Chapter 1

598 36 47
                                    

Theo's POV


Tinakbo ko ang madulas na sahig ng hallway, ang isa kong paa ay may sapatos at ang isa ay medyas lamang ang suot.

Hinihingal ako at puno ng pawis.

Napatigil ako nang may isang estudyanteng babae sa harapan ko. May tinitignan ito sa lupa, lumapit ako at nakita ang sapatos ko. Lumipat ang tingin ko sa babae habang magkasalubong ang kilay nito. Nanlaki ang mga mata ko nang sinipa nya iyon.

"Hoy!" I shouted.

Agad naman itong lumingon sa akin.

"Bakit mo sinipa yang sapatos ko? Mas mahal pa yan sa buhay mo, alam mo yon?" banta ko.

Itinago ng walang hiya kong kaibigan na si Kleo ang sapatos ko sa parteng ito, kaya naman wala akong kaalam alam kung ano na ang nangyayari sa mahal kong sapatos.

"Life is not equivalent to money," mala miss Universe na sagot nito at ngumisi.

Teka, she's familiar... Right! Sya yong sa class 4-01!

Bumuntong hininga ako. Sa dami dami ng pwedeng bumastos sa gamit ko, babae pa. The heck.

"Tignan mo loob ng sapatos," utos nya.

Kumunot ang noo ko. Wala akong nagawa kaya tinignan ko ang sapatos.

May daga. Tsk, daga lang pala. Ginalaw ko ang sapatos at lumabas iyon.

"Iresponsable kang lalaki, pabaya, walang kwenta, arogante, hindi--"

"Nah! Sumama ka sakin." Hinigit ko ang braso nya at kinuha ang sapatos.

Pumunta kami sa locker at kinuha ang isang pares ng sapatos. Hindi pwedeng hindi ako makaganti. Binigay ko sa kaniya ang sapatos.

"Isuot mo sakin yan," utos ko.

But her eyes stucked in my locker.

"B-bra.."

"Hmm?" Pinipilit kong intindihin ang sasabihin nya.

"Bastos ka talagang lalaki ka. Bra ko yan eh!" she shouted and grabbed the pink bra inside of my locker.

"Wh-what the—"

"Kaya pala nawawala yung bra ko nung PE class, kinuha lang pala ng manyakis." Tinignan nya ako ng masama at umalis.

"H-hey.. it's not yours.." nanghihinang bulong ko. "..wait! Hey! Sa ex ko yan! F-fuck!" Napasabunot ako habang tinitignan syang palayo.

No, miss class 4-01. Mali ka ng ginago.

---

"You're late, Mr. Gonzales," mataray na sabi ni Ma'am Rosie.

Napakamot na lang ako sa ulo nang lumapit sya sakin.

"You're 20 minutes late." Bumuntong hininga ito. "After this, go to my office," utos niya.

Buong discussion ay lumilipad ang utak ko sa nangyari kanina. Masyadong mabilis. Paanong sa kanya ang bra na yon? Sigurado naman akong hindi sila magka size, at isa pa, hindi ako napunta sa comfort room ng girls. She's crazy.

"Mr. Gonzales, why are you always late? According to your other teachers, late ka din sa class nila. Is there any problem?" tanong ni Ma'am Rosie habang nakaupo sa swivel chair nya.

Hindi ko alam kung sasagot pa ba ako. Well, if I will say my reason, she will ignore it and fight for her stand. I just want to sleep. At ngayong graduating na kami, dumadami ang requirements na ipapasa. Ayoko nang masabihan na iresponsable at pabaya ng lahat. Kaya nanatili na lang akong diretso ang tingin.

"That will result to a punishment," sabi ni Ma'am.

"Can I just go to class 4-01? Doon na lang ako hanggang maka graduate this year ma'am," sagot ko.

---

Yuna's POV

Nagla-last minute review ako para sa geometry nang may pumasok sa room. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Napaka manyakis nyang tao, aish.

"Oh good morning Mr. Gonzales, introduce yourself please," ngiting sabi ni Ma'am Julie.

Halos malaglag ang panga ko habang tinitignan syang pumunta sa unahan. Agad nya akong nahagip at tinignan ako ng nakakapanloko.

Hindi nya ba ako titigilan? Bakit sya nandito?
Aish. Lalong sumakit ang ulo ko. Nadagdag pa ang bulungan ng mga kaklase ko dahil sa biglaan nyang pagsulpot sa klase. Hinayaan nyang tapusin ang mga tsismisan at nagsimula ng magsalita.

"I'm Theo Gonzales, from Class 4-0, mula ngayon dito na ang classroom ko hanggang sa maka graduate. Nice to meet you all," ngiting sabi nya at tumingin sakin.

Napatungo ako ng ilang segundo at naramdaman ang presensya nya sa tabi ko. Blanko ang katabi kong upuan kaya dito na ang pwesto nya.

"Hey, Ms. Class 4-01," bulong niya.

Hindi ako lumingon, alam kong ako iyon pero nanatili akong nakatungo.

"Hoy!"

Agad kong nilayo ang balikat ko nang kuhitin nya ito. "Ano ba!" singhal ko.

"Miss me?" ngising tanong niya.

Umirap ako. Napaka manyak nya talaga kahit kailan. "Bakit ka nandito?" tanong ko.

"I'm that powerful," mayabang na sagot nya. "Ako lang naman ang anak ng dating CEO ng RST Company" mahinang sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko. "P-patay na yun ah?" Tinignan ko sya at napansin ko ang pagbabago ng reaksyon niya. "Sorry..." napabastos ako ng tanong.

"Nah. It's true. Ako naman pag sa legal na edad na," mayabang nyang sagot na parang wala lang sa kanya ang nangyari.

Sinimulan na namin ang quiz. Itinago na ng lahat ng notes at nagsipangalumbaba sa upuan. Ang karamihan ay humikab at ang iba ay huminga ng malalim. Panibagong pagsubok para sa lahat ang paganahin ang utak sa ganitong kaagang klase.

Habang nagsasagot, hindi ko maiwasan isipin na mayroon akong kaklaseng anak ng mayamang kumpanya noon. Pero hindi pa rin maaalis sa utak ko ang ginawa nya kahapon. Diniinan ko ang pagsulat sa papel at napahawak sa sintido.

---

Magisa akong kumakain ng merienda sa room. Hindi sa ayaw nila sa akin... ako ang may ayaw sa kanila.

Karamihan sa kanila ay mayaman at may kaya sa buhay, may nagkikinangan na porselas sa katawan, may nagkikintaban na sapatos at kakaiba ang pananaw nila sa buhay.

Mahirap lang ako. Ayaw kong makita ang mga kaklase kong pinagbubulungan ako tuwing pumapasok o tinatawag ng teachers.

Natapos akong kumain at napansin kong magkatabi si Theo at Matt sa upuan. Sabi nila, magkaibigan sila noon pa kasama na rin ang football player sa lower section.

Nahagip ng Matt, nakatingin ito sakin at ngumiti. Nagtataka man ako ay hindi ko na ito pinansin, sa halip ay naisipan ko na lang umidlip.

"Hi guys," nang marinig ang boses ni Theo ay umingay ang lahat.

"Nakita nyo tong sapatos na may ngatngat?" tanong ni Theo. Nagsimula ang paglakas ng mga bulungan

"Ningatngat lang naman to ng mabait nyong kaklase na nakatungo sa likuran."

Dali dali akong tumunghay at tinignan sya. Nakatingin silang lahat sa akin, ang iba ay natatawa pa. Napalunok ako nang magsimula ang asaran nilang lahat.




A/N:

May suot pong contact lenses si Yuna. Pero, what if, kung may mangyari? Dahilan para makalimutan s'ya ni Theo?

Thankyou po, keep reading po sana! I'm looking forward to your feedbacks po!

Her Blue Eyes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon