Yuna's POV
Umalis kaming walang natanggap na sagot mula kay Manang. Ang tanging alam n'ya lang daw ay natagpuan n'ya ako sa eskinita.
Di ko maiwasan isipin kung totoo ba ang mga sinasabi ni Manang sa'kin.
Nang makapasok ako ng kotse, nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Mabigat rin ang pakiramdam ko at mainit ang hininga.
Sumandal ako sa upuan at umidlip.
Sa pagmulat ko, nakita ko ang lalaking sinasabing s'ya raw ang ama ko. Nakasandal ako sa pader pero nagawa kong makaalis sa mga bisig n'ya.
Pigil hininga akong tumakbo ako ng mabilis. Mabilis pero natatanaw ko pa rin s'ya sa likuran ko.
Hinihintay kong magbago ang lugar kung saan ako naroroon. Gusto kong mapunta sa gubat na lagi kong nakikita tuwing napupunta ako sa lalaking ito.
Pero hindi lahat mako kontrol mo.
"Kahit anong gawin mo, susundan pa rin kita!" aniya habang kumakaripas s'ya ng takbo.
Nang magising ako, tumambad sa harap ko si Theo. Hawak n'ya ang noo ko habang mukha s'yang nagaalala.
"You're sick."
Lumabas s'ya ng kotse at binuksan ang pinto ng kinauupuan ko. Binuhat n'ya ako papunta sa loob ng bahay.
"B-bakit parang maingay?" Nakapikit kong tanong habang nasa mga bisig n'ya.
Biglang pumasok sa'kin ang alaala noong binuhat n'ya ako papunta sa clinic.
"Hinihintay nila akong dumating. Don't mind them, just rest. I'll take care of you."
Naramdaman kong inihiga n'ya ako sa malambot n'yang kama. Alam kong kay Theo ito dahil sa pabango. Kinumutan n'ya ako at lumabas ng kwarto.
Rinig na rinig ko pa rin ang flash ng camera na nanggagaling sa mga reporter. Tumagilid ako ng higa at nagtaklob sa lumot dahil sa sobrang panlalamig.
Narinig kong bumukas ang pintuan.
"Hoy, naghanda ako ng maligamgam."
Kunot noo kong inalis ang kumot habang nakapikit pa rin. Naramdaman kong sinapo n'ya ang leeg ko.
"Sobrang init mo, Yuna." At nilapat sa noo ko ang towel na may maligamgam na tubig. "Are you okay?"
Hindi ako makamulat. "Sobrang sakit ng ulo ko..."
Narinig kong bumuntong hininga s'ya. "I'll make some porridge later."
"A-ako na lang ang gagawa," nahihiya kong sagot.
Tumawa s'ya. "Don't worry, I'd searched for that."
Marahan akong ngumiti at hinawakan ang towel na nasa noo ko. Pero agad ko ring binawi 'yon nang mahawakan ang kamay n'ya.
"I'll cook now," aniya at tumayo paalis.
Halos 40 minutes din nang makabalik rito si Theo. Lalo lang ata ikasasakit ng ulo ko kung hindi masarap ang luto n'ya.
"Umupo ka."
Umiling ako. "Hindi ko kaya."
Hindi ko pa rin kayang imulat ang mga mata ko.
Narinig ko s'yang bumuntong hininga. "Ah."
"Ah?"
"I mean, A," ani Theo.
BINABASA MO ANG
Her Blue Eyes (Completed)
Подростковая литератураStare at Yuna's eyes and she'll be forgotten. Meeting Theo, a troubled man seeking justice, is a roller coaster journey. Different realities. Life played by her blue eyes.