Chapter 2: Make a deal

641 25 11
                                    

this chapter is dedicated to: yssayaa


"but your games won't work on me no more, no, no...so tell me, what you want from me? 'cause I don't know what else to do...you still got me on the leash, and these chains, I can't break through"

Sanity by Lola Amour

______________________________

I am very very much frustrated right now. Hindi ko lang pinahahalata, lalo na kay Kuya.

Paano ba naman kasi! Ni kahit tingin hindi na ako ginawaran ng Calvin na iyon! Nakikipag-plastican na nga lang ako dito, eh.

Fake akong tumawa nang nagsitawanan sina kuya at ang barkada niya. I feel like out of place, pero palagi kong nire-remind ang sarili sa 'mission' ko ngayon at kung bakit ako sumama kay kuya dito.

Mission to accomplish: To piss Calvin off.

Because when I woke up earlier in this morning, I've already have this kind of feeling na parang hindi ako naka bawi sa huling sinabi niya kagabi. And knowing myself, I won't just let my guards down that quickly with no sweats.

Wala pang nakakatalo sa akin kapag ako ang nag laro.

But I can admit now that I am really having a hard time here. Lalo na noong napapansin ko talaga na umiiwas si Calvin banda dito. O di kaya ako lang ang iniiwasan niya.

"Yo! I wasn't informed, nandito pala ang dela Cuest sibs!" ani ni Kent na kakarating lang, ngumuso ako.

It's been what, 2 hours? Yet, wala pa akong nasisimulan o nagagawa!

Mga ilang minuto pa ay hindi pa rin ako nakakakuha ng tamang tyempo! Saan ko kaya ito susundan ng walang kung sino para walang hadlang sa mga planong gagawin ko.

Para akong mag pa-party nang nakita ko si Calvin na tumayo at nag paalam. Ano 'yon, yosi break? I smirked.

Hindi muna ako tumayo, imbes ay inubos ko muna ang can beer ni kuya. Sinipat niya ako ng masama pero agad din naman siyang na istorbo ng tropa.

I let one to three minutes passed before I stood up.

Kuya got distracted by my sudden move, agad ko iyon inagapan.

"Bathroom." I simply said, walang bahid na kung ano.

He nodded. Timothy was about to lead me pa, pero I declined. Hindi naman kasi talaga ako mag ba-bathroom.

Tumalikod na ako doon at dahan-dahang nag lakad habang iniisip kung saan ba iyon na sulok pumunta.

I checked the comfort room here in their second floor, walang tao doon.

Kagat ang labi ay nag lakad ulit ako at napunta sa entertainment room. I didn't have the chance to roam around my eyes, there's no sign of him kasi.

So I just decided to go down, pababa ay nakita ko ang sarili sa gilid ng salamin sa hagdan.

I stopped midway, I touched my not so short ash grey hair. Hanggang balikat ko lang ito, but it has a curly waves on it's tips. I tie it into a messy bun bago ako bumaba nang tuluyan.

Chi-neck ko ang common bathroom ng ground floor, bago dumiretso sa front yard para lang makita na walang kahit anino ni Calvin doon.

I inhaled, where on earth is he?

Umalis ako doon at dumaan sa living room, slightly hoping na nandoon na siya. But he wasn't there.

I was about to go upstairs, ng may naalala na meron pa akong isa na hindi napuntahan. I didn't expect him to be there, but what's wrong if we'll try right?

Playful Beats of Heart (Metro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon