Chapter 8

153 19 22
                                    

Yuna's POV

"Yuna."

Lumingon ako kung saan galing ang boses na 'yon. Tumakbo s'ya palapit sa'kin at umupo.

"Tara na sa room, 20 minutes mags-start na ang--"

"Ayaw ko," walang gana kong sabi.

"Wag ka ng magalala, suspended na si Matteo."

"S-suspended?" Ibig sabihin alam na ng mga teachers ang ginawa sa'kin ni Matteo?

"Sinabi ko kay Dean." Proud s'yang ngumiti sa'kin. "Sa graduation na ang balik n'ya."

Two weeks bago ang graduation. Sana hindi na lang s'ya maka-graduate pa.

Tumingin ako sa kan'ya. "Alam ba ng mga kaklase natin?" tanong ko. Umiling naman s'ya sa'kin.

"Mukhang wala pa silang alam." Bumuntong hininga ako sa naging sagot n'ya. Kakaibang Matteo ang nakita ko kagabi, pero sa tingin ng iba, anghel pa rin s'ya at inosente.

"Tara." Hinawakan n'ya ako sa braso at akmang hihilain ako patayo.

"Ayaw ko sabing pumasok!" Inalis ko ang braso ko sa kamay n'ya.

Bumuntong hiniga s'ya. "Fine." Inilahad n'ya ang kamay n'ya sa'kin. Nagtataka akong tumingin sa kan'ya.

Anong trip nito?

"Aalis tayo."

"S-saan tayo pupunta?"

"Eh 'di mag-gagala!" masayang sabi n'ya. Hindi na n'ya hinintay na kunin ko ang kamay n'ya, hinila agad ako nito palayo sa bleachers at tumakbo sa parking lot.

Hingal na hingal kami pareho. Napahawak ako sa tuhod habang naghahabol ng hininga. Pumasok naman agad s'ya sa kotse n'ya at ini-start ito.

"Sakay na!" habol hininga niyang sabi. Agad din naman akong sumakay at humawak sa dibdib.

"Baliw ka talaga! Dinaig pa natin ang magcu-cutting!" sabi ko sa kaniya nang paandarin ang kotse.

Tumawa naman s'ya at pawis pawisan. "Buti nga may mga napasok pang estudyante kaya hindi tayo nahalata."

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Hindi n'ya ako sinagot. Pagkaraan ng ilang sandali ay nawala na ang paghingal ko. Dumungaw ako sa bintana at pinagmasdan ang mga dinaraanan namin. Habang nagmu-muni muni, bigla kong naisip na baka sa mall kami pupunta.

Doon naman talaga napunta ang lahat kapag gustong gumala. Teka-- paano kung mahuli kaming naka uniform?!

"Hoy!" sigaw ko sa kan'ya.

"What?"

"Paano kung makita nila tayong nagcutting? Ha? Hindi na tayo nahiya, 'di man lang tayo nagpalit ng damit!" Napahilot ako sa sintido. Unang beses ko pa lang hindi a-attend ng klase na hindi alam ni Manang. At kung malalaman n'ya 'yon, patay ako. Lalaki pa ang kasama kong magcutting, si Theo pa talaga.

"It's fine. Eh 'di bibili tayo ng damit." Napaka gastador talaga n'ya. Sabagay, hindi naman namin aasahan na hindi kami a-attend ng klase.

Ang dalawang nasa honor list na graduating highschool student ay maggagala habang oras ng klase, at kami 'yon. Kasama ko ang isang iresponsable, pabaya, walang kwenta at arogante.

"We're here." Nasa parking lot kami, at hindi nga ako nagkakamali. Nasa mall kami. Iniwan namin ang bag sa kotse at dali daling pumasok sa loob.

Tumungo ako dahil baka may makakita samin. Mas okay ng makita ang uniform ng SYU kaysa ang pagmumukha namin ni Theo. Sinilip ko si Theo, diretso ang tingin n'ya at mayabang pa maglakad. Proud ba s'ya?

Her Blue Eyes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon