Chapter 31

104 5 10
                                    

Yuna's POV

Ipinutok ni Theo ang baril, maraming beses at nakakabaliw sa tenga sa tuwing gagawin n'ya iyon. Wala na akong nagawa kundi pumikit ng mariin habang s'ya ay nag eenjoy sa ginagawa. Balot na ng kadiliman ang langit pero hindi pa rin tumitigil sa ginagawa si Theo. Kalauna'y ibinaba rin ang baril at humarap sa'kin.

"We should practice tomorrow too."

Marahan akong tumango, ang magkaparehong palad ay nasa likod habang nakatungo. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na't ramdam kong nandito lang sa paligid ang killer, bawat segundo o minuto, nasa panganib si Theo. Hindi ko na rin alam sa sarili ko kung kaya ko ba s'yang protektahan.

Putok pa lang ng baril ay tumatalon na ang puso ko, kapag nakipag barilan pa kaya kami sa tao? Hindi ako masisisi, babae rin ako. Minsan masarap bumalik sa pagiging highschool, iyong walang kakatakutan maliban sa due date at grades ng major subjects.

Walang sabi-sabi'y pumasok ako ng bahay at umakyat sa kwarto. Hindi ko maintindihan, bakit parang kalmado pa rin si Theo at walang pag aalala sa mukha? Ah. Sabagay, nasa kan'ya na lahat ng pera, simpatya ng tao at walang mawawala sa kan'ya. Pumasok ako ng kwarto pero kakaibang lugar yata ang napuntahan ko.

Isang madilim na kwarto, malayo sa disenyo ng kwarto ko at madumi ang paligid. Maya maya pa'y may nagpakita sa'king lalaki, may hawak s'yang kutsilyo at unti unting tumingala. Suot ang isang ngising nagpapatayo ng balahibo at nagpapatalon ng puso ko. Ang kutsilyong hawak ay dahan dahang nagpadausdos sa mukha ko hanggang sa mapunta iyon sa leeg ko. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa bigat ng nararamdaman.

Diniinan ng lalaki ang kutsilyo sa leeg ko, masakit at nakakapagpahirap huminga. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan...

Bakit namumukhaan kita?

Hindi ako makagalaw, hindi rin makasigaw dahil sa sakit na nararamdaman. Ang kaya ko lang gawin ay pumikit habang ang mga luha ko ay isa isang pumapatak.

"Anak..."

Paulit ulit ang linyang iyon hanggang sa habol hininga akong bumangon ng kama. Madaling araw na? Bakit pakiramdam ko ang bilis lang ng oras... Dumiretso ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

S'ya nga...

Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya't bumaba ako at kumuha ng tubig. Tanging kalansing lang ng mga baso ang maririnig at ang mga yabag ng paa ko. Pinadausdos ko ang tubig sa lalamunan habang iniisip ang nangyaring panaginip. Pakiramdam ko totoo, pakiramdam ko... May sugat ang leeg ko kahit wala naman talaga.

Nang maibaba ko ang baso, nakaramdam ako ng tunog ng isang taong palapit sa'kin. Agad akong napangiti dahil alam kong si Theo iyon, kaya't humarap ako ng pagkasigla sigla.

Pero ang ngiti ay unti unting nawala nang tumambad sa'kin ang isang pamilyar na lalaki. Walang ano-anoy narinig ko ang pagbagsak ng isang baril mula sa kamay n'ya dahilan para mapatili ako sa takot, ang mga mata nito'y nakatitig sa'kin. Ako ay napahawak ng mahigpit sa upuan, ang mukha n'ya ay may halong pagkalito at pagkagulat.

Totoo nga ba lahat ng nangyayari sa panaginip?

"B-bakit gan'yan ang mga mata mo..." Isang malalim at basag na boses mula sa matanda.

Napangisi ako. Minsan talaga may mga taong pinanganak na swerte -- katulad ko. Tinignan ko s'ya ng mabuti sa mata habang hinihintay na makita ang sarili sa kan'ya, pero bigo ako nang ang makita ay isang itim na mata.

"Bakit h-hindi gumana sa'yo?" Gulat at nalilito kong tanong. Lalong humigpit ang hawak ko sa upuan, gusto ko mang sumigaw ay parang wala akong lakas. Hindi na ito isang panaginip.

Totoong buhay, totoong tao.

Magkapareho sila.

"Anak..."

Halos lumaglag ang puso ko nang marinig ang sinabi n'ya. Ang taong lagi akong hinahabol sa panaginip ko, ay nasa harapan ko na. Hindi ko magawang maisip, na ang killer...

Ay ang sarili kong ama.

Hahawakan n'ya sana ako sa mukha nang makarinig kami ng boses at yabag ng paa ng paparating.

"Hwag mong hahawakan ang lahat ng pag aari ko," madiin na sabi ni Theo. Umangat ako ng tingin habang ang matanda sa harapan ko ay napaharap sa kan'ya.

Tumawa ito na parang loko loko. "Ikaw pala, magandang umaga. Sir Theo." Tumawa ulit ito at pinulot ang baril na nilaglag, dahilan para hablutin ni Theo ang baril mula sa bulsa ng pants.

"Sabi ko nga ba ikaw ang lalakeng iyon."

Ramdam ko ang mataas na tensyon sa dalawa habang ako ay nanatili sa kinatatayuan. Gulat at mabigat pa rin ang dibdib, para itong malalaglag pero kailangan kong maging matibay. Bago pa may mangyaring masama.

"Theo," mariin kong tawag habang magkaharap sila, nakatutok ang baril sa isa't isa. Lumingon s'ya sa'kin. "...tatay ko s'ya."

Bahagya s'yang natawa, may halong uyam at nanatiling nakatingin sa lalaking nasa harapan n'ya na para bang nagdududa. "Bakit? H'wag mong sabihing na hypnotize ka ng gagong 'to?"

Napatungo ako sa tono ng boses n'ya. Minsan may mga bagay na mahirap paniwalaan, at kahit alam kong nangungulila ako sa isang magulang, alam kong totoo ang lahat. Unti unti ko nang nabibigyang kasagutan ang lahat.

"Hindi mo na ba ako natatandaan Gonzales? Mukhang inosente at wala ka pang ka-muang muang ng huli tayong magkita," ngising sabi ng matanda. Si Yenxien.

"Walanghiya ka," nanggigigil sa galit si Theo at lalong hinigpitan ang hawak sa baril, handa na para paputukin na nagpakaba lalo sa'kin. Humakbang ako ng kaunti palapit sa kan'ya para sana amuin.

"Kung sana... Kung sana pinayagan ako ng ama mong makipag partners sa kan'ya, eh 'di sana NAKAPILING KO NG MATAGAL ANG ANAK KO!" sigaw ni Yenxien na nagpagulat sa'kin, sa amin ni Theo. Muntik na n'yang mailaglag ang baril ngunit huminga s'ya ng malalim at pinatatag ang loob.

"LAHAT NG KAMALASAN NANGYARI SA BUHAY KO! LALONG LALO NA DAHIL SA INYONG MGA GONZALES!" Pagkatapos sumigaw ni Yenxien ay bigla s'yang tumawa. "Kung pumayag lang sana ang traydor mong ama, kasal na sana kayo ng anak ko. Did you imagine that? Yuna Albaro Gonzales, does it fit hijo?"

Nagumpisang tumulo ang mga luha ko, hindi ko akalaing may malalim na dahilan pala kung bakit n'ya pinatay ang mga magulang ni Theo. Nagumpisang bumalik sa'kin ang unang beses na mapanaginipan ko iyon, ang eksaktong pangyayari kung paano n'ya ginawa ang krimen. Si Theo ay nanatiling pinipigilan ang sarili habang mahigpit na hawak ang baril.

"Pero bakit..." Bumuga s'ya ng hininga. "Bakit kailangan mo pang patayin ang mga magulang ko? Alam mo ba kung gaano kasakit? Kung gaano kahirap lahat ng pinagdaanan ko?" Kalmado ngunit basag ang boses n'ya nang sabihin iyon.

Hindi ko mapigilang maawa. Si Yenxien naman ay ngumisi at lalong lumapit kay Theo. Humakbang ako ng dalawang beses para pigilan ang nagbabadyang krimen, pero alam ko, hindi ko kayang pigilan ang mangyayari sa kanila.

"Dahil dapat lang yon sa'yo, Theo. Kung kukunin lang rin ng kung anong engkanto ang asawa ko, at hindi ko kayang buhayin ang anak ko, dapat lang na mangyari yon sa'yo. Bakit? Masama bang gumanti?" Ngising sabi ni Yenxien na lalong kinatalim ng mga mata ni Theo.

"WALANGHIYA KA!"

Rinig mula sa dalawa kong taenga ang pagputok ng baril ni Yenxien. Walang ano ano akong tumakbo papunta sa harapan ni Theo, at agad ring bumigat ang paghinga nang maramdaman ang mainit na bala mula sa katawan ko. Isang putok ulit ng baril ang narinig ko patungo kay Yenxien, pero nadaplisan lang ito dahil sa pagkakadagan ko kay Theo.

Bumigat ang mga mata ko at tuluyang humandusay habang si Theo ay napaupo, nakaalalay sa ulo kong muntik nang mauntog sa malamig na tiles. Ininda ko ang sakit sa tiyan, kung saan ako naputukan ng baril. Hindi ko na kayang imulat pa ang mga mata, at kahit pilit na ginigising ni Theo ay hindi na ako kumibo pa.

Hindi ko na kaya.

Her Blue Eyes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon