Chapter 14: Ready

502 16 26
                                    

Sa pagkakaalam ko ay ngayong lunes na ang alis nina Kuya. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong guminhawa nang siya na mismo ang nag kumpirma sa akin.

Kuya Austin:

Pauwi na kami. Tell Avier or Kit to drive slowly and safely when you go back home.

Me:

Oh please, baka abutin kami ng siyam siyam niyan kung ganoon nga?

Kuya Austin:

Huwag mong balewalain ang bilin ko.

Me:

Fine, Lolo Austin.

I replied emphasizing that word.

Hindi ko alam kung nag o-over react lang ba ang Kuya ko o nagiging ubanin na siya kaya siya ganyan. Pero 'dun ako sa na una kasi medyo malayong- layong biyahe pa bago siya magka ganoon.

Though, I can't help but to smirked thinking about Kuya with his white old hair.

Wala pa sa tamang edad pero kulubot na ang noo kaka bantay at kaka saway. And it made me wonder, kung bakit ba kasi wala pa akong nakikita nitong mga nakaraang taon na girlfriend niya o kahit fling man lang? Mahanapan nga siya at nang hindi na lang puros ako ang binabantayan niya!

But I can't really imagine his girl, kung meron man, or his future girl kung wala pa. I mean, kawawa at masasakal lang siguro sa kanya 'yong babae pag nag ka taon kung ganyan siya ka stiff and strict. I bet thousands bucks for that.

Baka pati pagdating sa halikan siya pa rin ang masusunod? Siya parin ang boss, ganoon? Tsk, Kuya.

Kami naman ay bukas pa ang scheduled ng uwi kaya may isang araw pa talaga kami na malibot pa ang mga kilalang spots dito sa La Union.

Sa ngayon ay nag-aalmusal muna kami bago namin planong isa-isahin ang pwede mapuntahan para sa ngayong araw.

Hindi kasi kami nagkaroon ng oras kahapon dahil nasa dagat lang kami simula tanghalian hanggang sa lumubog ang araw. Bagsak din naman  kami buong gabi kaya sinabi nilang babawi nalang kami kinabukasan - ngayong araw.

Hindi rin ako maka function ng maayos dahil sa lumilipad lang naman ang isip ko sa nangyari nung umaga!

Wala kaming naging kibuan ni Calvin pabalik dito sa resort kahapon. Agad ko siyang iniwan nang makababa ako sa sasakyan niya dahil sa inis at halo-halong kong nararamdaman kapag kasama ko o magkalapit kami.

Nagtanong pa nga ang mga kaibigan ko kung saan daw ako nanggaling at sinabi ko lang na umikot-ikot lang ako sa resort.

Hell, I don't even know if they bite that lame reason pero lutang pa ako kaya hindi ko na naintindi 'yon.

Buti na lang at napag-alaman ko rin sa chismosong bibig ni Yao na nawala rin daw si Addie sa dalampasigan, kung saan ko siya naiwan kahapon. Kaya siguro hindi na rin ako napagtuonan ng pansin.

"Ah, I was in our room. Nahilo ako ulit kaya bumalik na lang a-ako," hindi makatingin na paliwanag ni Addie.

Kahit na magulo ang utak ay napakunot ang noo ko sa kaibigan. She look nervous and guilty. Or it is just me?

"Ang dami kasing ininom! Baka nakakalimutan mo na beach 'to, hindi bar, ha!" ani Yao na kinainis pa ni Addie lalo.

"I know, stupid!"

"Oh, tapos mahihilo at babalik ka sa kwarto mo."

"Pake mo ba?"

"O... baka naman may na bingwit kang foreigner dito? Kaya ka nawala na parang bula?" sa pang-aasar ni Yao ay mas lalong naging hindi komportable si Addie.

Playful Beats of Heart (Metro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon