Chapter 19: Ditch

423 15 21
                                    

Sinulyapan ko ang cellphone sa gilid lang ng aking dresser na umilaw. Siya na siguro iyon.

But, oh my! I am not yet done preparing! Hindi ko na lang muna pinansin at nagpatuloy na lang sa pagbibihis.

Lumayo ako sa salamin ng dresser at dumiretso sa isang full-length body mirror dito sa walk in closet ko. It's not small and it's not big, too. Pero wala na rin naman akong reklamo pa dahil alam ko naman na tama na 'to para sakin.

I turned around to fully see my look on the back. I'm wearing a short, black strappy backless dress, paired with my suede beige block heels.

Ngayon na lang yata ulit ako nakapag ayos para sa isang... well party? Hindi ko alam kung ano mismo iyon kaya pinili ko na lang ang casual at pwede sa kahit anong plano.

But maybe, am I preparing too much in here? Hindi naman kasi sinabi kung anong klaseng dispedida iyon.

Sinubukan kong e-pares ang black low cut boots sa aking dress. Umiling na lang ako sa sarili. Pinipilit ko na lang yata na maging bagay 'tong boots, eh alam ko naman na medyo off talaga.

Tsk. You couldn't really wear a damn heels now, huh?

Naninibago man sa ayos ngayon ay binalewala ko na lang din. This is how I dress before, anyway.

Alam ko naman na ang mga nakaraan ko na linggo ay naimpluwensiyahan lang ng isang tao sa kung paano ako manamit. Ginusto ko rin naman kaya nga nag pa impluwensiya ako, eh.

I couldn't just blame him. Infact, I like how he sports his look everytime with angst. I really like how he vibe his own style. Very manly. Parang hindi sa City nakatira. He's like someone in a Province, riding a horse. Topless, with full sweat on dripping in his shining moreno skin down to his...

Oh my gosh. Kung saan-saan na umaabot ang isip ko!

I checked my make up for tonight too. Binagay ko lang iyon sa plain black dress ko at hindi na sinobrahan pa.
Simple lang din at sinadya kong bagayin sa naka lugay kong buhok at sa kulay nito.

Also, I am not so sure if I'm a pro when it comes to this things. Naalala ko tuloy si Addie. Bakit hindi ko nga ba tinawagan iyon para tulungan ako sa pag make-up? Pero magtatanong siya kaya sakit sa ulo pa ang pag e-explain doon. At bakit ko nga ba pinaghahandaan 'to?

I sighed and raised my brow on my self reflection. My phone beeped again on the dresser. It's probably him. Lumapit na 'ko doon, kinuha muna ang isang bottle spray perfume at nag lagay lang sa wrist bago ko tuluyan dinampot iyon.

Calvin:

Are you ready?

Napataas ako ng kilay. Alas nuwebe pa ang usapan at ngayon pa lang mag aalas otso. Masyado yatang excited at maaga si Calvin para sunduin ako, ah?

I was about to text him that I am almost done at maghintay na lang siya sa baba nang makita ko pa ang isa at pang huli niyang message.

Calvin:

My driver is going to pick you up tonight. I'll wait for you in place, instead.

I frowned at his last text. Medyo napahiya ako sa pag-isip na nandito na siya sa baba at hinihintay na lang ako! So much for expecting, Draia.

Pero teka nga at bakit hindi siya ang susundo sakin ngayon? At driver niya pa talaga ang inutusan niya.

Why don't he do it by himself? Busy ba siya para hindi ako madaanan man lang dito ngayon? And he never failed to pick me up here in my house. Ngayon lang. Hindi naman sa responsibilidad niya akong sunduin pero siya ang nag insist na sumama ako sa kanya!

Playful Beats of Heart (Metro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon