"Do you already have a dress or do you want me to prepare it for you just, incase?" nakapamulsa nang tanong ni Yao sakin after he took a step backward and gave me my personal space he invaded minutes ago.
Hindi ako makasagot agad. I don't know what to say or even to react after he did that move. His excitement made me more so guilty or something. Hindi ko nga alam bakit ko 'to nararamdaman. And I just told him I'll think about it first yet he's asking me about this already.
"Uhm..."
"Okay, ganito na lang Drai," Yao bit his lip as he stared at me. He then tilted his head addorably. "Huwag mo na lang 'tong alalahanin, okay? It's all on me. Ako na lang ang bahala sa lahat. Your bag, your jewelries, makeups, shoes and dress. I invited you to be my date so I'll took care of everything that you need."
My lips parted at that. His soft eyes and expression is sparkling at the moment.
"Sigurado ka ba talaga, Yao?" I tried to chuckled to loosen what I am currently feeling. "You know, I don't really have any idea about this party. Baka mamaya mapahiya lang talaga kita doon..."
Yao frown a bit. Huminga siya ng malalim at tinanggal ang paghahalukipkip sa harap ko. Yumuko siya para pantayan ang tingin ko sabay hawak sa dalawa kong balikat.
"Why are you saying that, Drai? Ikaw ang niyaya ko kasi gusto ko. Bakit naman tayo napunta sa hiya? There's no way you will embarras me in there. At kailan ba kita ikinahiya, Drai?" tinaasan niya ako ng kilay.
Kumurap ako sa lapit niya. Yao is obviously taller than me. His height is just enough for his built and softessness. Matangkad talaga siyang lalaki pero hindi gaya kay... damn it! Mas lalo lang akong na gu-guilty sa kung ano!
I bit my lip. "Sino sino pa ba ang mga dadalo sa mga ganoong socialites?"
Lumayo si Yao para umupo sa high wood chair na nakalaan samin. He sat on Cj's space.
"The usual people who are in this field. Mga kakilala lang din naman at mga batikang arkitekto sa bansa," he shrugged as he cooly sitting. "Though, it's not that really big like the mainstream parties so you don't have anything to worry about."
Sinipat ko siya galing sa malayo. "Are you crazy? Kakasabi mo lang na kasama ang mga batikan tapos it's not that big?!"
He chuckled. "I swear, wala ka namang gagawin doon. Just be yourself and stay with me for the rest of the night then we will be good," sabay kindat niya.
As I look at him from afar, mas lalo akong nakukumbinsi na hindi ko nga kayang tanggihan ang matalik na kaibigan ko. Yao is been and still my one call away friend for how many years. I've known him since day one. Alam ko kung saan siya seryoso at hindi. I know he's driven to reach something in his life, and that is, his goal and passion for architecture.
I don't want to turned him down just because I am worried for something I didn't try yet.
Kung kilala ko si Yao, mas kilala ko si Calvin. He'll surely understand this one. I'll ask for his permission. I know that the moment I commited my self to him, alam kong may kailangan na akong respetuhin na opinyon. Not that I'll now depend all my decisions at Calvin but I am just giving him all his rights.
Huminga ako ng malalim. Nandito parin ako sa kinatatayuan ko. "When is this, Yao?"
Naka krus na ang mga braso niya sa dibdib at naka dekwatrong upo. "It's on the invi," sulyap niya sa hawak ko.
"Oh!" I chuckled. Hawak ko parin pala iyon at ang bigay niyang bulaklak.
"You have weeks to prepare. Don't panic," halakhak ni Yao sabay tayo galing sa wood chair.
"Pero Yao magpapa-alam-"
Umalingawngaw ang kung anong telepono. Suplado ni Yao iyong tinignan na galing pala sa bulsa niya. He looked at me as if asking for a permission to answer his phone call. Kahit hindi ko nakuha kung bakit pa siya nagpapa-alam ay tumango na lang ako.
"Yao, sagutin mo na. Baka importante," I dulge him when he still didn't answer.
I saw him lazily rolled his eyes as he tap his phone.
"Saglit lang 'to, Drai," senyas niya sakin.
"No problem."Busangot siyang lumabas. For minutes, I spaced-out a little. Masyadong madaming pumapasok sa isipan ko ngayon na may nakalimutan ako. Kampante ako kanina habang kausap si Yao pero nang nalingunan ko ulit ang pinto, saka ko lang ulit natanto na nandoon parin pala si Tinea.
Nilingon pa ako ni Yao pagkalabas kahit na nasa tenga na ang telepono. Mukha pa siyang nag-aalangan bago lumiko sa kaliwa at nawala.
Tinea's lips rose as she looked at Yao dissapear in her sight. Nasa kanan siya 'di kalayuan sa pintuan. Pumasok si Monai at Jenny na may mga ngiti at malisosyang tingin kaya naputol ang muntik na naming tinginan ni Tinea.
"Nasorpresa kapa rin ba, Drai? Ito kasing si Monai, hindi na zipper ang bunganga!" asik ni Jenny kay Monai sa harapan ko.
"Hindi ko naman sinasadya! Na excite lang ako pagkasabi ni Architect Yao na may maliit daw siyang surpresa kay Miss, Draia! Tsaka kinilig rin kasi hmp! Ang fresh lang ni Architect tapos bagets pumorma!" si Monai na parang nag de-day dream.
"Tanga! Bagets pumorma kasi bagets naman talaga si Architect! 'Di pa 'yon nag tre-trenta, oy!"
"Aray! Kanina ka pa kurot nang kurot sakin, ha!"
"Hindi kana kasi nahiya! Pati kaibigan ni Draia, pinagpapantasyahan mo sa umaga."
Tinignan nila ako. Monai wiggled her made brows at me. "Kaibigan mo lang ba talaga, Miss?" naputol ang hagikhik nilang dalawa nang may tumunog na takong.
Hindi ko na kailangang sabihin kung sino.
"Hi, Jenny and Monai!" Tinea sounded like a woman. She confidently walked her way toward us.
"Good morning, Miss!" si Monai. "Ay goodnoon na po pala, hehe."
Napatawa si Tinea doon at sinagot rin ang bati ni Jenny. Nasa likod ako ng dalawa pero kahit ganoon, matangkad si Tinea kaya kitang kita ko parin ang pagmumukha niya galing dito.
Her black long straight hair was down perfectly. Kahit ang hati sa gitna at ipit sa likod ng dalawang tenga ay pinong-pino. Her dimple showed up as she smiled sweetly at the two. May tinanong siya sa dalawa na sinasagot naman pero lumihis na ang tingin niya dito. Tinea gaze fixed on the gift that's on my back and to the flower that I am holding, before we finally made an eye contact.
"Aww. How's sweet..." she commented as she took a step forward more.
Napatabi ang dalawa kong kasamahan. Malaki at bulgar na nakabalandra ang ginawa ni Yao kaya malaya niya iyong sinuri na naka krus ang braso sa dibdib. It made her cleavage show up more now that she's wearing a blue off shoulder tight dress paired with a black six inch heels.
"These things are really cute..." pinasadahan niya ng kamay ang karton. "Is this one of your projects?" lingon niya sa dalawa na parang walang clue.
It didn't shock me how she acted. I stared at her with my blank expression.
"Hindi, miss. Regalo po kay miss, Draia..."
"Oh, I see..." Ngumuso siya at napataas ang dalawang kilay. "Anyway, it's been a long time, Draia," she finally looked at me.
Binalik niya ang braso sa dibdib at hinarap ako. She's on my left side. Nanatili akong tayo ang tuwid. I glanced at her. Hindi ko kayang makipag plastikan katulad ng matamis niyang ngiti ngayon.
"Kailan ka nakauwi?" hawi niya sa mahabang buhok at tinagilid ang ulo as she probed for an answer from me.
Nilapag ko ang bouquet sa lamesang sinasandalan ko saking likod. Doon rin naka hilig ang tagiliran ni Tinea.
"Month ago," malamig kong sagot na hindi siya sinulyapan. Inabala ko ang sarili sa paga-ayos ng gagamitin.
"Really? Buti naman at nakuha mo pang umuwi dito," she smirked. "And you work here, huh? Also a good thing I came to visit here. Kung hindi, hindi ko pa makikitang nagta-trabaho kana dito."
Natigil ako pero nagpatuloy din sa pag mix ng iilang kulay sa palette.
"Thanks for the time but are you really this active or just worried?" I glanced at her with a smirk too habang dahan-dahan kong hinahalo ang pula sa puting kulay.
I am not sure if she got what I meant. But if not, then should I enroll her again? I hide my smirk. Tignan mo naman ang kapilyuhang nakukuha ko kay...
"Uh, magkaibigan po pala kayo, Ma'am," si Jenny kay Tinea.
"Ofcourse. We were friends back then, Jenny," Tinea said as she gritted her teeth.
Umiling ako na natatawa. She started this calmly, now that I am too, bakit hindi niya pigilan ang kung anong galit? Not persistent, eh?
"Ang galing!" mangha na sabat ni Monai. "Di namin enexpect 'to maam, Tin!"
"Ay, hindi ba halata?" she smiled but she playfully rolled an eyes.
"Didn't know we were friends back then, Tinea," kibit balikat ko sabay sulyap sa likod sa dalawang kuryuso.
Pilit siyang ngumisi kina Monai pagkatapos. Her long neck slowly became red in irritation, though. She's literally a good two face bitch.
The last time we saw each other was in her house party where Calvin got shot. Now, she's here playing a role that we are sort of something. Nagtaka nga ako kung bakit hindi pa siya pumasok sa industriya ng mga artista. Galing umakto eh.
"Alam mo..." naningkit ang mga mata niya kahit may ngisi sa labi. "Wala ka man lang pinagbago, Draia."
Tamad ko siyang sinipat. If this is her way to pull a trigger, then calmness would only be my weapon. Kung noon, nagpapadala ako sa bigat ng nararamdaman, ngayon ay susubukan kong hindi na. To fight with unrational thoughts is useless. To fight with no class is too pity.
Tinea massaged her temple."I am so dissapointed. Paano ko nakalimutan na hindi ka nga pala marunong makisama?" umiling siya. "Hindi ka nga pala marunong makasalimuha kaya ka napagiiwanan."
Suminghap ang dalawa sa likod ko. Pinagpag ko ang hawak na brush sa hawak na lata. I started my outline. Lumapit si Tinea at pinatong ang kamay sa taas ng canvas ko. I raised my brow as I stared at her well made fake nails.
"Noon pa man ay naawa na ako sa iyo, Drai..." huminga siya ng malalim. She's just few inches beside me. "Pero mas nakakaawa ang mga taong maaring mapahamak na naman dahil sa pagbabalik mo."
"You really sounds like my comeback is a bigdeal to you, Tinea," tumaas ang labi ko.
Her eyes widened in amusement. Tumawa siya pagkatapos.
"Gosh! Ofcourse, it is! Concern lang naman ako sa mga taong binalikan mo dito, baka mamaya..." she gasped dramatically as she covered her wide red lips. "Ops... matanong lang pala. May binalikan ka ba?"
Ngayon hindi ko gusto ang tono niya lalo na kapag binabanggit niya na para bang may alam talaga siya sa mga nangyari. I raised a brow, though.
"May binalikan naman ako," kibit balikat ko. I didn't mean who I meant, though.
Bumaba ang titig niya. She lowered her gaze to glare at me secretly.
"Goodluck to them, then. Hope they won't get involve again with your stupidness and mess in the near future..."
Humakbang siya ng dalawang beses. "Because if I were you..." mahina niyang saad na kami lang ang nakakarinig. "Hinding-hindi na ako babalik dito kung saan nakakapamahak ako ng tao at sa lugar kung saan hinding-hindi ako magiging kabilang."
Sinubukan niyang hawiin ang buhok kong nakatakas sa mga gilid. I immediately caught her left wrist. Binawi niya ngunit hindi ko pa binitiwan.
BINABASA MO ANG
Playful Beats of Heart (Metro Series #1)
RomanceMetro Series 1 of 3. (Completed) Draia dela Cuest only wanted to beat Calvin Fellizar. And so she asked him to play with her. With her full determination and overflowing confident, she never thought an any of consequences that will reflect right...