Yuna's POV
Malakas ang kalabog ng pinto. Paulit-ulit. Hindi ako makahakbang para buksan ito dahil sa nararamdamang takot, at pangamba. Sa tuwing kumakatok ang taong iyon, o kung demonyo man ay tumatalon ang puso ko. Nanatili lamang akong nakatingin sa pinto habang nagdadalawang isip sa gagawin.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang pinutukan n'ya ng baril ang pinto, dahilan para lumusot iyon sa loob. Mabilis akong nakaiwas at hindi napigilang mapahawak sa dibdib, puno ako ng takot. Walang ano-ano'y binuksan n'ya na ang pinto, at nakita ko s'yang nakangisi.
Gusto kong sumigaw, nanginginig ang mga tuhod ko pati na rin ang kamay at napayakap sa sarili. Pumasok ang malamig na hangin sa bahay. Itinapat n'ya ang baril na ginamit n'ya kanina, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, napunta kami sa kakaibang lugar.
Isang malaking kwarto na walang kagamit gamit. Tinignan ko ang paligid at walang katao-tao maliban samin, lalo akong kinabahan at hindi alam ang gagawin.
Nakangisi pa rin s'ya na lalo kong ikinatakot. Madiin ang hawak n'ya sa baril, handa na iyong iputok. At para bang bumagal ang lahat nang makita ang paglabas ng isang maliit na bala, narinig ko ang pagtawa n'ya ng malakas na parang baliw. Nakita ko ang sarili kong nabaril sa noo.
---
Binuksan ko ang mga mata, nasa living room kami at bukas ang TV. Nakahiga ako sa mga hita ni Theo, ramdam kong haplos haplos n'ya ang buhok ko habang siya'y nanonood. Nakaupo s'ya sa sofa habang ako ay natutulog, at ngayo'y gising na.
Tinignan ko ang suot kong singsing, at pinagmasdan kung gaano nagdadagdag ng kagandahan sa kamay ko iyon. Malalim akong napabuntong hininga at umunat. Napansin ni Theo na gising na ako at ngumiti s'ya. Gabi na at tanging ilaw lang mula sa TV ang gumagabay para makakita.
"You seems tired, bakit na-late ka yata ng uwi kanina?" tanong n'ya na ikinaiwas ko ng tingin.
"Ah, yun ba... May project kasi kaya nagmeeting muna kami ng kagroup ko." Naalala ko na naman ang naging paguusap namin ng nanay ko. Hindi pa rin ako makapaniwala, at kung magisa lang ako ay baka mabaliw na ako kakaisip.
"Hmm." Tumango s'ya. "You're hungry?"
Tinignan ko ng mabuti ang mga mata n'ya, pinipilit na itago ang nararamdaman kong lungkot. Hindi ko namalayang haplos ko na pala ang pisngi n'ya, namumuo na rin ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko. At bago pa makahalata si Theo, umupo na ako sa sofa, nakatalikod ako para hindi n'ya na makita ang luhang tumulo sa pisngi ko.
"Why are you crying? Nanaginip ka na naman ba?" Nagaalalang tanong n'ya. Umiling lang ako habang pinupunasan ang luha gamit ang sariling kamay. Nakwento ko na kasi sa kan'ya ang tungkol sa mga panaginip ko noon pa.
Sana nga Theo, panaginip na lang ang lahat.
Pero may mga bagay talaga na magpapamulat sa'yo sa realidad. Isasampal ng paulit ulit hanggang sa masaktan ka — mamanhid at mabaliw.
Tumayo ako at pinigilang mabasag ang boses. "Magluluto na ako ng--"
"Let's eat. I ordered earlier."
Hindi ko nagawang humarap, makikita n'yang namumugto ang mga mata ko. Kaya dumiretso ako ng bathroom, naligo muna bago kumain ng hapunan. Pasado alas otso na at nakaramdam na ng antok habang nanonood ng TV sa salas, napagpasiyahan kong magpaalam na kay Theo. Busy naman s'ya sa pagla-laptop kaya mabuti na ring magpahinga na ako.
"Theo, didiretso na ako sa kwarto. Hwag mo kalimutan inumin yang gatas, h'wag ka rin masyado magpagod." Tumayo ako at nilagpasan na s'ya.
Pero nagawa n'yang hilahin ako sa braso kaya napatingin ako sa kanya. Nagkatinginan kami at bumuntong hininga s'ya. "If there's something that's bothering you... Let me know, okay?"
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Teen FictionStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.