Yuna's POV
May katarungan ba sa hustisya? Sapat bang ipakulong lang ang isang tao buhay ang inalis n'ya? Unfair ba ang mundo o talagang gusto lang nitong makipaglaro?
Makipaglaro sa labang hindi mo alam kung paano...
Pero lahat ng iniisip ko ay nagbago nang marinig ang tinig ng korte. Lahat ng supporter, staffs, at reporter ay nakatuon lamang sa sinasabi ng judge. Nagdarasal na mawalan ng sala si Theo.
Nasa kabilang panig, naroon si Owen kasama ang abogado. Maraming inilagay na ebidensya ang panig n'ya ngunit walang patunay. Hindi ko masisisi si Owen, dahil noong una palang alam kong matibay na ang paniniwala n'ya.
"Napagalaman na nating walang sapat na ebidensya para patawan ng bitay si Gonzales." Si Theo ay nanatiling nakatungo, hindi inda ang kahit anong sakit pagkatapos mdischarge sa hospital isang araw pa lamang ang nakakaraan.
Hindi ko pa rin akalain na maaalala n'ya ako. Dahil kadalasan sa mga pasyente, nagkaka amnesia. Pero hindi naman ganoon kalala ang naging kondisyon n'ya para makalimot lalo — imbes ay naalala pa ang tungkol sa'min three years ago.
"Napatunayang walang sala si Gonzales sa krimen. Dismiss."
Napatakip sa bibig si Lucy na katabi ko. Kitang kita sa mga mata n'ya ang saya nang mapatunayang walang kinalaman si Theo sa nangyari. Dahil ngayon, naniniwala akong s'ya na ang hinahanap ng killer. Bumuntong hininga ako at ngumiti, hindi ko mapigilang tumayo at lumapit kay Theo para yakapin ng mahigpit.
"Sabi sa'yo 'diba?" bulong ko habang tinatapik ang likod n'ya. Matapos sabihin n'ya ang katotohanan labing isang taon ang nakakalipas. At lahat ng 'yon, tumugma sa napanaginipan ko — noong makitang naka handusay ang mama n'ya habang may nakatutok na baril sa papa n'ya.
Niyakap n'ya ako pabalik at tumango s'ya. "Because you're here."
Masaklap. Hindi ko alam kung paano n'ya nalagpasan ang trauma gayong 8 years old lang s'ya noon. Ngayon alam ko na ang dahilan sa pagkamatay ng mga magulang n'ya, ang kontrobersyal na balita 11 years ago.
Ang killer na lang ang s'yang kulang.
"Kung kakailanganin kong maghukay para maipakita sa kanila ang baho mo, gagawin ko. Theo, this isn't the last." Humiwalay ako sa pagkakayakap nang marinig ang boses ni Owen. Nasa harapan namin s'ya at puno ng galit ang mga mata n'ya — nagliliyab habang ang kamay n'ya ay nakayukom sa nararamdamang poot.
Tinignan ko s'ya at pilit na ngumiti, si Theo naman ay ngumisi. Sumingit naman si Lucy na biglang hinigit ang braso ni Owen, senyales na ayaw na nilang gumawa pa ng gulo. "Kuya, at first sinabi ko na sa'yo 'di ba? You won't win, tara na," mahinhing sabi ni Lucy, malayo sa kinasanayang malakas na boses.
Tinapunan muna kami ni Owen ng masamang tingin bago umalis sa court. Dahilan para mapahinga ako ng maluwag at tinignan si Theo saka binigyan ng matamis na halik. Mukhang kinagulat n'ya rin 'yon pero agad ding nakabawi at hinawakan ako sa baywang.
Nagsalo kami sa isang matamis na halik at umupo sa table kung saan s'ya nilitis kanina. Hindi ko maiwasang ngumiti sa pagitan ng paghahalikan at niyakap s'ya. Hanggang sa marealize ko ang mga matang nakatuon sa'ming dalawa.
Tumigil ako sa paghalik at dahan dahan silang tinignan. Mula sa mga staff na halos matanggal na ang mga panga hanggang sa mga reporter na walang tigil sa pagf-flash ng camera, ang ilan pa sa kanila ay nagsagawa ng Live. Nanginginig ang mga kamay kong ibinaba iyon at umayos ng tayo.
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Подростковая литератураStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.