YUNA'S POV
"Don't worry, pag aaralin kita."
Napatigil ako sa paggagayat nang marinig iyon.
Tumingin ako sa kaniya. "S-seryoso k-- seryoso po ba kayo?"
Muntik ko nang makalimutan na amo ko s'ya at hindi isang kaibigan lang.
Ngumiti s'ya at tumango. "Yes, I am. As long as you cook for me, and clean the house, no problem."
Halos mapatalon ako at ang puso ko sa saya. "S-salamat po!" ngiting sabi ko.
Pakiramdam ko ang Theo na nakikita ko ngayon ay isang matured at matinong lalaki. Istrikto nga lang at mapili.
"What's your course?"
Bumalik na ako sa pagluluto. "Accounting po."
Malayo ang naging course ko sa mga nahiligan kong subjects noong highschool tulad ng Science at History. Pero nagiba ang ihip ng hangin, bigla na lang akong ginanahan sa Math.
"Woah, really?"
Tumango ako. Narinig ko naman s'yang tumawa at nagsalita.
"Seems you really like Math before. Dati, hindi na ako nangarap dahil sa pagiging CEO lang din naman ang kalalagyan ko."
"P-pero magaling ka naman sa pag handle ng business mo," sagot ko at isinalang na ang mga gulay.
Tumawa s'ya. "Mukhang sikat na sikat ako ah."
Kadalasan, hindi naman talaga matunog sa balita ang mga kumpanya pero ibahin natin si Theo. Dahil sa kanya, naging matunog lalo sa balita ang RST Company.
Biglang tumunog ang phone n'ya.
"Yes, hello?"
Hindi ko marinig ang sinasabi ng tumatawag. Pero biglang tumawa si Theo.
"Pfft. Really? Oh no. I have no time for showbiz."
"Bakit? Pogi naman ako. Alam kong marami ang kukuha sa'kin sa entertainment industry, dagdag pa na magaling pa akong maghawak ng kumpanya."
Natigilan ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan ang bawat pinagusapan namin bago n'ya ako nakalimutan.
Kung hindi n'ya sana nakita ang mga mata ko, malamang ay pinagyayabang na n'ya sakin ang mga narating n'ya. At pinapamukha sa'kin na tama ang hinala n'ya sa future n'ya.
"Alam kong pogi ako, Ruel. Pero that time will come okay?"
That time will come? Balak n'yang mag artista?
"Sure, sure. Thankyou, bye." Nang maputol ang linya ay bumaling s'ya sa'kin.
Lumingon ako sa kaniya.
"Lagi nila akong inaalok sa mga tv projects kahit alam nilang wala akong workshops. They're funny," aniya habang nakangiti sa'kin.
"Basta kasi pogi kukunin nila." Hindi ko napigil ang bunganga ko.
N-nasabi ko bang pogi s'ya?
At isa pa...
"Bakit parang kung kausapin mo ako, kaibigan mo lang ako?"
"S-sorry po, sir." Tumungo ako sa pagkahiya.
Bahagya s'yang natawa. "That's fine. Sinabihan mo naman akong pogi, eh."
Halos lumuwa ang mga mata ko nang kinindatan n'ya ako at ngumiti. Iniwas ko ang aking tingin at bumaling na sa niluluto.
"Alright. Mukhang mabango ang niluluto mo. I'll just go outside."
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Подростковая литератураStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.