Yuna's POV
Habol hininga akong tumatakbo sa isang matarik na daan; sa disyerto na walang katapusan. Kusang ang mga paa ko ang mabilis na papalayo sa lalaking may hawak na kutsilyo.
Mula sa hindi kalayuan, nakakita ako ng kwebang pwedeng taguan. Kumaripas ako ng takbo at nagtago sa gilid ng mga bato.
"Anak, magpakita ka sa'kin!" Umalingawngaw ang boses n'ya sa buong disyerto.
Sumandal ako sa bato at naghabol ng hininga. Ilang minuto rin akong nagpahinga hanggang sa marinig ko ang yabag ng mga paa n'ya.
Dali dali kong tinakpan ang bibig ko para hindi marinig ang paghingal ko. Papalapit ang mga yapak n'ya hanggang sa...
Hinagis n'ya palayo ang bato na pinagtataguan ko.
"H-hindi pwede..."
Ngumisi s'ya at itinutok sa'kin ang kutsilyo.
Hinihingal akong bumangon habang hawak ang dibdib. Napapadalas na ang pagdalaw sa'kin ng hindi ko makilalang mga tao; para akong minumulto.
Sinuot ko ang contact lenses at agad na lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Tumingin ako sa orasan, 5 am na. Inubos ko ang laman ng baso at naglakad.
Sinalubong ako ni Theo na gulo gulo ang buhok at nakapantulog pa. Hindi ko maiwasang matawa dahil ang cute ng itsura n'ya nga'yon.
Inis n'ya akong tinignan. "Anong ngini-ngiti mo d'yan? Maligo ka na."
"Pero sir, magluluto pa po ako," sagot ko.
"Nah, sa office na lang."
Natigilan naman ako. Hindi ako sanay na maligo sa umaga ng walang laman ang tiyan 'no.
"Sige po, sir." Umalis na ako harap n'ya at pumunta sa cr para maligo.
Pumunta ako sa kusina ng nakabihis na. Suot ko ang isang pencil cut na skirt at white polo, dagdag pa ang ID ko bilang secretary ng CEO. Napaka big time ko talaga, tuwang tuwa nga si Manang.
"Sir, may gusto po b--"
Natigilan ako ng makita ko s'yang nagkakape. First time n'ya lang magtimpla ng sariling kape, at ang nakakagulat pa...
Inabot n'ya sa'kin ang isang mug na may laman ding kape.
Tinanggap ko naman 'yon. "S-salamat, pero sir sana sinabi n'yo na lang sa'kin para ako na ang nagtimpla," ani ko at humigop.
"Ang bagal mo maligo."
Halos mabuga ko ang kape nang sabihin n'ya 'yon. Ganoon na ba ko katagal maligo? Halos bilisan ko na nga ang pags-shampoo at pagsa-sabon.
"A-ah, mas bibilisan ko pa po next time..."
Ngumisi naman s'ya. "Bibilisan? Ang alin?"
"A-ang paliligo po," sagot ko.
Hindi naalis ang ngisi n'ya. Tumayo s'ya at nilapitan ako. "Yuna, you're so innocent."
Naiwan akong nakatulala sa kusina habang hawak ang kape, iniisip kung ano ang ibig n'yang sabihin sa mabilis.
Dinumog kami ng maraming tao at press sa labas ng kumpanya. Totoo nga ang sinabi n'ya; dadating ang araw na pagkakaguluhan s'ya ng maraming tao.
Pero nalalapitan pa rin kita, Theo. Sobrang lapit pa nga.
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Novela JuvenilStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.