Chapter 24

106 7 0
                                    

Yuna's POV



Simula nang ibunyag ni Theo na isa akong maid ay lalong umapaw ang bulung-bulungan sa'min. Maraming nagtataka kung may relasyon ba kami.



Dahil isa raw na himala sa isang Theo Gonzales na mag-hire ng sariling maid at secretary na bata pa.



Imbes na maging proud ako sa sarili ko, lalo pang bumaba ang self esteem ko. Tama ang iniisip ko, kasunod ng lahat ng ito ay ang paglutang ng mga bashers.



"A slut poor bitch."



"Ano ba yan? Mukhang probinsyana lang at walang ka class-class maglakad."



"Don't expect na s'ya na ang hidden gem ng RST, lmao baka s'ya pa ang dahilan ng pagbagsak ng kumpanya ni President Gonzales."



Ilan lang 'yan sa mga nabasa ko sa social media. Marahan kong sinara ang laptop ni Theo at bumuntong hininga. Kahit ang mga staff sa RST ay ayaw nang magpatulong sa'kin.



Pero kahit ganon, pumila ang mga agency at pinagbuksan ako ng pinto ng Fashion industry (kahit hindi naman ako kumakatok). Sabog lahat ng e-mail ni Theo, at nagpapalakihan sila ng incentives o sweldo.



Kung tatanggapin ko 'yon, baka lalo na 'kong yumaman. Ang taas na nga ng sweldo sa'kin ni Theo dagdag pa ang pagpayag kong magpicture sa Thailand, tapos sasaluhin ko pa ang sweldo ng pagiging model?



Iniisip ko rin ang pagaaral ko.



Sa last day ko bilang secretary, nagpaalam ako sa lahat ng staff. Ang iba, lalo na si Elissa mula sa Marketing Department ay nalungkot. Wala na raw ang mabait na sekretarya na papayag na magpabalik balik sa elevator.



"Basta, h'wag mo kakalimutan mag-bra ha," bulong ko sa kan'ya.



Isang araw narinig ko ang mga lalaki naming staff, pinaguusapan nila si Elissa na kinakulo ng dugo ko. Hindi maikakailang sexy s'ya at lalo syang kinababaliwan ng lalaking staffs kapag bakat ang... Basta 'yon.



Lagi n'yang dinadahilan na maginhawa ang hindi pagsusuot ng bra. Parang hobby n'ya na rin pero hindi n'ya sinasadyang mangakit ng workmates.



Tumango s'ya. "Basta ha, promise dadalaw ka!"



Ngumiti ako. "Promise!"



Sa pag re-resign ko, nag ready na ako ng susuutin bukas. Dahil magsisimula na akong mag aral. Sariwa pa rin sa'kin ang pagkakapasa sa Accounting kahit maraming nagtest at kaunti lang ang slots.



Sumapit ang umaga, hinatid ako ni Theo papasok sa Adenile. Tuwing nakikita ko s'ya, lalo akong naco-conscious sa sarili kaya nag ipit ako ng buhok at nagpolbo. Nasa isip ko pa rin yung nangyari nang makauwi galing Thailand.



Ganoon pala yung pakiramdam ng mahalikan?



"I didn't know how hard is it to be working alone since you resigned," ani Theo habang papunta kami sa Adinile.



Ang bawat first day ng school year ang pinaka awkward lahat. Lalo na wala akong kakilala. Mukhang mayayaman ang lahat lalo na ang katabi kong babae.



Sa suot n'yang tshirt at jeans, kitang kita ko kung gaano s'ya kasexy. Ang haba rin ng hikaw n'ya at mukhang bagong rebond. Mapula rin ang labi pero maraming nunal sa mukha.



Hindi na ako aasang magkakaroon ako ng kaibigan rito.



Pero nang tumagal, may mga nakakilala sa'kin.



Her Blue Eyes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon