iniikot ko ang paningin ko sa kung nasaan ako. Ang lahat ay nakangiti habang nakikinig sa kwento ng buhay ko. May mga iilan din na nagpupunas ng kanilang mata dahil sa kanilang mga nangingilid na luha.

Huminga muna ako nang malalim bago muling magsalita. " Kung ano man ang kinakaharap niyo ngayon. ' Wag susuko. 'Wag manghihina dahil hindi kayo nag-iisa sa pag-abot ng mga pangarap niyo. Andyan Siya." Dagdag ko habang itinuro ang daliri sa napakagandang langit. " At saka ang pamilya nyo na laging nakasuporta sa inyo. Muli, Binabati ko kayong lahat ng maligayang pagtatapos."

Kasabay ng pagbaba ko sa entablado ay ang malalakas na palakpakan mula sa mga taong nasa harap ko.

Isang dalagang babae ang sumalubong sa akin. Bukod sa mga mapupungay na mata at mapupulang labi, ang madilaw-dilaw na unipormeng nakailalim sa puting toga niya at ang sapatos niya halatang pabigay na dahil sa kalumaan ang nakakuha sa atensyon ko.

Para bang nakatayo ako sa harap ng dating ako.

" Doc! Nainspire po ako sa speech niyo. Mahirap lang din po kasi kami e"

Iniangat ko ang aking kamay at marahan na ipinatong sa ulo niya.

" Basta lagi mo lang tatandaan na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng mga pangarap ha. Dasal at tiyaga ang magdadala sayo sa kung ano ang gusto mo." Paalala ko sa kanya at saka tuluyan ng umalis para puntahan ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako sumuko-ang mama ko na payapa nang nagpapahinga. Sana nga lang nakikita niya ang lahat ng ito.
---

WORK OF FICTION

When the Pen BleedsWhere stories live. Discover now