"Mayor Fellizar!" hindi ko alam kung takot ba o hestirya ang tono ng pag tawag ni Mayor Ana pagkakita niya kay Calvin sa pintuan.
Binati rin siya ng tatlong lalaking buyer na kasama namin dito sa loob ng room. Hindi maipagkakaila ang mapanghusga nilang titig dito sa harap-sa akin kani-kanina pa.
"Good noon, Mayor."
"Mayor..."
"Ah..." awkward na tumawa si Mayor Ana.
Binalot ng katahimikan ang lahat. Ang isang Mayor lang yata ang sumusubok na paga'anin ang kung anong bigat dito sa loob.
"Pasok ka, Mayor..." si mayor Ana.
"Severe!" Tinea called Calvin in her girly tone.
Napansin kong matagal rin siya bago nakabawi nang makita si Calvin sa pinto. Napasunod ako ng tingin kay Tinea nang humakbang siya patungo kay Calvin.
She smiled but she was like hesitant to do her moves. Hindi siya tumuloy lalo na noong humakbang si Fellizar na tahimik, seryoso bago sinuyod ang loob na naka pa mewang.
"What are you doing here?" maliit na tumawa si Tinea. "I thought you have to attend this project in Cainta with Lolo?"
Nasulyapan ko si Attorney na tumikhim sa kinauupuan. She's watching her son and Tinea with her unreadable expression.
Nanatili naman ako na parang napako ang paa sa kinatatayuan. Dinig ko ang pagsinghap o kung ano ni Cj sa likuran ko pero mukhang hindi ko na iyon masundan dahil sa nangyayari.
I don't really know what exactly to feel right now, to be honest. Ang alam ko lang ay sobrang bigat na nitong pakiramdam ko sa ngayon na ni hindi na rumerihistro ang mga sinabi at mga sinasabi nila sa harapan ko.
Pinalis ko ang luhang kumawala saking mata. Sa kaloob-looban ay nagulat ako saking sarili. Nagulat ako na sa simpleng masasakit na salita pala ay makakaramdam ako ng ganitong klaseng bigat sa pakiramdam.
Na dati, kahit anong sakit at hindi ka aya-aya ang nangyari sa buhay ko ay nakuha ko paring bumangon at mag patuloy. I did not give up even when I am close to it, already. Ngayon ay masyado ko lang sigurong pinapahalagahan ang opinyon ng bawat tao sakin, lalo na ang mga taong malapit kay Calvin kaya ganito ako ka apektado.
I'm not a cry baby and I'd always say that I am not a fond of drama's in life. Kaya lang, minsan ay napakatraidor pala talaga ng mga luha. That even when you act and show them how strong and brave you are ay masasaktan at masasaktan ka parin ng hindi inaasahan. Na kahit gaano ka kalakas, mayroon at mayroon ka rin talagang kahinaan.
And, in my case, ayaw ko man sabihin na isa lang yata ang kahinaan ko pero parang ganoon na nga.
"Son..."
"What's happening, here?" nilamon ng malamig na boses ni Calvin ang pag tawag ng kaniyang ina sa kanya.
"Why are you still here, Severe? Hindi pa kayo naka alis ni Lolo? O baka naman kailangan kana roon kaya bakit kapa nandito?" Tinea was obviously trying so hard to shift Calvin's questions.
Imbes na balingan si Attorney at Tinea ay nilingon niya ang kaniyang sekretarya na nakasunod pala sa kanya.
"Anong nangyayari dito, Carry?" muli niyang tanong na may kaunting riin na ngayon dahil ni walang isang sumasagot sa kaniya.
"Ah, Mayor..." nag-aalinlangan ang kaniyang sekretarya.
Yakap niya ang tablet kung saan siguro naka document ang mga informations at mga kailangan ng kanyang amo, ni Calvin. Wala siya rito kanina kaya wala rin siyang masagot.
BINABASA MO ANG
Playful Beats of Heart (Metro Series #1)
RomanceMetro Series 1 of 3. (Completed) Draia dela Cuest only wanted to beat Calvin Fellizar. And so she asked him to play with her. With her full determination and overflowing confident, she never thought an any of consequences that will reflect right...