Nang makarating sa veranda at nakita na si Kuya ay agad ko siyang tinanong kung pwede niya ba akong ihatid sa pupuntahan namin ni Addie. Kahit naman na alam kong wala kaming usapan ngayon, 'yon na lang ang sinabi ko sa kapatid.
Damn it! Saan ako pupunta?
Nauna na akong bumaba at lumabas ng bahay ni Timothy. Hinintay ko na lang si Kuya sa labas ng fortuner niya. Hindi ko ata kakayanin kung maabutan at makita pa ako ng isang 'yon!
Nakita ko na si Kuya na pinatunog ang sasakyan. I immediately slid inside the moment he unlocked all his car doors. Medyo nagtaka na siya sa mga bilis ng kilos ko.
"Nagmamadali?" tanong niya pa pagkapasok.
I put my seatbelt on before I answered him.
"Not really," pero ang totoo ay gusto ko na siyang singhalan at sabihin na mag drive na lang.
"Sabi mo eh. Saan ka?" at nag drive na paalis ng village.
Honestly, I don't know! But I cannot just answer it to my brother! Baka mamaya ay iuwi pa ko nito pag nalaman niya na wala naman pala talaga akong planong puntahan at gawin ngayon.
I saw myself on the mirror. Para akong galit at balisang sisiw. Putek na 'to.
"Kuya, pa drop-off na lang sa nearest mall." hindi ko siya tinignan dahil kinukuha ko ang cellphone sa sling bag ko.
Hindi siya nakasagot dahil tumunog ang phone niya.
I put my phone on the dashboard because I feel like I need to retouch or something.
Nag press-powder muna ako before I put a tint on my cheeks and lips. Nakuha ko pang mag eyeliner at mag kung ano-ano pa. My hair fell down naturally the moment I removed the ponytail. Medyo nag ka volume pa iyon dahil sa pagkakatali na nagustuhan ko naman.
One to two spray lang ng fresh cologne ko and I'm done. There, better. Mas maayos, mas maaliwas.
"Yeah, I'll be back in 15," said by Kuya on the other line. "Hatid ko lang daw 'tong pasaway."
Wala akong gana na kuntrahin siya ngayon, kahit irap ay parang mabigat gawin. Kinuha ko ulit ang phone sa dashboard nang may na alala.
I open it and tap my messages.
Me:
Let's meet.
"Alright, pabalik na." si Kuya ulit at napatingin ako sa labas dahil nag park na siya. Yeah! Binaba niya talaga ako sa pinaka malapit na mall. Wait, sino ba tong kausap niya?
I was about to ask him when he ended the call. Tumingin siya sakin habang nagtatanggal ako ng seatbelt.
"You're with?" tanong niya na nagawa ko nang irapan. Pa ulit-ulit kasi.
"Ads, nga." iritado kong sabat. Lumabas na ako at sinirado ang pinto.
"Text me, alright." paalala niya at binuksan pa talaga ang bintana.
"Yeah," tango ko at kumaway na.
"Uwi agad." and he drove away. Maka pa uwi, kala mo naman birhen ang kapatid niya.
Pumasok na ako sa mall at tinignan ulit ang phone. There's no sign of reply from Addie, where the hell is that girl?
Me:
I'm in the nearest mall.
I texted her again. She ain't like this, you know. Kapag ako or siya ay isang text lang naman, okay na kaagad. We are not fan of texting, but I believe that it is really applicable especially in times like this.
BINABASA MO ANG
Playful Beats of Heart (Metro Series #1)
RomanceMetro Series 1 of 3. (Completed) Draia dela Cuest only wanted to beat Calvin Fellizar. And so she asked him to play with her. With her full determination and overflowing confident, she never thought an any of consequences that will reflect right...