Yuna's POV
"Zero po ma'am," sagot ni Theo. Tumayo ako ng nanlalaki ang mga mata.
"Ano?!" Lahat ay napalingon sa'kin.
"What happened Miss Montecillo?" Agad akong napalunok sa kaba.
Tumayo si Ma'am at lumapit sa upuan namin. Kumunot ang noo nito at huminga ng malalim bago kunin ang answer sheet ko. Napahawak ito sa sintido bago magsalita.
"Go to my office now," utos n'ya kay Theo.
Nagsalubong ang mata naming dalawa. Aish, sya pa talaga ang may ganang tumingin sa'kin ng masama? Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalabas sila ni Ma'am.
"Hey." Agad akong lumingon sa harapan ko. Si Matt.
"Hindi ka nga nya siguro titigilan." Nanatili akong tahimik at umupo.
"Gusto ka nya..." mahinang sabi nya dahilan para mapalingon ako agad. "...asarin." at tumawa sya.
"Pero kung interesado s'ya..." Tinaas ko ang isa kong kilay. "Mas interesado ako sayo." Napaiwas ako ng tingin, masyadong nakakailang ang sinabi n'ya. Umayos ako ng upo at hindi na iyon pinansin pa. Bumalik s'ya sa upuan nya nang magsimula na uli ang klase.
---
Naglalakad ako magisa sa parking lot ng SY University. Habang papauwi ay napabuntong hininga ako. Ang panget talaga ng buhay. Pagkatapos akong ipagtanggol sa conference, nagsimula na naman s'ya. Ayoko talaga sa ugali n'ya.
Sabi sa'kin ni Ma'am kanina, 10/10 ang score ko at nang-good time lang si Theo. Nakahinga ako ng maluwag dahil don. Akala ko bagsak na ako... Sisisihin ko pa naman ang sarili ko kung bakit hindi ako nag take notes.
"Hoy," tawag ng nasa likod ko. Ako lang magisa sa parking lot, kaya malamang ako ang tinutukoy n'ya.
"Ano na naman?" sagot ko habang diretso pa rin sa paglakad.
"Ang bigat mo pala 'no?" aniya at tumawa.
"Talaga?" Gusto ko talagang tumaba, sabi ni Manang medyo nagi-improve na nga raw ako dahil lagi na akong kumakain.
"Oo, nahirapan nga ang muscles ko, eh." Napatawa ako ng mahina.
"Edi mahina ka?" Pagaasar ko.
"Hindi ah," agad nyang sagot.
"Sabi mo, eh," ani ko.
"Hindi ka ba nagalit?" Tumabi sya sakin at sumabay sa paglalakad.
"Nainis lang... Akala ko zero talaga-"
"Hindi ka nagalit nang sinabihan kitang mabigat?" Tumigil ako at tumingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin na mas mataas sya sa'kin ng kaunti.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Seryosong tanong nya.
"Ha? A-ano, hindi ako nainis, gusto ko naman talagang bumigat," sagot ko na kinasalubong ng kilay n'ya.
"Hindi mo ba 'ko pipilitin magsorry?" Tanong n'ya.
"Eh 'di magsorry ka," ani ko. Wala na sa'kin 'yon, oo naiinis. Pero ang mahalaga ay ang nangyari kanina sa conference.
"Ayoko." Teka, pinipilit ko ba s'ya? Aish. "Ang ganda ni Unice 'no?" Biglang sabi n'ya. Kakalagpas lang samin ni Unice na nakapag palingon kay Theo, sa unang pagkakataon siguro. Tama, maganda s'ya. Si Unice ang pambato ng SYU pagdating sa beauty and brains. Kulang na lang ay sya ang mag endorse ng school.
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Подростковая литератураStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.