Yuna's POV
Dahil sa pag-ambon, nabasa ang mga damit namin kaya bumili si Theo ng panibagong damit. Binili n'ya ako ng white dress. Kumain din kami sa restaurant bilang hapunan. S'ya lahat ang sumagot sa lahat ng gastos, masasabi kong swerte ako ngayong araw. Isa lang namang mayamang CEO ang naka-date ko.
Madali kong nabago ang usapan namin kanina nang sabihan n'ya akong maganda. Masyadong nakakapanibago at nakakailang. Si Theo? Sasabihan ako ng gano'n? Malamang nasapian lang s'ya ng engkanto. Nadala lang s'ya ng emosyon dahil sa ganda ng view kanina.
Nakaramdam ako ng pagod at sumandal sa balikat ni Theo. Na'ndito kami ngayon sa Highland Garden, nakaupo sa bench at tinitignan ang paglubog ng araw.
"Matutulog ka?" tanong nya. Umiling naman ako at pumikit.
"Theo," tawag ko sa kan'ya. Naramdaman ko namang lumingon s'ya sa'kin. "Ayaw kong malimutan mo 'ko."
Hindi ko man alam kung saan galing, biglang lumabas iyon sa bibig ko. Bigla akong nakaramdam ng takot dahil baka makita n'ya ang sikreto ko. Hindi ko kaya... Ayaw kong makalimutan.
Ilang minuto ang lumipas at padilim na ng padilim, inihatid n'ya ako sa bahay. "Salamat," ani ko at kumaway bago pumasok.
"No problem," ngiting sagot n'ya.
Pinaharurot na n'ya ang kotse habang ako naman ay sinalubong si Manang sa loob. "Oh, saan ka galing?"
"M-may pinuntahan lang po." Umiwas ako ng tingin at umupo ako sa kusina habang hinahain na n'ya ang pagkain.
Hindi makakaila na tumatanda na si Manang, pero hindi pa rin n'ya itinitigil ang pagiging yaya. Tinitigan ko s'ya hanggang sa makaupo na ito at magsimulang kumain.
"Manang..." Lumingon naman sya sa'kin. "S-sino ba talaga ang mga magulang ko?" Nagsimulang bumilis ng tibok ng puso ko. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong alam ni Manang ang tungkol sa kanila.
Umiwas s'ya ng tingin. "Matagal ko ng naikwento 'yun sa iyo, anak."
"Manang..." Bumuntong hininga ako. "Kilala n'yo po ba sila?"
Matagal ng misteryo sa'kin kung sino ang mga magulang ko. At hindi ko alam kung paano, o saan ko namana ang ganitong klaseng mga mata.
"Iniwan ka lang sa kalye, Yuna." Tumigil s'ya sa pagkain at tinignan ako. "Bakit mo naman naitatanong 'yan, anak?"
"Ang pangalan ko? Saan po nanggaling?"
Bumuntong hininga s'ya. "Nang makita kita noon, nakalagay na ang buong pangalan pati na rin ang birthday mo."
Paanong nangyari iyon... Bakit nila ginawa sa'kin ang bagay na'yon?
"Ang mata ko, b-bakit po ganito?"
"Maging ako ay hindi ko rin alam. Ikinunsulta kita sa mga doctor, wala silang makitang dahilan. Nang dalhin kita sa mga albularyo..."
"A-ano po?"
Tumingin ito sa'kin. "Ang sabi nila, pag sumapit ang ika-sampung kaarawan mo ay makakalimutan ka ng taong matititigan mo," ani Manang.
Dahan dahan akong tumango. Nagpatuloy na ako sa pagkain, hindi na ako nagtanong pa at pagkatapos ay natulog na.
---
Isang linggo na ang nakalipas nang mag-date kami. Isang linggo na rin akong pinapansin ni Theo. Ang lapit ko lang sa kan'ya pero malayo na ang loob n'ya sakin. Nilalagpasan n'ya ako sa parking lot. Hindi ko s'ya masisisi, pumayag ako sa date na iyon.
Okay... Okay lang. Ito naman ang hiniling mo, hindi ba Yuna? Ayaw na ayaw mong gagambalain. Pinaiyak ka na n'ya at pinahiya pa noon, kaya mabuti na rin 'yan.
Kahit nabalik pa rin sa utak ko ang nangyari noong isang linggo, titiisin ko. Nagkaganito lang ako dahil first time ko lang lumabas kasama ang lalaki. Ayos lang ako, hindi pa ako nababaliw.
Isang linggo na rin akong inaaya ni Matt kumain ng lunch, pero dalawang beses lang akong pumayag. Okay s'ya, masayang kasama at mabait. Alam kong iba ang turing n'ya sa'kin pero hindi ko 'yon masusuklian. Tuwing lumalabas kami, may kulang. May hinahanap akong kakaiba na wala sa kan'ya.
Naging maarte at choosy ba ako pagdating sa lalaki? Aish. Nakakabwisit na rin ang sarili ko, gusto kong sabunutan at sapakin. Bumuntong hininga ako at tumayo.
Naalala kong niyayaya ako ni Matt sa Valentine's ball para maging partner n'ya. Hindi pa ako umo-oo pero wala na akong choice, s'ya lang naman ang magaaya sa'kin. Kinuha ko ang white dress na binili sa'kin ni Theo sa cabinet.
Mamayang 6 pm ang umpisa ng ball. Um-absent ako ngayon dahil siguradong napuno ang school ng booth. Wala akong choice kundi pumunta ngayon dahil attendance is a must raw.
Kadalasan talaga may dagdag grades ang paglandi este pagpunta sa mga ball katulad nito. White dress ang napili ko dahil may color coding system ang event ngayon.
Red, inlove. Blue, single. Black, broken. At, white, not interested.
Pinlantsa ko ang damit at kumain na.
Marami-rami na ang tao sa SYU. Papasimula na ang event dahil naka bukas na ang mga ilaw at nagpapatugtog na. Bongga at magara ang tables na nakalagay sa paligid, habang ang gitna ay ang magiging dancefloor.
Wala man lang silang ibinigay na upuan. Aish, tama. Ganito yung napapanood ko sa tv. Ang lakas maka-sosyal, ah. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, nagpalinga linga ako sa paligid at natigilan nang makita si Theo sa unahan ng gym. Naglalakad s'ya papunta sa'kin.
Ilang sandali pa ay naghanda na ako ng lakas ng loob para magsalita.
"T-th--" Lumingon ako. Nilagpasan n'ya ako, at pumunta sa kabilang gilid ng table. Bumuntong hininga ako.
"Yuna!" tawag sakin ni Aya. Lumapit naman ako sa pwesto nila at nakisali sa usapan.
"Ang ganda ng dress mo, Yuna!" Puri ni Sunny. Ngumiti naman ako at umiwas ng tingin.
Pakiramdam ko nakikipag plastikan lang sila sa'kin, at si Aya lang ang totoo sa kanila.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang ball. Umikot ang iba't ibang kulay ng ilaw. Hindi ako sanay rito kaya naman tumingin ako sa sahig para hindi mahilo agad.
"The dancefloor is now open! Enjoy students!"
Naiwan kaming dalawa ni Aya sa table. Wala namang sasayaw sa'kin, at isa pa, hindi ako marunong.
"Yuna," isang pamilyar na boses ang tumawag mula sa likod ko. Agad akong lumingon.
Hinawakan n'ya ako sa kamay at hinila papuntang dancefloor. Inilagay n'ya ang mga kamay ko sa braso n'ya at hinawakan ako sa baywang. Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla.
"I miss you."
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Teen FictionStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.