HULI NA BA?

2 0 0
                                    

Iniangat ko ang aking ulo at saka pinagmasdan ang langit. Madilim ang gabi at tanging ang bilog na buwan lang ang nagbibigay ng liwanag sa buong kalangitan. Ang simoy ng hangin ay para bang tubig kapag madaling-araw dahil sa lamig na taglay nito.

Muli kong inilibot ang aking mata sa paligid ko at saka ibinaba ang itim na maskara sapat para matakpan ang buong mukha ko. Mula sa labas ng malaking bahay dahan dahan kong iginalaw ang aking paa at saka maingat na umakyat sa pader na nakaharang dito.

Matapos kong malagpasan ang harang na iyon. Mas lalo kong nasilayan kung gaano karangya ang bahay na ito. Mula sa mga babasaging bintana, mga pader na may ukit at disenyo pati na rin sa pool na meron sila, hindi malabong makakarami ako ngayong gabi.

Maingat ulit akong naglakad sa bandang gilid ng bahay na ito para pasukin ang silid na yon. Sinulyapan ko muna ang aking relo at saka huminga ng malalim.

Ang de 'slide' na bintana ang nagsilbing daan ko para makapasok. At nang magtagumpay ako, bumungad sa akin ang isang lalaki na siguro ay nasa edad labingtatlo ang mahimbing na natutulog. Kahit na hindi gaanong maliwanag, naaaninag ko pa rin naman ang mga kagamitan na nasa kwarto niya. Muli ulit akong naglakad papunta sa mesa niya at tahimik na kinuha ang laptop na nakapatong dito at isinuksok sa itim na bag ko. Pati ang relo, cellphone at mga bagay na sapalagay ko'y mapapakinabangan ko ay hindi ko pinalagpas.

Napaatras ako nang biglang gumalaw sa pagkakatulog ang binata. Swerte pa rin ako dahil hindi siya tuluyang nagising kaya bitbit ang mga dala ko, lumabas na ako sa kwarto nito.

Susubukan ko pa sanang pumasok sa ibang silid pero may narinig akong kaluskos mula sa itaas na palapag kaya mabilis na akong umakyat sa pader para lumisan.
---
" Kuya Kyle! Ang sarap naman ng almusal natin. May itlog, tinapay, hotdog, tocino at gatas! " Napangiti naman ako sa sinabi ng nakababata kong kapatid.

Hinawakan ko ang ibabaw ng ulo niya. " Oo naman. Para sayo talaga lahat ng yan."

"Sana laging ganito kuya" dagdag niya pa at saka sumubo ng tinapay. Hindi ko maiwasang malungkot habang pinagmamasdan ang kapatid kong sarap na sarap sa pagkaing ibinili ko galing sa mga nakuha ko kagabi. Simula nang maulila kaming dalawa, bihira na lang na makakain kami ng tatlong beses sa isang araw.

" 'Wag ka mag-alala Karl. Sisikapin ni kuya na palaging masasarap na kakainin mo. Hindi lang almusal, isama na natin ang tanghalian at gabihan."

Nang masilayan kong payapa nang nagbibigay ng liwanag ang buwan sa madilim na gabi at mahimbing nang natutulog ang kapatid ko, dali dali ulit akong nag-asikaso para bumalik sa malaking bahay na iyon.

Hindi ko akalain na kagaya lang kahapon ang madadatnan ko. Akala ko pagpunta ko ulit dito, magkakaroon na ng mga nakabantay na gwardiya pero nagkamali ako.

Mas mabilis na akong nakaakyat ng pader hindi kagaya kahapon. Maingat akong naglakad papunta sa kabilang bahagi ng bahay at doon naman naisipang kumuha ng mga mapapakinabangan ko.

Bumungad sa akin ang mas malaking kwarto at ang babaeng mukha nang nananaginip dahil sa himbing ng tulog nito. Sa tingin ko ay mga kasing edad ko siya base sa obserbasyon ko. Iginala ko ang aking tingin at isang malawak na ngiti ang nabuo sa aking labi. Sino ba namang hindi matutuwa kung napakadaming alahas ang makikita mo dito.

Bago pa makaramdam ang babae, sinimulan ko nang kamkamin ang mga bagay na ito at mabilis na isinuksok sa bag ko.

Hindi na rin ako nagtagal dahil baka matunugan ng kung sino man na may tao sa bahay nila kaya lumabas na rin ako ng kwarto niya.

Napatigil ako nang isang kaluskos na naman mula sa itaas na palapag ang narinig ko pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa para tingnan kung may nakakita sa akin.

When the Pen BleedsWhere stories live. Discover now